Chapter 2

7 0 0
                                    

Lenkka's POV

Nakaupo lang ako dito sa bench ng school namin para antayin ang mga kaibigan ko na pa special. Minsan nga bigyan ko 'tong tatlo 'to ng rebisco. Feeling special masyado kainis!

" Lenkka! Sorry pinaghintay ka namin," sabi ni Jeda na habol habol ang hininga at lagaktak pang pawis.

" Sorry Lenkka we know how much you hate waiting pero hindi kasi namin inaakala na ganoon katagal bago permahan ang clearance namin." sabi ni Josa with pa awa look pa!

"Okay fine! fine! fine! Tapos na kayo?" Pasuplada kong tanong sa kanila.

Sabay pa silang tumango. " Then, let's go! Dami niyo pang satsat." sabi ko ay na una ng maglakad.

Habang naglalakad kami I couldn't help but to think of things na masayang gawin this semestral break. Ano kaya? Ayoko ko namang umuwi sa Isla dahil nakakabagot doon at walang signal. Ayoko ko ring mag horror booth dahil siguradong hihipoan Lang ako. Paano kaya kung—
"Shit! Sino 'yon!?" sigaw ko. Shit talaga dahil ang sakit.

Sabay-sabay na itinuro ng mga kaibigan ko ang grupo ng mga langgaw. Bwesit sabi na nga ba eh.

" Sorry, Lenkka I didn't mean it. Ikaw kasi di ka tumutingin sa daan para kang lutaw" lintek lang dahil tumawa pa talaga ang kurimaw!

"So, sinasabi mo bang kasalanan ko!? HA!? KURIMAW KA LINTEK KA!" sinapak ko na bago pa makatakbo.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at tinignan ako sa mga mata. Langya! Nadidistract ako sa brown eyes niya! Shit! Pero hindi pwede dapat manatili akong matatag. Kaya mo 'yan Lenkka! Go self!

" Bitawan mo nga ko! Lintek ka! Ikaw na nga 'tong ang dami daming kasalanan sa'kin ako patong pinupusasan mo!? Ano ka engot?" Sigaw ko ng di natitinag sa mga mata niyang nakatitig sa'kin.

" Bibitawan Lang kita sa oras na pumayag kang lumabas tayo," sabi niya at nag wink pa ang kurimaw. Lintek na puso bakit biglang tumibok? Di naman toh ganito dati ah!

" Hah! At sa tingin mo ba papayag ako?" sabi ko habang tumatawa para itago ang kaba. Shit keep yourself up, Lenkka!

"Kaya nga hindi kita bibitawan hangga't hindi ka um"oo" ," he smirk and by then I knew na wala na 'kong ibang choice Kundi ang um"oo"

"Fine just.. let me go! And give me the exact time,date and everything! And don't expect me to eat sa tabi tabi you know I don't eat foods like that." sabi ko sabay irap.

"Okay I'll just text you tonight," he smiled at me and wink again. " Taka care sa pag uwi and — " hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil nagmadali na'ko sa sobrang kaba.

I immediately told my friends na bilisan sa paglakad dahil Baka masundan kami. Letse! Kung kailan hindi na kami magkaklase siyaka siya puporma sa'kin? Ano siya ungas? Ay hindi ungas na torpe! Lintek!

Isang taon na ng mabalitaan kong break na sila nag girlfriend niya (Buti naman) mula noon hindi na kami masyadong nagkikita dahil nag momove-on daw ang ungas kahit dalawang buwan Lang sila nung gf niyang 'yon. Laking pasasalamat ko rin nong nabalitaan kong nalipat siya sa kabilang section ngayong grade 12 na namin. Buti naman dahil Wala ng ungas na manunukso sa'kin palagi. Sabi rin nila nagbago daw siya simula noon. Mas naging masipag siya sa pag-aaral na ikinagulat ko naman bulakbol kasi 'yon.

" Bye Lenkka text text nalang tayo!" sabi ni Tanya. Tumango ako at nagpaalam din sa kanya. Di ko namalayan na umuwi na pala sila dami ko kasing iniisip. O baka siya Lang ang iniisip! Letse!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Greatest Love,Where stories live. Discover now