MY KUYA, MY EX

644 1 0
                                    

Pag pasok pa lang ni Mhizzy sa kanilang bahay ay nakita na niya ang isang pamilyar na mukha na nakaupo sa kanilang sala, sinara niya ang pintuan at pumunta sa sala.

Halos tumalon ang puso ni Mhizzy ng makita niya ang kanyang ex-boyfriend na si Jay "Anong ginagawa mo dito!!" sigaw niya sa kanyang kaharap habang nakaturo sa pagmumukha nito

"Ikaw anung ginawagawa mo dito??!!" nakaturong sigaw ni Jay sa mukha ni Mhizzy 

"SINUSUNDAN MO BA AKO!!!" sabay nilang pagsabi

"Andyan ka na pala anak" napatingin si Mhizzy sa kanyang likuran "Ma, baki...." napahinto siya sa kanyang sasabihin ng makita ang kasa-kasamang lalaki ng kanyang mama, naka business attire ito at mukhang nasa mid's 40's na din ang kanyang mukha, matipuno ang pangangatawan at kahit na ito'y nasa 40's na ay talaga namang may tinataglay itong ka-gwapuhan "Ma sino siya?" tanong ni Mhizzy sa kanyang mama na may dala dalang cake  

Pinaupo muna ng kanyang mama si Mhizzy sa sofa, ng makaupo na ang lahat dito na nag umpisa mag salita ang kanyang mama "Beh, this is Alfredo ang magiging bago mong papa"

Napatayo sa kanyang inuupuan si Mhizzy at gulat na gulat sa binalita ng kanyang mama, nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatitig sa dalawang lovers sa kanyang harapan at sabay tingin din kay Jay na kanyang ex "WHAT!!" sigaw nito

Ano kaya ang mangyayari sa dalawang tao na nagkaroon ng alitan at relasyon noon, lalo na ngayon na sila'y magiging magkapatid na din ...

Published Date: September 18, 2012

Author: @daikujoni

MY KUYA, MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon