INTRODUCTION

136 2 0
                                    


Hi! Ako'y nagbabalik para sa isa nanamang istorya ng katapangan at... kabaliwan. :)

Ang istorya na ito po ay connected sa 5 part introduction ng isa ko pang series na sisimulan ko not so soon. Stand alone siya pero connected, and I would really appreciate it kung babasahin niyo din ang nauna kong story na "Introverted Comic Artist", na nauna kong ni-release, stand alone din siya pero... connected. 

Yun lamang po, enjoy! 

-Little A


{PROLOGUE}

Once upon a time, there was a lonely prince living in a lonely castle away from his people. His princess left him and he never spoke with anyone again. Until one day a beautiful fairy appeared on his door steps to take him away to Neverland.

"Anong klaseng fairytale ba 'tong ginagawa mo Chrome? Parang ang weird naman ata?" tanong niya sa kapatid na di makapaniwalang binabasa ang hawak na Children's book.

Nakasakay sila sa kulay pula nitong McLaren papunta kung saan. Nakasuot ito ng yellow aviator sunglass, black ripped jeans at black leather jacket na inilaliman ng velvet shirt. Kahit sino ay hindi aakalain na ang babaeng katabi niya ngayon ay isang Children's book writer.

"Nandito na tayo sa address na binigay mo, ano nga ulit ang gagawin mo dito?" tanong ng katabi niya ng tumigil sila sa tapat ng isang Malaki at lumang mansiyon.

Binigyan niya lang ito ng matamis na ngiti at sinabing, "I'm here to get a lonely prince."

"Ow-key?" Nakataas ang isang kilay na sinabi nito. Hindi na bago sa kapatid niya ang pagiging weirdo niya.

"Bye little sis." Kapagkuwan ay sabi niya bago bumaba sa sasakyan nito. Ito ang nagiging personal na chauffeur niya sa tuwing umuuwi siya dito sa Pilipinas.

Binaba nito ang bintana at sinilip siya, "Sure kang magiging okay ka lang dito?"

Tinutukoy nito ang malaking mansyon sa harap nila na dinayo niya pa sa pinaka dulo at liblib na bahagi ng isang subdivision sa Tagaytay. Luma na ito at mukhang abandonado.

"Don't worry. I'll call you when something came up."

"Okay, ingat ka dito."

Nang makaalis ang sasakyan ng kapatid ay humugot muna siya ng malalim na buntong hininga bago humarap sa malapalasyong bahay na natatakpan ng mayayabong na puno. Para itong isang palasyo na walang buhay at madilim.

"Kaya mo yan Raine," sabi niya sa sarili. "Hindi ka aalis sa lugar na 'to hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo."

Siya si Lorraine Sy, ang may-ari ng Café Universe, kailangan niya ng patissier at nasa loob ng malaking bahay na ito ang taong kailangan niya.

***

~Ding Dong~

"Arggh! Fuck!"

Hawak-hawak ni Wren ang ulo na halos mabibiyak na sa sakit. Naistorbo ang mahimbing niyang tulog sa pagtunog ng doorbell na taon na ang binilang bago muling may nagpatunog.

"What a fucking annoyance!?" iika-ika siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa. Sa sahig ay nagkalat ang mga lata ng beer na ininom niya kagabi.

Magulo ang buhok at masakit ang ulo na bumaba siya ng hagdan para pagbuksan ang kung sino man ang umistorbo sa tulog niya.

Pagbukas ng pinto ay nakita niya ang isang babae na literal na nagliliwanag. Tatlong beses siyang napakurap para siguraduhin kung tama ba ang nakikita niya.

She has a purple hair that matches well with her milky white skin. She is wearing a pastel pink dress that makes her shine even more. When he laid his eyes on that beautiful face, he couldn't help but wonder how someone could have these perfect proportions.

Her beauty is beyond breathless that even a cold person like him would be whipped. Halos masilaw siya ng bigyan siya nito ng isang ubod ng tamis na ngiti.

"Mr. Wren Forester? I am Lorraine Sy and I'm here to take you with me." 


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Strange AristocratWhere stories live. Discover now