VR 93.9 Radio (Part 2)

176 3 2
                                    

Simula nung malaman ko na namatay ang babae dahil sa maling pag bibigay ko nang direksyon at hindi malinaw na paliwanag, umudyok ang pagiging matatakutin ko at hindi ako nakapagpahinga nang maayos. Iniisip ko pa rin ang mga trahedyang nangyari nung araw na yon. 

Makalipas ang dalawang linggo, nalaman ko sa balita na marami rin palang biktima ang namamatay tuwing madaling araw at padami ito ng padami.Hanggang ngayun, wala pa ring clue at lead ang mga pulis tungkol sa nasabing serial killer na pumapatay tuwing madaling araw. 

Hanggang sa ngayun, tuloy pa rin ang mga pulis sa i-imbistiga sa kasong ito. 

-

Saturday, 11:00 PM.

Panibagong shift ko nanaman bilang isang DJ sa VR 93.9 Radio broadcast. Maraming audience ng midnight show namin ang natakot simula nung tinulungan ko ang babae na makatakas sa nasabing serial killer ngunit namatay din. Tinagurian nilang Mysterious Radio Broadcast ang nangyari nung gabing 'yon. Hinggil sa aking kaalaman na tumaas lalo ang ratings nang show namin sa di kapani-paniwalang rason.

Hindi ko inaasahan na madaming tao ang bigla nalang mag tu-tune up sa radio namin para ba malaman kung babalik ba uli yung serial killer o hindi. Ang show kasi namin ang nag-poprovide lagi nang mga segment na kung saan tutulungan ko bilang DJ at sasagutin ko ang mga tanong nang caller namin tuwing gabi.

Pero wala sa show namin ang magpalabas na mag hire nang isang serial killer para lang mapalabas na ang show namin ay isang delikadong broadcast.

"Kevin, ikaw na uli ang bahala sa gabing 'to. Icheck mo lahat ng station kung bukas o sarado pa. Ilolock ko yung pintuan, dumaan ka nalang sa likod kesa para safe ka kapag uuwi ka na. And mag ingat ka rin. Yung nangyari last last week, wag mo nang isipin 'yon, magpatuloy ka lang sa pag tatrabaho bilang DJ. Wala kang kasalanan sa mga nangyari." Sinabi ni Ethel sa akin.

"Sige po, ma'am. Ako na ang bahala dito" Sagot ko sa kanya.

Nag end ang call namin at nag simula na ako sa pag D-DJ ko para sa gabing 'to.

As usual, mag s-start ang broadcast ko with music at mga playlist ng kilalang music ngayung taon at maya maya pa, after 11 PM ay magsisimula na akong mag start ng bagong segment at ayun ay ang pag sasagot sa mga tawag ng mga caller na humihingi ng tulong. 

Sa totoo lang, natatakot ako na gawin uli segment na 'yon dahil hindi pa rin ako maka-move on nung nangyari ang insidente. Sinisisi ko ang sarili ko na ako ang dahilan kung bakit nahuli ang babae na 'yon at biglang namatay.

Pero...

Sa gabing ito.

Kung sakaling sumalakay uli ang mamamatay tao na 'yon, hinding hindi ko 'sya papayagan na makapatay pa nang tao. After nung insidente na 'yon; nag bigay ako nang oras para sa aking sarili para mag search tungkol sa serial killer na 'to. Kamakailan lang ay mag nag post nang isang article tungkol sa nasabing mamamatay tao.

Maraming suspect ang lumitaw ngunit wala pa silang kongkretong ebidensya para masabi na 'yon nga ang serial killer. At hindi lang pala sa lugar na ito nangyayari iyon, pati na rin sa probinsya ng rizal. 

Nalaman ko na tuwing madaling araw lang talaga siya pumapatay at kung aalalahanin ko ang lugar, iyon ay malapit sa station namin at karaniwan ay nangyayari sa liblib na lugar. Ngunit nung tinawagan ko ang babae ay nangyari ang insidente malapit sa ospital, so parang hindi totoo na pumapatay sya nang tao sa mga tagong lugar.

Napagtanto ko na baka ang biktima nya ay ang mga taong madalas lumabas at mag pa-late tuwing madaling araw. Kumbaga, kabilang na rin ako doon since ang shift ko ay pang gabi. Pero ako ay nasa isang mataas na building at naka sentro ito at napapagitnaan nang plaza so marami talagang tao dito tuwing gabi. Malabo na makapasok ang serial killer na 'yon sa plaza at sa building na ito.

Tagalog Horror Stories [VOLUME 1 COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon