💜☄💜
After ng class ay dumiresto kami sa canteen para hanapin sila Ysa, Julia at John. Napatigil ako kasi naalala ko na naiwan ko yung wallet ko sa locker. "Joshua mauna ka na. Kunin ko lang yung wallet ko sa locker."
"Sige."
Tumakbo ako sa locker area para kunin ito. Habang binubuksan ko ang locker napansin ko na may babaeng umiiyak sa may dulo ng locker area.
Namukhaan ko siya at si Julia pala iyun. Tumakbo ako papunta sa kanya. "Julia! Bes!"
Tumingin siya sa 'kin na namumutla.
"Oh bakit ka umiiyak?"
"S-si Matthew."
Si Matthew ang boyfriend ni Julia. 5 months na sila.
"Bakit? Ano nangyari kay Matthew?"
"N-nakita ko si Matthew. Kasama nya si Beth."
"Oh ano naman ngayon kung kasama nya si Beth?"
"Di mo lang nakita pero.. nakikipag halikan siya kay Beth."
"Ano?! F*ck! Babaero!"
"Shh."
"Nasaan sila?"
"Nakita ko sila sa grounds"Nagalit ako. Ang pinaka ayaw ko ay masaktan ang mga kaibigan ko. Hinila ko si Julia at tumakbo kami papunta sa grounds. At ayun nakita ko si Matthew nakikipaghalikan kay Beth.
"Hoy! Matthew Carl!" Sigaw ko
Napatingin sila sa akin
Hinila ko ang collar ni Matthew
"Langhiya kang babaero ka! Nag lakas loob ka pang lokohin ang best friend ko ha?"
Binigyan ko sya ng light punch "Aray!" Napahawak si Matthew sa pisngi nya.
Pinuntahan sya ni Beth.
"Matthew? Ok ka lang? Ano ba Nicole? Wala naman ginagawa sayo ang tao!"
"Walang ginaawa? Huh ok wala nga sa akin pero kay Julia meron. Ikaw namang malanding babae ka. Alam mo na nga may jowa yung tao naglakas loob ka pang lumandi ha?"
"Bes, tama na lika na"
"Sandali lang bes. Sana maging masaya kayong dalawa ha. Habang itong si Julia kawawa. Hayaan nyo na. At least kayo masaya. Wag kayong maghihiwalay ha? Kasi paginawa niyo yun eh parang walang sense din ang ginawa niyo. Julia, baka may gusto ka sabihin o gawin?"
"Um... Matthew Carl! Break na tayo! Wag na wag kang hihingi ng comeback! Che!"Hinila ako ni Julia at pumunta na kami sa canteen.
"Anyare sa inyo?" Tanong ni Ysa
"Wala, kwento ko mamaya. Kain muna tayo. Pagod ako eh."
Habang kumakain may binulong sa akin si Julia
"Nicole. Wag na wag mo gawin ang ginawa ko ha. Pumili ka ng lalaking mamahalin mo na hinding hindi ka iiwan. Hinding hindi ka sasaktan. Pag ginawa mo yun ikaw ang kawawa. Love Someone who Loves you truly"
~♡~♡~♡~♡~♡~♡~
A Short Chapter
💜☄💜☄💜☄

YOU ARE READING
I'm In Love With My Best Friend
Teen FictionHaving a crush is nice and hard at the same time. In the case of Margarita Nicolette Dela Cruz, its pretty hard. You See, her bestfriend, Joshua Kyle Legaspi, is her crush. But she's not that desperate for him. She just likes him a lot more than you...