"Karina, kumain ka na mahal ko" ang sabi niya habang nilalapag ang almusal ko."Hindi ako kakain Leoneous! Pakawalan mo na ako dito" padabog kong sabi dahil alam kong malapit na akong mabulok dito.
"Kung yan ang gusto mo wala ka namang magagawa Karina, sa akin ka na! Sa akin ka lang!" Pasigaw niyang sabi na ikinagulat ko.
"Kailan ka ba magsasawa sa akin? Sabihin mo at iintayin ko Leo pleaseeeee" hagulgol kong sabi.
"Kapag namatay ako Karina, makakalaya ka na" malungkot niyang sabi sabay alis sa kulungan ko.
Kung kayo mismo ang nakakakita sa selda ko baka naisin niyong dumito na lang habang buhay. Hindi kasi ito talaga selda pero dahil ikinulong ako ni Leo dito ng napakatagal ng panahon pakiramdam ko kulungan na ito.
Matagal ko ng kaibigan si Leo bata pa lang kami ay magkasama na kami lagi.
Para kaming magkapatid kung mag tulungan noon at gustong gusto ako ng pamilya nila Leo.
Pero habang tumatagal noong nag dalaga na ako, naging tampulan kami ng tukso na may gusto raw sa akin si Leo. Hindi ko ito pinansin dahil alam kong hindi ito totoo.
Pero mali ako. Si Leo na pinagkakatiwalaan ko ay kinidnap at ikinulong ako dahil nalaman niyang may nanliligaw na sa akin.
Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang pagmamahal niya sa akin.
Ang Leo na sobrang bait ay tila naging isang Leon sa bagsik.
Minsan nga ay nagawa na niya akong saktan dahil sa minsang pag takas ko.
Wala na akong mga magulang at wala rin akong kapatid kaya walang nag aalala noong nawala ako.
Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang makulong dito ng 3 taon. Ilang araw na lang pala at mag papasko na.
Sana mamatay na lang ako para matapos na. Gustong gusto ko ng makalabas sa impyernong ito.
"Karina, ibinili kita ng bagong dress . Tignan mo alam kong magugustuhan mo ito" masayang sabi ni Leo
"Ang ganda sana Leo kaso dito lang sa loob ng bahay ko yan maisusuot. Kaya wag na lang" walang gana kong tugon.
"Hindi ba't gusto mo rin itong macaroons? Ibinili kita ng marami kasi alam kong kulang ito sa'yo" dagdag pa niya na para bang hindi siya naapektuhan sa pagkalungkot ko
"Leo, gusto ko ng makalabas dito yun lang at magiging masaya na ako" ngumiti ako ng pilit.
"Someday makakaalis ka rito, okay? Mahinahong sabi ni Leo
"Putanginang someday Leo! Patayin mo na lang ako!" Hagulgol kong sabi sa kanya.
"Please Leo pleaseeeeeee" pag mamakaawa ko
Habang nakatingin lang siya sa akin ng walang emosyon.
"Kapag pinatay kita Karina parang pinatay ko na rin ang sarili ko" malungkot niyang sabi at dapi daling umalis sa kwarto ko.
Naiwan nanaman ako mag isa kaya lalo akong naiyak. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko nga siya mahal. Ilang beses ko ng ipinilit na wala akong nararamdaman para sa kanya. Kailan ba siya mapapagod?
Gusto kong sirain ang dress na bili niya. Pero nakokonsensya ako. Kahit na galit na galit ako sa kanya ayaw kong nasasaktan siya.
Gusto ko ng makaalis dito. Sa mundong ginawa niya para sa aming dalawa.
~
AN: A short update and hindi ko alam kung saan ko hinuhugot 'to hahaha pasensya na kung may mali-mali lmao xoxo
BINABASA MO ANG
The day I left you.
RomanceHanggang kailan ako mangangarap makalaya? Hanggang kailan ko nga ba kayang tiisin ang paghihirap? Basahin mo ang kwento ng buhay ko para malaman mo at matuto ka rin, malay mo.