Chapter 1

343 4 3
                                    

Matapos ang mahabang diskusyunan tungkol sa magiging kasal ng papa ni Jay at mama ni Mhizzy ay umakyat ng masama ang loob ni Mhizzy sa ina, nakaalis na din noon ang mag-ama. Sinundan ni Dina ang kanyang anak paakyat "Beh, mag usap tayo" huminto sa paglalakad si Mhizzy at tumingin ng katalim talim kay Dina "Anong dapat nating pag-usapa ma?!" mataas at matigas ang tono ng boses ni Mhizzy "You will marry a man without even my approval! AT SA PAPA PA NG EX KO! HOW DARE YOU MA!!!" hinabol ni Dina ang kanyang anak at hinawakan sa kamay ngunit tinabig lamang ito ni Mhizzy, tuloy tuloy ang pag-akyat ni Mhizzy at dumiretsyo siya sa kanyang kwarto at sinarado pabalibag ang kanyang pintuan.

Tumalon ito sa kanyang kama at hindi napigilan ang pag luha ng kanyang mga mata "Bakit naman kasi siya pa" hindi na namalayan ni Mhizzy ang pag pikit ng kanyang mga mata.

Kinabukasan, tinatamad bumangon si Mhizzy sa kanyang kama at nilabas na lamang niya ang kanyang laptop na nakalagay lamang sa loob ng drawer ng study table.

In-on niya ang kanyang laptop at mukha agad ni Jay ang bumungad sa kanyang mukha, habang tinitignan niya ang picture nila ni Jay noong nasa college palang sila ay muli na namang pumatak ang kanyang mukha "Bakit ikaw pa ang naging anak niya Jay?" kausap nito ang wallpaper ng kanyang screen, muli ay binalikan niya ang nakaraan while she was looking at their old pictures na naka save pa din until now sa kanyang folder sa pictures.

Bawat litrato, at araw ng pagkuha doon ay napaka importante noon kay Mhizzy at aaminin niyang hanggang ngayon ay hindi pa talaga siya nakaka move-on kay Jay, Jay was the first man na kung saan minahal niya ng todo-todo lahat na ata ay ibinigay niya na sa binata ngunit hindi pa naman dumadating sa panahon na pati ang kanyang katawanan ay nabigay na niya sa binata, Jay respected her so much kaya naman may pangako sila sa isa't isa na pag kasal na lang nila iyon gagawin. Jay is a very gentleman and a loving person, napaka sweet nito sa dalaga at kahit na busy ito sa kanyang trabaho ay gumagawa pa din siya ng effort upang makasama lamang si Mhizzy kahit sa maikling oras.

3 YEARS AGO....

Studyante pa noon si Mhizzy sa isang pribado at kilalang unibersidad sa Manila ng makilala niya si Jay na nag tatrabaho sa isang coffee shop..

"So Mhizzy musta na kayo ni Karl?" napataas ang kilay ni Mhizzy ng madinig niya ang pangalan ng mangloloko niyang manliligaw, nahuli niya kasi itong may kahalikang iba sa ilalim ng staircase ng kanilang skwelahan "Pwede ba Kris don't ever try to mention his name again" 

"Welcome" isang napaka matipuno at napaka gwapong lalaki ang tumimbang sa kanilang harapan, parang nagmistulang scanner ang mata ni Mhizzy kung tignan niya ito mula ulo hanggang paa "Dito kayo mam" sinamahan sila papunta sa isang bakanteng upuan, inalalayan din sila ni Kriz sa kanilang pag upo sa upuan isang pag aalalay na isang gentleman lamang ang gumagawa

"Anong order niyo mam?" baritone ang boses ng binata at hindi maalis ni Mhizzy ang kanyang titig sa mukha ng waiter na nasa kanilang gilid, isang mahinang tapik ni Kris ang gumising sa pagpapantasya ni Mhizzy sa waiter, napatingin si Mhizzy sa kanyang kaibigan "Hoy Mhizzy tama na kakatitig, anu daw oreder mo!" sa sobrang kahihiyan ay yumuko ito upang di makita ang kanyang mga namumulang pisnge "Mochachino akin" umupo ang binata sa gilid ni Mhizzy at tinignan pailalim ang mga mukha nito, sa sobrang gulat ay napatayo si Mhizzy sa kanyang inuupuan, tumayo naman sa pagkaka upos ang waiter "Yun lang ho ba mam?" katamistamis ngunit nakakaloko ang mga ngiting ibinigay ng binata kay Mhizzy "O....Oo" pa-utal utal na sabi nito

Pag alis ng waiter ay doon bumalik sa pag kaupo si Mhizzy, hinawakan niya ang kanyang magkabilaang pisnge mainit ito dahil sa pamumula kanina, huminga siya ng malalim bago tumingin kay Kris "Grabe" walang emosyon na nakatitig lamang ito kay Mhizzy "Huh??" ng mapansin ni Kris ang namumulang pisnge ni Mhizzy "Ahhhh" sabay ngiti nito ng nakakaloko "Type mo nuh??" tanong nito kay Mhizzy

Sinuob ni Mhizzy ang kanyang mukha sa menu na kanyang hinawakan "Grabe nakakahiya" tinanggal ni Kris ang menu na hawak hawak ni Mhizzy sa kanyang kamay "Oy teh wag O.A, ok lang yan hahahaha" hindi na napigilan ni Kris ang kanyang pagtawa ng makitang pulang pula na ang mukha ni Mhizzy, isang malakas na hampas ang ginawa ni Mhizzy sa balikat ni Kris bago ito tumayo at tumugon sa powder room

Nilabas niya ang kanyang make up kit at nagsimulang mag foundation upang matakpan kahit papaano ang mga namumula niyang pisnge "Grabe nakakahiya talaga, bakit naman kasi ang gwapo ng waiter na yun hindi ko tuloy mapigilang hindi tumingin sa kanya" nang matapos na siya sa pag-aayos ay lumabas na siya ng powder room, ngunit nagmistulang yelo ang kanyang katawan ng nasa kanya ng harapan ang waiter na nakakuha ng kanyang atensyon "Ahmm hello?" sabay abot ng waiter ng kanyang kamay, inabot nito ang kanyang kamay at tinugon naman ito agad ni Mhizzy "He...hello" 

"Ako nga pala si Jay" pakilala nito "Ako nga pala si Mhizzy", nagbitiw na sila ng kanilang mga kamay "Pwede ko ba makuha ang number mo?" walang pakundangan ito sa kanyang pagtanong kay Mhizzy, hindi man lang nagdalawang isip ang dalaga at binigay niya agad ang kanyang cellphone number sa binatang nasa kanyang harapan "Thanks" nakangiting umalis si Jay ng tawagin ito ng kanyang amo

Bumalik namang nakangiti si Mhizzy sa lamesa nila ni Kris nandun na din ang inorder niyang Mochachino at Latte with cake ni Kris "Ang tagal mo ata sa powder room?" tanong nito sabay higop ng latte "Kris hiningi nung waiter number ko at binigay ko naman" halos mabuga na ni Kris ang kanyang iniinum sa kanyang kausap "Huh binigay mo ng ganun ganun lang?" isang ngiti lamang ang sagot ni Mhizzy sa tanong ni Kris

Hinatak ni Kris ang buhok ng kaibigan "Gaga ka panu kung may balak yun sayo"

"Wala naman siguro atsaka wala naman sa itsura niya noh" isang subo ng keyk bago muling sumagot si Kris "Malay mo nasa loob ang kulo, hindi lahat ng may magagandang itsura ay maganda dina ng pangloob tandaan mo yan Mhizzy"

Doon lamang napagtanto ni Mhizzy ang kanyang kamalian, ngunit on the other hand ay hindi siya nagsisise na ibinigay niya ang kanyang cellphone number kay Jay dahil wala naman talaga sa kanyang itsura na may gagawing masama

=========> TO BE CONTINUED

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY KUYA, MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon