XI.

15 9 0
                                    

Ako.

Lingon ka ng lingon sa likuran mo,
Hindi mo napansin na nakabangga ka ng tao,
Walang iba kundi ako,
Ako na nilayuan mo.

Tiningnan ko ang mukha mo,
Hindi ko malaman kung bakit ka tumatakbo,
Kaya tinanong kita kung anong nangyari sayo,
Pucha naman, nag-aalala ako.

Hindi ka sumagot kaya mas lalo akong nag-alala,
Pawis na pawis ka at namumutla.
Bakit sa ganitong uri pa ng senaryo kita makikita?
Patuloy pa rin ang aking kaba.

Hinawakan ng kamay ko ang iyong pisngi,
Niyakap kita ng sobrang higpit,
Nagbuntong hininga ako at pumikit,
Asahan mong nandito lang ako, wag kang mahiyang lumapit.

Kung pwedeng ganito na lang tayo,
Hindi ako magsasawang ikaw ang kasama ko,
Kahit pa umaraw, umulan o bumagyo,
Dadating ako sa oras ng kailangan mo.

***********

AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon