Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
CAFÉ UNIVERSE
***
"I'm so proud of you enkel (grandson), finally ay lumabas ka na rin diyan sa lungga mo." sabi ng kanyang lolo na si Don Evangelico Colorado sa kabilang linya.
Kasalukuyan niyang minamaneho ang kanyang McLaren habang may nakapasak na earpiece sa tenga at kausap ang matanda.
"Grousspapp (grandpa), saan mo ba kasi napulot yung babaeng yun? At binigay mo pa talaga ang resume ko sa kanya ha."
"Nasa labas ka na ngayon diba? Ibig sabihin ay hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya." sabi nito.
"But grousspapp, ako magtatrabaho sa kanya? Seryoso?"
"Tulungan mo nalang apo, malapit sa'kin ang mga magulang niya at naawa talaga ako, gustong-gusto niya talagang magtayo ng café pero natikman mo na ba ang luto niya?"
"Yeah, it was hell."
"Do it for your papp, Wren. Tutal ay wala ka namang ibang ginagawa diyan sa Pilipinas kundi ang magkulong sa bahay mo. Sabi mo nga, kayang tumakbo ng kumpanya mo kahit wala ka. I just wanted to keep you distracted."
"Ano pa nga bang magagawa ko, I promised her already."
Wren pullover when he sees the street sign that says he is near the location given by her.
Napataas ang isa niyang kilay ng mapansin na papasok siya sa isang eskinita na halos puro puno ang nakikita niya. Mula Tagaytay ay nagmaneho siya papuntang Antipolo para makarating sa Café ni Lorraine, ang babaeng bigla nalang sumulpot sa harap ng bahay niya.
Sa dulo ay mayroon siyang nakitang dalawang palapag na building, medyo may kalumaan na ito at may mga baging sa gilid na nagpadagdag sa pagka-vintage ng lugar.
Sa labas patio ay may tig-isang malaking umbrella sa magkabilang gilid ng pinto ng nagsisilbing tabing sa dalawang table na nandun. Nakalagay ang karatulang OPEN sa sliding door pero wala siyang makitang tao sa loob.
Tinulak niya ang pinto at bumungad sa kanya ang nakakahalinang amoy ng kape. Pagkatapos ay narinig niya ang pamilyar na matamis na boses. "Welcome!"
Indigo parin ang kulay ng buhok nito at nakasuot ng itim na apron na may nakasulat na 'Café Universe'. Nakatirintas ng isa ang buhok nito habang may ilang strand ang lumalabas at mukhang kakagaling lang sa kusina.
"Pasensiya na, wala akong tauhan ngayon, naka day-off. Halika dito, magkape ka muna at saka kita ito-tour dito sa café."