4 - Backstory

2 0 0
                                    

I'm Adding this Chapter for you guys to know Nicole and Joshua's Backstory lez Go!

3rd Person's POV
(June 2, 2013)

"Ysa!" Sigaw ni Nicole nang makita niya si Ysa.
"Nicole! Namiss kita!" Sabi ni Ysa habang yinakap niya si Nicole.
"Namiss din kita! Kamusta bakasyon mo?" Sabi ni
"Wala lang. Bahay Mall Bahay Mall kung sinuswerte ako sa Park ikaw?"

"Pinapunta ako ni mommy sa lola at lolo ko sa Pampanga with my sister. Pero ganun lang din bahay mall bahay mall lang din. Nasaan sila Julia at John?"
"Andoon na sa classroom. Lika na punta na tayo.

Ysa and Julia walked trough the long hallways to get to their room. Kahit small elementary building lang iyon mahahaba at madami ang mga hallways kaya pwede kang mawala.

Once they reached the classroom, agad na umupo sila Nicole at Ysa sa tabi nila Julia at John at nagsimula silang magusap habang inintay ang kanilang guro.

A Few minutes later dumating na ang kanilang guro at pinapila na sila para sa opening flag ceremony.

After ng ceremony by section pumasok na sila sa kanilang classrooms.

"Welcome to another School Year here in Mark Marcelino High kids! I'm Teacher Ava and I will be your teacher and adviser this year. Now kids I know some of you know each other already but we have new students here so all our new students could you guys stand up and come up here at the front" sabi ng kanilang guro.

Sabay Sabay na tumayo ang limang bata ngunit ang isa ay nakakuha ng tingin ni Nicole. Isang Lalaki.

"Ok let's start with you little boy let' start with your name and Age and what school did you come from."

"Hi! My Name is Joshua Kyle Legaspi, I'm 8 Years Old and I am from Marikina Elementary School."

Pagkatapos na mag pakilala ng mga transferees ay sila'y umupo na sa kanikanilang upuan. Si Joshua ay umupo sa Harapan ni Nicole. Kinalabit ni Nicole si Joshua para magpakilala.

"Hi! I'm Nicole, ikaw si Joshua diba?"
"Yes, I'm Joshua. Nice to meet you Nicole"
Napangiti si Nicole kay Joshua.
Parang magiging close kami nito ha
Naisip ni Nicole.

2 Weeks Later...

"Class we will have our Math Quiz next Week Monday. I'm giving You all weekend to study our recent lessons. Class Dissmissed."

"Nicole! Di Ko Maintindihan yung lesson natin sa Math! Alam mo ba?" Tanong ni Julia.
"Di Ko rin alam Julia eh. Ah! Alam ko na tanungin natin si Joshua! Diba magaling yun sa Math?" Sagot ni Nicole
"Oo nga magaling siya sa Math! Bilis andoon siya ngayon sa Library." Sabi ni Julia habang hinihila si Nicole

Nang makarating sila sa Library,
"Nasaan siya?" Pabulong na tanong ni Nicole.
"Ayun oh! Nasa may dulo"
Dahan Dahan nilang linapitan si Joshua.

"Hi Joshua, pwede mo ba kami tulungan sa Math? Di kasi namin maintindihan eh." Sabi ni Nicole.

Masungit na tinignan ni Joshua sila Nicole at Julia.

"Di ba kayo nakikinig sa klase ha? Kung nakikinig kayo maiintindihan niyo. Wag nyo nga ako guluhin."
Inis na sabi ni Joshua.

"Hmph! Ang Sungit mo naman! Nagpapatulong lang naman kami! 'Lika na nga Julia!" Iritadong sabi ni Nicole.

Hinila ni Nicole si Julia palabas ng library.
"Gahh! Nakakainis yun!" sigaw ni Nicole
"Diba? Isipin mo yun nagpapatulong lang tayo sa Math!" Sabi ni Julia.

Dumiretso silang dalawa sa Canteen para hanapin sila Ysa at John.
"Bakit parang Bad Mood kayo?" Sabi ni Ysa

"Kilala nyo si Joshua diba? Kanina pinuntahan namin siya sa Library para magpatulong sa Quiz sa Math gahhh! Ang Sungit sabi nya "Di ba kayo nakikinig sa klase ha? Kung nakikinig kayo maiintindihan niyo. Wag nyo nga ako guluhin." Diba? Ang Sungit Porket matalino siya" sabi ni Nicole.

"Kalma lang Nicky." Sabi ni Ysa
"Nakakainis naman kasi talaga siya Ysa eh. Ang Sungit naman kasi" sabi ni Julia.
"Well, erase niyo nalang yun baka medyo masakit lang ulo niya." Sabi ni John

A Few Weeks Later...
"Ay! Ysa sandali lang. May nakalimutan lang ako sa Locker. Babalik agad ako." Sabi ni Nicole
"Sige" sabi ni Ysa.

Nagmadaling tumakbo si Nicole papunta sa Locker area niya.
"Ok so May Homework sa Filipino, Quiz sa Science at Project sa Arts. So..."

"Tama na Tama na! Oo na gagawin ko na Homework niyo!" Narining ni Nicole na sigaw.

Napatingin si Nicole sa direction ng boses at nakita si Joshua, naka upo sa corner ng hall at sinosurround ng mga malalaking lalaki.

"Ha! Madali ka lang palang kausap ito eh! Ito! Deadline nito sa Friday! Ayusin mo ah Dapat A+ Kami!" Sabi ng isa at tinapon ang isang notebook sa kanya.
"Hoy!" Sigaw ni Nicole.
Tumingin ang mga lalaki pati si Joshua sa kanya.
"Iwan Niyo si Joshua!"
"At Bakit naman namin gagawin yun Nicole?"
Kumuha si Nicole ng tatlong Notebook at Pencil mula sa Bag Niya.
"Hahaha! Anong gagawin mo dyan? Magsusulat ng story? Ng Homework?"

"Hindi. Itong mga Notebook..." sabi niya sabay tapon ng mga notebook sa kanila "Hoy! Anong problema mo?" Sabi ng isang lalaki "Pang hit sa inyo. At tong Pencil..." sabi niya habang palakad palapit sa kanila.
"Pang pukpok sa mga ulo niyong walang laman para matauhan kayo!"
Hinila ni Nicole ang collar ng isa at pinukpok ang ulo niya "Aray!" Sigaw niya.
"Tandaan niyo 'to! Wala kayong karapatan na mangbully ng ibang tao! Kasi tao kayo at tao din sila!"
Nakita ang takot sa mata ng dalawa pang lalaki.
"Now kung ayaw nyo masumbong kay ma'am mas mabuti pa kung umalis kayo dito at iwan niyo si Joshua!"
Binitawan ni Nicole ang collar ng lalaki at itinulak siya. Tumakbo ang tatlo.
"At gawin niyo ang Sarili niyong Homework!" Sabi niya at tinapon ang notebook ng tatlo.

Linapitan ni Nicole si Joshua.
"Ok ka lang Joshua? Nasaktan ka ba?"
"Di Ok lang ako. Thank You ah Nicole"
"Wala lang yun."
"I have to say sorry. I'm sorry kung naging masungit ako sayo noon. Alam kong nagpapatulong lang kayo ni Julia."
"Sus, wala lang yun. Past is Past."
"Can we be friends? Wala pa kasi akong friends Dito eh."

"Sure we Can Be Friends"

~○~○~○~○~○~○~○~○~○~○~
That Was Quite a long one. So Anyways every Chapter will now have a Featured song. This one' is
Simula Pa Nung Una by Patch Quiwa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm In Love With My Best FriendWhere stories live. Discover now