5 The war begins

4.5K 122 13
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng magkita si May at Dark. Lumipat din ng apartment si May dahil alam nyang makikita at makikita sya ni Darkus especially alam na noon ang buo nyang pangalan. Kailangan mag kayod ng buto ni May dahil sa nakaraang pag lalabas nya ng pera para makalipat lang ng bahay. Naglalakad sya patungo sa kanyang trabaho ng may makita syang pamilyar na babaeng nakatayo sa may di kalayuan at nakatulala sa salon nya.

Nica..

Naisipan nyang biruin ito kaya patuloy syang naglakad sa bandang likuran ni Nica para hindi nito mapansin at paglapit nyay marahan nya itong itinulak. Natawa sya sa reaksyon noon na tila gulat na gulat.

"Woooyy! Bakit di ka pumasok sa loob??!" wika ni May. "Did you just realize how ugly you are kaya ka nandito?" Panunukso pa nya dito. Napangiwi naman ang dalaga.

"Alam mo di porke sayo 'tong salon may karapatan kana manghamak ng mga pangit na katulad ko." Nag self pity na naman ang kaibigan nyang madrama, she chuckled sa reaksyon niyon at saka na nya hinila ang kamay ng kaibigan papasok sa loob.

"I'll be your personal artist. Swerte ka dahil libre to." Nanlaki ang mga mata ni Nica at kitang kita ang tuwa at excitement doon.

"Seryoso?" Di ito makapaniwala sa narinig.

"Di Joke lang. May bayad talaga, dahil pangit ka at mahirap iretoke doble PF ko sayo." Saka sya bumunghalit ng tawa. 

"Hayup ka talaga." Ganti naman ni Nica at saka na sila pumasok sa loob. Natutuwa sya dahil first time nyang makita ang kaibigan na mag pamper ng sarili, masyado iyong stress sa maraming bagay, not to mention ang boss noon na ubod ng sungit na ilang beses na nyang tinry sundan para sana makita kung may masasagap syang tsismis na pwedeng ibenta sa mga online media reporters. Kumabog na naman ang kanyang dibdib ng maisip si Dark. 

Halos mag lilimang oras nyang pinagtatrabahuan ang make over ni Nica at lahat ata ng pwedeng gawin dito ay nagawa na nya.

"Okay! Long wait is over!! The ugly duck is now...." Anunsyo niya habang dahan dahang tinatanggal ang takip sa mata ni Nica. "a half swan half ugly duckling!" Sabay tanggal ng tuluyan sa blindfold. Tila nagulat pa and kaibigan ng makita ang naging transformation nya. Sa sobrang ganda ni Nica ay napapatingin ang mga boyfriends ng mga customers nyang nag aantay. "Maganda na sana beshy pero panira yng outfit mo and salamin. Para kang lola ko." Biro nya dito pero sa totoo lang, may point naman kasi.

"Hello Bi**hes!!! Oh my Gaaaddd!! Sino ka??!!" Syempre walang ibang kayang magsalita ng ganun sa kanila kundi si Tiffany.

"Made by yours truly." Sambit nya sa bagong dating na tila pinagmamalaki pa ang kanyang obra. Tumango tango naman si Tiffany. "You can bring her to the next phase of her makeover shit beshy, madami pa akong work here." Ang tinutukoy ni May ay ang pagpapalit ni Nica ng wardrobe na nagets naman kaagad ni Tiff.

"Alright Madam Secretary, shall we?" Usal ni Tiff kay Nica. Nagusap pa ang dalawang bestfriend nya pero di na nya narinig dahil lumabas na ang mga iyon at sya naman ay naiwan na abalang abala.

Gabi na ng matapos sa lahat ng gawain sa salon si May, nananakit na nga rin ang kanyang batok sa pagod dahil weekend ngayon ay maraming nag pagawa sa kanila. Maya maya ay nagulat sya ng may pumasok na mga lalaking nakaitim na suit sa kanyang salon, kinabahan sya dahil hindi mukhang gagawa ng matino ang mga ito. Limang lalaki at may mga dala dala silang mga malalaking martilyo. Jusko, Anong gagawin ko? Magtatago ba ako? Pero salon ko ito! Nagdesisyon syang mag pakita sa mga ito at sabay ng pag lapit nya ay ang pagpasok ni Dark sa loob ng salon. Automatikong nanginig ang kamay nya sa takot kaya itinago nya ito sa kanyang likuran. Saglit na nagulat si Dark ng makita sya pero napalitan iyon ng madilim at malamig na emosyon.

Pagkuway nagtinginan si Dark at ang isang lalaking parang leader ata ng minions nito pag katapos nag salita ang tinanguan nya. 

"Destroy everything useful." Halos mamatay sa nerbyos si May ng magsimulang wasakin ng mga tauhan ni Dark lahat ng gamit sa kanyang salon. Hindi sya nakapag salita dahil sa takot at galit. Pagkuway naiyak nalang sya bigla at di na napigilan na tumulo ang mga luha. Tila nabibingi sya sa naririnig na kalabog ng bawat gamit nya at tunog ng mga nawawasak nyang instrumento. Pano na ang kabuhayan nya? Buti nalang at may pera pa sya sa bangko. Pagkuway nakita nyang hinugot ng isang lalaki ang kanyang kaha na andun lahat ng benta nila since nung nakaraang linggo pa. Pasahod nya sana sa mga empleyado nya iyon. Isinabog ng mga lalaki sa lapag ang naka bungkos na pera at saka binuhusan ng alcohol. Alam na ni May anong susunod nilang gagawin.

Naikuyon ni May ang kanyang kamay pero wala syang nagawa kung hindi panuorin ang nasusunog niyang mga kita. Pagkuwa'y tinapunan nya ng masamang tingin si Dark, marami syang gustong sabihin pero di lumalabas sa kanyang bibig. Ng matapos ng durugin ng mga tao ni Dark ang lahat ng gamit nya ay ngumisi ang binata sa kanya. Pinalabas nito lahat ng tauhan at saka nakahanap ng pagkakataon na makalapit kay May. Hindi maintindihan ng dalaga bakit nag wawala ang dibdib nya sa kaba sa pag lapit ni Dark. Natatakot sya dito but there's something more. Something she cant explain. Tila nakuryente sya ng hawakan nito ang baba nya, medyo napapiksi pa sya dahil akala nya ay sasaktan sya nito.

Kita nya ang gigil at galit sa mga mata ni Dark at ramdam nya ang diin nito sa baba nya. Pagkuway lumuwag ang hawak nito at tila panandaliang nag iba ang emosyon nito sa kanyang mga mata. Saglit lang iyon pero iba. Tila maiihi si May ng dahan dahang ilapit ni Dark sa kanya ang mukha nito. She can smell his fragrant face. Saglit lang at nasa may tainga na nya ang labi ni Dark.

"This is just the start. If I were you, luluhod ka na sakin ngayon at magmakaawa bago pa mawala lahat ng bagay na pinaka iingatan mo." That whisper brought shiver to her whole system. Napakalalim ng boses nito na para bang galing sa impyerno. Syempre di sya luluhod doon no. Ano sya sira? She whispered to his ears too.

"Bring it on." At buong tapang nyang sinalubong ang mga tingin ni Dark. Then she smiled bitterly. Lumayo na sa kanya si Dark na para bang kina disappoint nya. Parang gusto nyang magsorry pero di nya iyon gagawin! Neknek nya.

"We'll see hanggang saan ang tapang mo. You'll regret meeting me Ms. Ciervo. You'll regret it big time." Tiim bagang si Dark pagkasabi noon na halatang galit na galit. Inipon ni May ang natitirang lakas nya para sagutin ito.

"I ain't scared at all. You'll regret meeting me Darkus Emette Saunders. You'll regret you played precious women and you'll regret looking for me. Itaga mo yan sa kukote mong kokonte!" Nagulat si Dark sa narinig nyang isinagot nito sakanya. Wala pang babae o kahit lalaking nagtangkang magsalita ng ganoon sakanya. The nerve of this woman. Kuyom ni Dark ang kamao at nag aapoy ang mga matang humakbang ito palapit kay May. 

************************************
Hey guys, sobrang salamat sa pag tangkilik ng aking mga obra! Para sa kumpletong story, please follow me on Facebook: https://www.facebook.com/YourstrulySPY

com/YourstrulySPY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SPG!! Changes [ Darkus Emette Saunders ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon