Pinagmasdan ko na lang siyang maglakad hanggang pumasok sa kotse niya sa 'di kalayuan. Natauhan lang ako nang magvibrate ang cellphone ko."Hello?" I said after answering the call. Mabuti naman at naisipan niyang tumawag ulit. Kaunti na lang ay mauubusan na ako ng dugo dahil sa mga pesteng lamok dito.
"Tine? Hello?"
"San ka na? Kanina pa ko naghihintay sayo?" matabang kong sabi. Hindi ko pa nakakalimutan ang kasalanan niya sakin.
"Tine sorry, nasiraan ako. Baka hindi na kita masundo. Dadaan na lang ako sa bahay niyo, sorry" napaawang ang bibig ko. After waiting for so long, hindi rin pala siya sisipot dito? Nag-init ang ulo ko, gusto ko siyang sampalin. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya.
I took a deep breath. Ayokong magpadala sa galit. I don't want to make this worst, anniversary namin, I should be patience. "Sana kasi sinabi mo kanina pa" saad ko habang pilit na pinipigilan ang galit ko. Kung hindi ko lang talaga siya mahal, jusko.
"It's unexpected Tine, if I know na masisiraan ako"
"Fine, it's okay. Uuwi na lang ako" paalam ko at agad na pinatay ang tawag. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Naghahalo-halo na ang tanong sa utak ko. I don't even know if he remember our anniversary.
Naglakad ako. Wala rin naman dumadaan na sasakyan dahil malayo ito sa high-way. Mawawalan na ako ng pag-asa nang mahagip ng tingin ko ang kotse ng lalaking nakausap ko kanina. Siya na lang ang pag-asa ko. Hindi naman siguro masama kung magpapahatid ako kahit sa high way lang para makahanap ako ng masasakyan. Saka niligtas niya na rin naman ako kanina, why not sagadin ko na ang kabaitan niya.
Ang kapal Tine.
Kumatok ako sa bintana ng kotse. Wala nang hiya hiya. Kaysa naman abutin ako ng umaga kakalakad.
"What?" bungad niya sakin nang buksan ang bintana.
I smiled. "Hello. Gusto ko lang sana magpasalamat ng maayos"
Tumango siya at akmang isasarado ang bintana pero pinigilan ko. "Wait lang" Matabang lang ang tingin niya sakin. Nakakailang ang itsura niya. Nahiya ang pimples ko. "Pwede bang humingi ng favor?"
He smirked. "Do I know you?"
"Yes, niligtas mo nga ko kanina 'di ba? Alam kong mabuti kang tao" saad ko. I laugh to myself, minsan lang ako mambola ng tao. And I don't know if it's effective.
He shook his head. "After calling me stalker?"
I bit my lower lip. Nakakahiya. "Sorry, nagbibiro lang naman ako kanina. Wala na kasi talaga akong choice, hating gabi na. Wala na akong masasakyan" Umiwas siya bago muling bumaling sakin. Mukhang effective naman ang pagsusumamo ko.
Matapos ang ilang sandali, binuksan niya na ang pinto ng passenger seat. Halos magtatalon ako sa saya. Kahit papaano ay may magandang nangyari ngayong araw na ito.
Tahimik lang ako naupo habang pasulyap-sulyap sa kaniya. Kanina pa siya rito pero hindi siya naalis. "May hinihintay ka ba?" I asked habang inaayos niya ang gamit niya sa backseat. "Napansin ko kasi na kanina ka pa naka-park dito"
Umangat ang tingin niya sakin. "Wala. Actually, I planned to stay here until morning kung hindi lang dahil sayo"
Napangiwi ako. Konsensiya ko pa pala ang pag-alis niya dito. "Bakit naman? Wala ka bang mauuwian?"
"Just be thankful. Ihahatid kita dahil 'mabuti akong tao'" he said.
Tumango na lamang ako. "Ako nga pala si Tine"
Sandali siyang napatigil. Humarap sakin at kinilatis ang mukha ko. "You look familiar"
Finally he remember. Akala ko'y nakalimutan niya na ang ginawa niyang invasion of privacy samin ni Andrei noon.
"Yeah, hindi na ako magmamaang-amangan sayo. I know it's embarrassing pero ako 'yung babaeng nakikipags*x sa kotse na pinasukan mo a year ago"
Halos masamid siya sa sinabi ko. I raised my brow. "You mean? You having s*x with a car-" hindi ko na pinatapos ang sinabi niya.
"Common sense tsk" I glared at him. Para bang close kami dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa kaniya.
**********
Hi guys sorry if ngayon nalang ulit nakapag update super busy lang kasi. Thank you again for the support po and sa pag tyatyagaang mag wait for my updates sobrang na appreciate ko po. 😊😊
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
FanfictionSome people are meant to fall in love with each other. But not meant to be together.