"Oh san kayo pupunta? Mag gagabi na ah?" Tanong ni papa.
"Ah, mag checheck in lang po kami pa, para po di kami makaabala sa bahay, sa hotel nalang po kami gagawa ng thesis. Tsaka, madalas mawalan ng kuryente dito and need namin ng internet." Sabi ko sa kanya.
"O siya sige, mag iingat ka ah. Delikadong delikado sa daan lalo na pag gabi. Lagi mong tandaan yung mga turo ko sayo. Mag ingat kayo ah."
"Sige po pa, salamat po. Aalis na po kami." Huling sinabi ko sa kanya.
Dalawang araw na lang at pasahan na ng aming thesis and hindi ko alam kung matatapos ba namin ito ngayung gabi. Bukod pa doon, kailangan din namin mag handa para sa defense. Sigurado ako na tatanungin kami ng mga teacher ng mga mahihirap na tanong kaya kailangan din namin mag advance reading.
"Tara na, Ashley!" Tawag sa aking ng mga kaibigan ko. Nakita ko sila sa labas ng bahay namin at nakasakay sila sa itim na kotse. Kung iisipin, buti nalang at may dala silang kotse para hindi na kami mamroblem sa pamasahe.
"Eto na! Papunta na ako" Sabi ko. Nag babye ako kay tatay at isinarado ko na ang pinto. Dali dali akong tumakbo palabas ng gate at sumakay ako sa kotse. Pansin ko ang magandang bituwin at ang liwanag ng buwan.
"Let's go!" Nagsimula ng umandar ang kotse at kami ay umalis na.
Habang nasa kalagitnaan ng pagbabiyahe, naisipan namin na mag usap usap tungkol sa mga gagawin namin ngayong araw.
"So ano ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Rica.
"Well, of course it is obvious na gagawa tayo ng thesis natin. Mas maganda na sa hotel nalang tayo mag stay para mabilis ang internet at walang makakaistorbo satin. Tsaka ang sarap kaya sa pakiramdam, malamig pa sa kwarto and we can just cram the night while drinking coffee. Need natin mag research about dun sa topic or we will not pass this semester." Explanation ko sa kanila.
"Hmm nice! Well game ako jan pero sana matapos natin ng maaga para naman ma enjoy natin yung hotel experience kahit papaano." Dagdag ni Rose. Tatlo lang kami sa grupo ngayun at dahil hindi makakapunta yung dalawang boys dahil busy sila sa pag lalaro. Pero sila naman ang nag open up ng discussion and may nagawa na sila kahit papaano. We just need to revise it kung may mali ba ito o wala.
Makalipas ang isang oras. Nakita nanamin ang hotel na hinahanap namin.
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories [VOLUME 1 COMPLETE]
HorrorMahilig ba kayo sa katatakutan? Well, eto na ang perfect light book para sa mga horror readers diyan. Lahat ng nandito ay fabricated at hindi totoo. Enjoy reading mga kapwa Filipinos.