Part4

22 2 0
                                    

YANNA'S FEAR

"Yanna gumising kana please!"

Niyuyogyog ni Reeh ang pinsan na hanggang ngayon ay hindi parin nagkakamalay.

Tumayo siya at patakbong lumapit sa pinto at sinubukang buksan ito pero hindi ito mabuksan-buksan.

"Trenz!Sia!Atchie!!!­!"nagpapanic na sigaw niya at sunod-sunod na kinalampag ang pinto habang sinusulyapan si Yanna.

"Josh!Audy!!Katrina!­huhuhuhu!"

Lumingon siya sa paligid para tumingin ng pambubukas ng pinto pero wala siyang makita kaya tumakbo siya papasok ng kusina,pero wala siyang makitang pwedeng ipokpok sa doorknob. 

"Damn!"nanginginig na mura niya. Sinabunutan niya ang sarili niya sa frustration.

Bllaaaaaaaggggg!

Nanlaki ang mga mata ni Reeh at muling bumalik sa sala. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang bukas na ang pinto. Pero nung tingnan niya ang kinaroroonan ni Yanna ay wala na ito.

"Yanna!!!"pasigaw na tawag niya at hinanap ito sa paligid,"YANNA!!!"

Biglang umihip ang hangin at nanginig siya sa takot nang may makita siyang itim na usok na pumasok sa bahay. Tila napako siya sa kinatatayuan nang palibutan siya nito.

"Hahahahahahahah!"

Halos manghina ang tuhod niya sa takot sa halakhak nitong parang nanggagaling sa hukay.

"Ganyan nga Reeh!Matakot ka!"

Kinakapos na siya paghinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.Pinagpapawisan na siya ng malapot sa pinaghalong takot at pag-aalala para kay Yanna.

"See you in hell.."

Bumagsak ang katawan ni Reeh sa sahig at nawalan na ng malay.

Yanna's POV

'Nasaan ako?Bakit ang dilim?'

Tanong ko sa isip ko nang pagmulat ko ay nasa kadiliman ako. Nagsimulang manginig ang buo kong katawan sa takot.

"Reeh!Lara!Katrina!N­asaan kayo?!"

"Atchie!Josh!Sia!Kat­rina!Lara!!!!"

"Prince!!!"

Paulit-ulit na tawag ko sa kanila pero walang sumasagot. Nagsisimula nang sumikip ang paghinga ko.

Takot ako..
Takot ako sa dilim...

"Yanna!"

Napatayo ako at kumapa-kapa kahit nanginginig ang mga binti ko ay sinubukan kong maglakad.

"Reeh!"tawag ko sa pinsan ko dahil alam ko siya yong tumawag sakin.

"YANNNAAA!!!Nasaan ka ba?!"

"Reeh!Nandito ako!Nandito ako!"nangilid ang mga luha sa mga mata niya.

"Yanna dito!"

Dumiretso siya ng lakad,sinusundan niya ang isang boses..

Natuwa siya nang may makita siyang puting liwanag.

"Reeh!"

Naging mabilis ang paglapit niya sa liwanag pero bago niya pa marating yon ay bigla itong naglaho.

"REEEEHHHH!"hiyaw niya at nanghihina siyang napaluhod. Napatakip siya sa mga mata niya at napahagulhol..

"NASAAN NA BA KAYO?!"

"Yanna?"

Napa-angat siya ng tingin at gulat siyang napatingin kay Kyla na nakangiting nakatayo sa harapan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game of FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon