Prologue

7 0 0
                                    

Prologue

Umuulan ng napakalakas na para bang galit na galit ang langit. Punong puno ang mga ulap at parang hindi na matatapos ang gabing ito.

Galit na galit siya sa akin, wala akong magawa.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ako masaya. Wala manlang saya ang sumisilip sa tuwing nakikita ko siya.

Pagod na akong magpanggap. Hindi ko na kaya. Paano nga ba kita maiiwan ng hindi ka masasaktan? Hindi ko alam kung paano ako nakatagal ng ganito.

Ayaw kitang masaktan pero papaano ako? Papaano naman ang kalayaang inaasam asam ko? Ayaw ko ng mabuhay sa dilim kasama ka. Ayaw ko na sa madilim mong mundo at sa madilim na seldang ito.

Matagal ko ng hawak ang susi ng miserableng lugar na ito but I chose to be real. Kasi ayaw kong masaktan ka. Pero narealized kong mas masasaktan ka habang nandito ako.

Sa bawat araw na umaasa kang mamahalin kita. Nasasaktan ako sa bawat pag iyak mo at pagmamakaawa. Nararamdaman kong mas masama ako sa'yo kasi hindi ko maibalik ang pagmamahal na ipinadarama mo sa akin.

Kapag malalim na ang gabi lilisanin ko na ang lugar na ito. Pero magiging masaya nga ba ako Leoneous? Makakamtan ko ba ang totoong kasiyahan na hinahangad ko sa pagtakas ko?

The day I left you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon