CHAPTER ONE

24 0 0
                                    

Chapter One: Random Guy in a Milk Tea Shop

Ito na ang araw na pinakahihintay ng mga tao rito sa amin. Ngayon na kasi magbubukas ang kauna-unahang milk tea shop na malapit sa pinakasikat at pinakamalaking university sa bayan.

Kahit na bakasyon na at sobrang init ay napakarami pa ring tao sa daan at halos mga estudyante ang nakikita ko. Sigurado akong doon din sa milk tea shop ang punta nila kaya heto ako ngayon, nakikipag-unahan sa pagtawid sa pedestrian lane para umabot sa saktong oras ng pagbubukas ng shop.

Nang makarating sa mismong tapat nito ay binasa ko ang pangalang nakapaskil sa pader, T plus T Shop. Balita ko ay halos tarts at iba't ibang uri ng tea ang ibebenta nila rito kaya ganoon ang binigay na pangalan.

"Good morning po, Ma'am, Sir! Pumila muna ho tayo banda sa side na 'to para hindi magulo kapag papasok na mamaya," masiglang sabi ng isa sa mga staff. "Saktong ten o'clock po ay magbubukas na tayo."

Napatingin ako sa relo ko at nakitang dalawang minuto na lang ay papasok na kami. Hindi man ako ang pinakauna sa pila, sa palagay ko naman ay makakaupo pa rin ako sa loob habang ine-enjoy ang inumin ko. God, the things I do for milk tea.

"Aray, Miss! 'Wag ka namang maniko."

Halos mabingi ako sa narinig ko dahil literal na nasa likod ko lang 'yung lalaking pasigaw na nagsalita. Hindi ko mapigilan ang pagkairita kaya nilingon ko siya. Titingnan ko sana siya nang masama kaso hindi ko makita ang mga mata, natatakpan ng pangit niyang cap.

"Excuse me? Hindi naman kita sinisiko, ha?" mahinahong sabi ko kahit na gustong-gusto ko na rin siyang sigawan.

"Tingin-tingin ka pa kasi sa relo mo eh, di mo ba alam na pwede kang makatama? Be considerate naman." Imbyerna 'to, ako pa talaga ang sasabihang maging considerate, eh siya nga 'tong sumisigaw malapit sa tainga ko!

Hindi ko matingnan nang maayos ang kabuoan ng lalaki dahil sumasakit ang leeg ko sa paglingon pero bago pa man ako makasagot sa kanya ay binuksan na ang glass door ng shop at ang tanging nasa isip ko na lang ng mga oras na 'yon ay ang bibilhin kong milk tea at ang pag-upo sa napaka-cozy na upuan.

---

Taray, bulong ko sa sarili. Napakaganda ng lugar. Malaki ang space na sakop ng shop at kung tutuusin, mas bongga pa ito kaysa sa isang sikat na coffee shop na matagal nang pinipilahan ng mga tao. Ang suwerte ko rin dahil nakapili kaagad ako ng puwestong malapit sa bintana kaya kita ko ang view sa labas - ang busy streets ng aming bayan.

"Excuse me, Miss. Pwedeng makiupo? Puno na ka-"

Napatingala ako at tiningnan kung kanino galing ang boses. Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi nang magtagpo ang aming mga mata. This guy?! Hindi ako makapag-isip nang maayos na response dahil una, ayaw kong may kasama sa table. Pangalawa, naiirita talaga ako sa cap niyang kulay purple.

"Ay sorry, hindi pwede. Please be considerate naman sa akin. Paano kung ayaw ko ng may kasama, di ba?" Syempre, I took the chance and mocked him.

At syempre, hindi niya naman ako pinansin. Nagpalipat-lipat lang ang tingin niya sa Oreo Cheesecake Milk Tea ko at sa upuang malapit sa kanya.

"Hmm. Una, mukhang wala ka namang hinihintay. Pangalawa, sana makita mong puno na 'yung mga seats at 'yang sa pwesto mo na lang ang hindi. Saktong isang upuan ang natira and I guess it's for me. So, will you allow me to sit in front of you?"

He smiled! Nakakabigla 'yung pagngiti niya pagkatapos niyang magsalita. Ni hindi ko inakalang marunong pala siyang ngumiti. At doon ko pa lang mas natitigan ang kabuoan niya. Maputi, matangos ang ilong, singkit ang mga mata, mapupulang labi, at higit sa lahat ay mukhang nag-gy-gym palagi dahil maayos ang pangangatawan kung saan bumagay sa kanya ang striped shirt niya pero pangit pa rin talaga 'yung cap niyang kulay ube. Posible pa palang makatagpo ng ganitong klaseng lalaki sa panahon ngayon, 'yung tipong almost perfect ang panlabas na anyo pero may suot na cap na tila merch ni Barney.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BackupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon