5: Sigaw

3 0 0
                                    

Kinaumagahan, nasa ilog kami dahil water activities naman ang gagawin namin. Sa ngayon, nagmemeeting kami kung anong magiging plano. Tinitingnan kong mabuti ang pagbuka at paggalaw ng mga bibig nila para lang naiintindihan ko ang sinasabi nila. Bawat minuto rin lagi ako tinatanong ni Leigh kung ayos lang ako.

Tug of war in lake ang una naming activity. Plano naming boy girl ang pwesto para malakas ang pwersa namin. Sa gitna ako napatapat. Tatlong teams ang kailangang itapat bago malaman ang winning group.

Hila. Higit. Atras. Hatak. Yes!

Nanalo na naman kami. Pangalawang panalo na namin to. Ibig sabihin, kung mananalo kami sa team na kakalabanin namin ay kami ang winner sa larong to. To my surprise, grupo nina Waden ang kalaban namin. Nginisian ko siya pinakitaan ng muscles ko para ipagyabang.

Pero hindi niya ako pinansin.

Anong meron? Tss patay ka sakin mamaya.

Hila. Higit. Atras. Hatak. WHOO!

Nanalo na naman kami! Sa sobrang tuwa namin ay nagyakapan kami bago ay nagbasaan sa ilog. Grabe! Nakakatuwa talaga ang maraming kaibigan. Sana katulad din nila akong hindi nahihirapan.

After 2 water activities, pinaglunch muna kami. Kasama ko si Leigh sa tent ko na nakabukas dahil sa sobrang init ng panahon. Tiningnan ko siya habang kumakain. 'Anong-maiintindihan niya kaya ako? Pero, ahh basta!' Isip niya.

"Spill it Leigh." Sabi ko naman. "I am so proud of you." Agad niyang sabi. Nagulat din ako dahil hindi yun ang ineexpect kong sasabihin niya. "Ni minsan hindi ko nakita o napansing nahirapan ka o na hindi ka makarinig. Kaya pala hindi ka nakikipagusap nung high school dahil nahihirapan ka. Kaya pala, hindi ka namamansin tuwing may tumatawag sayo. Kaya pala, hindi ko na alam. Basta ang nasa isip ko lang sobrang proud at mangha ako sayo." Nginitian ko lang ang sinabi niya.

"At isa pa, nakikihalubilo ka na rin sa ibang tao ngayon. Hindi tulad nung high school at previous sem. Pero namamanage mo pa ring maging top student. Not that dinadown kita. Pero bakit nag-iba ka? I mean you start making friends." Tanong niya. Once again I smiled. "Actually, naaalala mo yung highschool na halos lahat sila pagusapan ang kasungitan ko? At ikaw lang ang hindi tumigil kakukulit sakin kaya naging bestfriends tayo?" Tanong ko.

"Bakit hindi?! Eh halos isumpa ka ng mga naging kaklase natin dahil ako lang ang pinapansin mo. Pansinin mo man sila minsan, hirap at konti pa. HAHAHA." Pabirong sabi niya. Pero totoo yun. "Sinasabi sakin ni tatay na hindi naman masama eh. Atsaka sanay na ako. Kaya ko na. Kaya tinry ko. Ilang beses lang naman. Hanggang sa natuwa at nagenjoy ako. Hindi ko na napigilan. Lalo pa at si Waden ang katabi ko. Siya yung pinaka makulit mangulit sa lahat. Kesyo may klase, walang pasok, may projects, wala siyang ibang ginawa kundi kulitin ako. Pero nakakatuwa ang way niya. Na hindi ka mabobored. Hindi ka matatakot. Ewan ko pero pakiramdam ko rinig ko lagi siya kaya sobrang komportable ako sa kanya." Nakangiting kwento ko. Hays. Pero hanggang dun lang.

"Hoy Cla! Umamin ka nga! May gusto ka ba kay Waden?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya. Obvious na ba ako? Gosh pano to? "Your expression said it all. KYAAAAHH!!" Agad naman akong sumenyas na wag siyang maingay. Buti sana kung katulad nila akong hindi maririnig eh.

Sorry poo!! Hindi ko po sinasadyang iwish yon.

Okay, base sa laki ng bunganga niya sobrang lakas nun. "Please atin atin lang muna. Please." Sabi ko habang naka ngisi naman siya. "Ano ba girl?! May gusto din siya sayo okay?! Sinabi na niya sa akin. Kaya nga kami naging close dahil gusto niyang mapalapit sayo. So why not diba?" Pang-aasar niya.

Yumuko naman ako ng bahagya. "Kase natatakot ako. Baka hindi niya tanggapin na ganito ako. Kumakanta siya. At maganda yung magkaroon siya ng kasamang masusuportahan siya. Paano ko siya masusuportahan kung hindi ko siya naririnig diba? At saka ayoko rin. Kasi mahihirapan ako lalo. Gusto ko man siya, at sabihin na nating gusto niya ako, hindi kami pwede." Sabi ko habang nagpipilit ng ngiti. "Cheer up girl. Intayin nalang natin ang next na mangyayari. Okay? Ngayon finish up na dahil magto-tooth brush pa tayo at 20 minutes nalang ang natitira satin." Sabi niya habang nakain ng mabilis.

