Sonnet 2.

2 0 0
                                    

Tingin ng tingin ako'y laging pansin,
Sayong kilos ako'y naiilang,
Pagsulyap mo aking binibilang,
Yun pala sakin ika'y may pagtingin

Bisto kita kahit di mo sabihin,
Pag kasama ka ako'y nalilibang,
Kahit na minsan para kang hibang,
bakit kasi ayaw pang aminin

Di ko alam kung ako'y assumera,
O mahilig ka lang magpaasa,
Basta sakin mahalaga ka sinta

Kumanta ka sa himig ng gitara,
Nang sa Tatay ko ikaw ay pumasa,
Upang maging kasintahan kita

PoemsWhere stories live. Discover now