I never felt this intense feeling of mine. Para nakong bulkang sasabog sa sobrang galit. You know why?! Ang magaling ko lang namang kaklase binigay yung number ko sa isang di ko kilalang lalaki. At nagyaya pang makipagdate! Just Wow! For sale na ba ko ngayon? Kailan lang? ba't hindi ako updated?
Pumasok ako sa loob ng classroom namin at hinanap kaagad ang magaling kong kaklase. Agad siyang nagulat sa presensiya ko. Dapat lang dahil may malaking kasalanan siya sa isang diyosa. Hmp. Sinipa ko kaagad ang pagmumukha niya.
" Kailan pa ko naging for sale ha?! " sabi ko habang hinahampas siya.
" Anong pinagsasabi mo Lenkka?" natatawang sagot niya sa akin.
Sige tumawa ka lang tignan natin kung kanino ang huling halakhak." Ang kapal din naman ng mukha mong ibigay ang number ko sa isang manyakis! " sigaw ko habang nagsisimula na siyang humalakhak.
" Lenkka, hindi naman manyakis si Herbert huh? Good boy yun, pasalamat ka pa nga binigyan kita ng textmate at ng magkalaman naman yang inbox mo" humalakhak na siya ng sobrang lakas nakisabay narin sa kanya ang mga kaibigan niya.
" Hoy Lucencho, anong akala mo sakin babaeng desperada? Ibigay mo yang si Herbert sa gf mo dahil mukhang sawa na yun sayo!" sigaw ko na nakapalaglag ng panga niya.
Hahaha. Ano ka ngayon, boy? Boy TT Talunan at Tanga. Tinaasan ko siya ng kilay at humakbang papalapit sa kanya to give him one more punch in his face. Annoying person like him deserves more punches and slaps.
Tinalikuran ko na siya at tumungo sa mga kaibigan ko sa canteen. Bakit pa ba kailangang dito kami tumambay? Ang init kaya. Nasisira ang mala diyosa kong ganda. Kumaway si Jeda sa akin at agad ko silang nilapitan.
" Oh, san ka galing?" salubong na tanong sa akin ni Tanya.
" Namimigay lang ng suntok malapit na rin kasing mag pasko." sabi ko.
" And who's the unfortunate guy?" ismid na tanong ni Josa.
" Oh wait, I guess it's him again. Hindi kaba naawa sa kanya Lenkka? I mean araw - araw mo nalang siyang binibigyan ng suntok mo." sabi ni Jeda na mukhang mas nakokonsenya pa kaysa sa akin.
" What else can I do? Eh araw- araw niya rin akong ginugulo. Kung hindi notebook ko ang pagtripan yung cellphone ko naman at kung hindi cellphone buhok ko na naman. Nakakainis." nangigil kong sagot.
" Oy Alam ko ng sunod niyan." excited na sinabi ni Tanya.
"Ano Naman?" tanong ni Josa habang ngumungya.
" Kung hindi buhok mo edi puso mo" sigaw ni Tanya na nakakuha ng ilang atensyon mula sa madla. Nakakahiya.
" What the hell?" sabi ko sabay irap.
"Oo nga naman why not? As the saying goes there's a very thin line between love and hate. Kaya that's possible." kinikilig na sabi ni Josa na ikinandiri ng boung katawan ko.
" She's right, and you told us how much you hate him right? And as the saying goes ' the more you hate, the more you love' " sabi Naman ni Jeda.
Hindi na ba talaga sila titigil? Kaibigan ko ba talaga sila o kakampi sila ng Lucencho na yun. Hindi nalang ako nag salita baka kung and pang masabi ko.
" Now I wonder, how much hatred did you earned towards him? Cause it equals your love for him."
" Will you stop it? Kahit sino wag lang siya please. And I will never fall in love with him."
" Lenkka mahirap talagang nasa indenial stage noh? Don't worry malalagpasan mo rin yan. Laban lang!" Tumatawang sinabi ni Jeda.
Haist. Minsan talaga ang sarap ng sabunotan nila eh. Pasalamat sila't kaibigan ko sila at mahal na mahal kong tunay. Bago pako mag alburoto sa inis nag walk out na ako. At sa kamalas malasan nabangga ko pa siya.