Natapos kaming kumain at magtoothbrush bago pa magtime. Saglit akong natigilan habang hawak niya ang braso ko. Kaya napatigil din siya. "Huh?" Isip niya. "Leigh," banggit ko. "Yes bes?" Tanong niya. "Pwede bang sumigaw ka?" Tanong ko din. 'Sus! Nababaliw na naman tong babaeng to.' Isip niya. "Please." Pakiusap ko.

"SOBRANG INGAY NG MUNDO!!" Sigaw niya. Nagtinginan ang ilang taong nakawitness pero parang wala siyang pakialam. Tama siya. Sobrang ingay nga ng mundo. Sa kanila, mula tenga papuntang utak. Sakin mula utak papuntang tenga. Kung yung mundo nila maingay na, ano pa yung akin?

"Mind telling me bakit mo ko pinasigaw?" Tanong niya. May pumatak namang luha sa pisngi ko kaya pinunasan niya agad yun. "You'll find out later." Sabi ko bago tumakbo at iniwan siya. Siguro ngayon tinatawag na ako nun. Hayy buhay.

Dahil uuwi na kami bukas ng tanghali, free time namin ngayong 5:00pm hanggang 7:30pm dahil dinner mamaya at bukas ay sharing lang. Sharing na naman. 5 sharing na ang naattendan ko pero wala naman ako shineshare na tungkol sa buhay ko. Sa kalagayan ko. At sa kakayanan ko. Ang sinasabi ko lang, bakit kaya sobrang hirap ng buhay? Na ang gusto lang natin mamuhay ng normal pero gumagawa at gumagawa pa rin ng paraan ang lahat para humirap yun. Bakit may mga taong nawalan na, nadagdagan pa at yung nadagdag na yon, hirap at sakit.

Nang makita ako ni Leigh ay agad na niya akong tinanong tungkol sa dahilan kung bakit ko siya pinasigaw kanina. Nang masobrahan na siya sa kulit ay hinigit ko siya sa may tent ko at hinawakan ang pisngi niya. 'Hindi naman siguro siya tomboy?' Isip niya kaya natawa naman ako. "HAHAHA hindi ako tomboy okay?" Sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko at dun ko lang narealize na hindi niya pa alam ang mind reading ability ko. "Alam ko na kase takbo ng utak mo hehe." Kabadong sabi ko.

"So bakit nga?" Inisip ko na naman ang isasagot ko. Kasi sa totoo lang, kanina pa siyang nasa isip ko. Kanina pa ako umiiyak dahil sa sasabihin ko. Pero wala eh, hindi ko mailabas agad dahil maraming tao. Ayoko naman na pag-usapan ako. Ayoko na dahil ako na naman ang laman ng utak nila. Nakakapagod basahin at malaman.

"Leigh, gusto kong marinig ang boses mo."

Pagkasabi ko nun ay niyakap niya agad ako at umiyak. Ganon din ang ginawa ko. Sobrang sakit para sakin dahil ilang taon ko na siyang kilala. Ilang taon ko na siyang kasama. At ilang taon ko na siyang kausap. Pero ni isang beses hindi ko man lang narinig ang boses niya. Lahat ng tili, pang-aasar, sikreto, kwento at problemang sinasabi niya sakin, ako ang gumagawa ng tunog sa utak ko dahil walang tunog na lumalabas sa bibig niya. Lahat ng nalalaman ko at naiintindihan ko sa sinasabi niya ay gamit lang ang utak at paggalaw ng dila at bibig niya. Yung kahit man lang marinig ko saglit yung boses niya para alam ko at maalala ko yun sa tuwing kausap niya ako.

Pero hindi. Hindi ko siya naririnig. At masakit pero hindi ko na siya maririnig. Lahat sila. Kahit nga si tatay eh ni minsan hindi ko narinig. Naisip niyo ba kung gaano kasakit at kabigat yun? Paano nalang, kung hindi ko kayang magbasa ng nasa isip ng mga tao, baka hindi ko na alam ang direksyon na gagawin ko sa buhay ko.

"Sorry Leigh. Sorry kung hindi kita naririnig." Ulit ulit ko yang sinabi habang umiiyak at nakayakap pa rin sa kanya. Hindi ko man marinig, alam kong nagsasalita siya at pinatatahan na ako. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak nang makita ko si Waden na pupunta dapat dito pero lumiko at bumalik na ulit.

"Teka lang Leigh." Paalam ko at agad pinunasan ang luha ko bago sumunod kay Waden. Kahapon, ayos pa kami. Magkasama pa nga kaming kumain ng lunch. Pinupuntahan niya pa ako sa team namin. Kaya lang kanina ni isang beses hindi niya ako pinansin. Pero lagi ko naman siyang nahuhuling nakatingin sa akin.

Habang sumusunod ako ay nakita kong may inabot siyang tubig kay Rizza. Kaklase din namin siya. At actually siya ang secretary ng klase. Napatigil naman ako.

Ha-ha. Baka siguro hindi niya ako pinapansin. Kasi may girlfriend na siya at ayaw niyang magselos ito sa amin. Kase may mahal siyang iba at ayaw niyang masira ang relasyon nila.

Tumalikod ako at agad naglakad palayo habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Eto na yun diba? Ginusto ko to. At least may dahilan na ako para pigilan ang nararamdaman ko para hindi na siya mahirapan. Ay, hindi pala siya mahihirapan, dahil hindi naman kami magkakatuluyan at hindi niya ko mahal.

Okay lang ako.

Sorry pero t*ng*n* ang sakit.

To be continued...

Louder WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon