"Happy anniversary Tine" dinig kong bati sakin ni Andrei mula sa kabilang linya. Napangiti na lang ako. It's our 6th anniversary, hindi ko inakalang magtatagal kami sa kabila ng mga napagdaanan namin. Masasabi kong settle na kami pareho, nagtatrabaho for our future."Happy anniversary din. So what's your plan tonight?" I asked. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.
"Parang may bago, we don't usually celebrate this Tine. But always remember, I love you" gumuhit ang ngiti sa labi ko. Matapos iyon ay nagpaalam na ako kay Andrei dahil dumating na ang client ko.
I am a professional wedding organizer now. Hinihintay ko na lang talaga si Andrei na magpropose sakin para naman ako na mismo ang mag-asikaso sa sarili kong kasal.
"Hello Ms. Neptuno, I'm Selestine Alfonzo, your wedding organizer" bati ko sa babaeng kaharap ko. Binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti. She looks pale, siya lang ata ang naging client ko na may ganitong aura. She doesn't look happy for her upcoming wedding. "So, may I ask, where is the groom?" tanong ko. Mas okay na magstart kung pareho na silang nandoon para hindi ko na uulitin ang pagpapaliwanag.
"I don't know if he'll come. Can you just start, I'm in a hurry" mahinahon niyang sambit. Gusto kong tanungin kung okay lang siya, pero mukhang hindi magandang idea iyon.
Umayos ako ng upo. I'll start our discussion. Mukhang mahihirapan ako sa kliyente ko.
"Okay Ms. Neptuno, first of all I want to congratulate you" I said and smiled. "May I know what do you like for the venue? A beach wedding? Traditional? Or something unique?" tanong ko matapos kong makuha ang laptop.
2 years na ako sa trabaho na 'to. After college, maswerte ako at napasok ako rito. Hindi naman naging mahirap dahil pangarap ko na ang maging organizer noong highschool pa ko. Especially weddings.
"Just make it simple, sa Church, I chose traditional" tumango ako at nagtipa sa laptop na nasa harap ko. Magsasalita na sana akong muli nang may taong pumasok sa pinto ng opisina ko.
"Ms. Tine" saad ng co-organizer ko. Nasa tabi niya ang isang lalaki. Nakasuot ito ng denim at puting tshirt pang loob.
Bahagya akong napalunok nang dumako ang paningin ko sa mukha niya."I thought you'll not come" dinig kong saad ng babae sa harap ko. Naging mas masigla na ang tono niya ngayon. Mukhang natuwa siya sa pagdating ng lalaki.
"S-so, you're the groom" I said as he sits on the couch beside his fiancé.
Nakapukol lang ang mata niya sakin. Maaaring nakikilala niya pa ako. It's been 2 years mula ng huli kaming magkita. I've never thought na mangyayari pa iyon ulit.
"Sorry I'm late" aniya at tumango sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang. Bumalik ang mga tanong sa isip ko tungkol sa kaniya. I admit, I'm curious about him before dahil sa pagka mysterious niya.
"Hmm. You're getting married-" I uttered and look at him. "Again?"
Kumunot ang noo ng babae sa tabi niya. Halos masamid ako dahil hindi ko napigilan ang sarili. I can't help it, masyado akong naguguluhan sa lalaking to. Everytime we've met, lagi na lang ata siyang ikakasal. How ironic.
"What do you mean by again?" his fiancé asked.
I shook my head. "Nothing Ms. Neptuno. I mean, why should not we continue the discussion again" saad ko at muling ibinaling ang atensyon sa laptop.
Act professional Tine. You're nothing to do with him. In the first place, it's been a long time ng huli kaming nagkita.
*********
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom
FanfictionSome people are meant to fall in love with each other. But not meant to be together.