Prologue

142 23 2
                                    

" You may now go" I ran as fast as I could. Late nanaman ako sa trabaho ko.

" Hoy, Rue! kailangan pa natin magpractice sa sayaw! " Sigaw ni Percy ang lider namin sa p.e, kailangan kasi namin sumayaw ng isang traditional dance para sa finals.

" Bawi ako bukas! Late na kasi ako sa trabaho ko" Sigaw ko pabalik. Napakamot pa siya sa kanyang ulo bago sumenyas na umalis na ako.

Buti na lang talaga at naintindihan nya ang sitwasyon ko. Siya nga din ang tumulong sa akin sa paghanap ng trabaho. I'm one of the graduating students. Nasa huling yugto na'ko ng koleheyo.

" Damn it! Where are your manners?" His voice sounds irritating.

" Sorry po!" Ani ko kahit hindi lumilingon sa aking nabangga dahil abala ako sa pagtakbo, baka kasi matanggal ako sa trabaho kung mahuhuli nanaman ako sa karenderya ni Aling Mina.

Naka dalawang linggo pa lang ako, baka nga hindi na aabot ng isang buwan dahil sa lagi akong late pumasok. Lagi din tuloy akong napapagalitan.

At tama nga ako...

Kahit hindi ko malunok ang mga sinasabi ni Aling Mina ay tinanggap ko ito. " Napakairresponsable mo sa trabaho! Gusto mo ba talaga?"

" Pasensya po Aling Mina, late po kasi nagpalabas yung prof namin kaya tinakbo ko lang talaga mula school hanggang dito sa karenderya mo"

"Ke bata-bata pa kasi ikaw pa pinagtatrabaho ng magulang mo. Dapat ay nagaaral ka ngayon. Napakawalang kwentang magulang" Maging ako ay gusto kong sabihin sa kanila yan.

Ako na ang nagtrabaho para sa araw-araw ko, mula sa tirahan at iba pang bayarin na 'diko dapat responsibilidad.

Pag-aaral ko lang ang hinihingi ko pero pakiramdam ko pabigat lang ako sa kanila. Ni minsan hindi man lang ako magawang kumustahin.

Kung wala lang sa ospital si Lola Bashabat walang iniindang sakit, hindi nya ako hahayaang mahirapan. Paniguradong pagagalitan n'ya si Mama dahil hindi n'ya ako magawang alagaan.

" O sya dalian mo at madaming costumer sa loob" Mabilis akong nag-ayos at tumulong kay Ate Lyn sa paghahatid ng mga pagkain.

" Isa pang sabaw dito"

" Dito rin" Hindi ako katangkaran kaya naman tinatakbo ko ang bawat lakad ni Ate Lyn.

" Extra rice dine" halo-halo ang ingay na nadidinig dito na akala mo ay nasa palengke kami.

" Isa pa ngang sabaw!" muli akong kumuha nang sabaw at ibigay sa ale.

Gabi na nang matapos kami sa paghuhugas ng mga nagamit kanina. Saglit kong tinapik tapik ang aking balikat dahil medyo sumasakit na ito.

Kailangan ko pa pumunta sa ospital para bisitahin si Lola Basha, paniguradong mag isa lang s'ya doon.

Madalang siya bisitahin ni papa, kung wala lang talaga akong pasok hindi ko siya iiwan.

" Ayos ka pa ba, Rue?" Ngumiti ako kay Ate Lynn bago tumango. Nagthumbs up pa nga ako dahil alam kong naawa siya sa akin. Minsan nga ay kahit kailangan niya ng pera at dahil nangangailangan din ako sa pag-aaral ko ay ipinapahiram niya sa akin ang ipon nya.

Kaya nangako ako sa sarili ko, kapag nakamit ko ang pangarap ko hindi ko kakalimutan yung mga taong tumulong sa akin.

" Bakit ba kasi ayaw mo sa mga magulang mo?" Ani nya habang inaayos ang mga gamit.

Kung pwede nga lang, bakit hindi?

" Si papa kasi under ng bago niyang asawa, ayaw niyang andun ako kaya pinabayaan nya ako sa Nanay nya, pero dahil may sakit si Lola Basha ay kailangan ko dumomble kayod. Si mama naman mismo ang may ayaw sa akin"

I always ask, why? why do I need to experience this kind of life.

Hindi ko naman kasalanan na ako ang naging resulta ng pagkakamali nilang dalawa. Kung hindi nila ginusto ang nagyari, lalo na ako.

" Isasama kita lagi sa panalangin, Rue. Sobrang tatag mo kaya alam kong pagpapalain ka pa ng Panginoon" Sana nga. Sana nga pakinggan nya din ang panalangin ko, kasi pagod na din ako.

" Sama ka sa akin sa linggo, magsimba tayo"

" Sige ate kung wala akong trabaho" Tinapik niya ang aking balikat at saka tumungo pauwi sa kanilang tahanan.

Pagod akong lumalakad pauwi nang makasalubong ko si Percy.

" Hoy babae!"

" Pasensya na talaga ha? " Sinuntok pa nya ako ng pabiro.

" Naintindihan ko, Rue pero 'wag naman sana umabot sa punto na mapabayaan mo na ang pag-aaral lalo na ang sarili mo dahil sa kailangan mo ng pera"

Tama siya.

Sana nga hindi pa umabot dun dahil wala naman akong ibang aasahan. Nagpaalam kami sa isa't-isa. Buti pa sya may magulang na pwede asahan.

I wiped my tears. Hindi ko gusto ang ganito. Gusto kong mag-aral na walang iniisip na iba. Gusto ko nang magpahinga, pero paano ako magpapahinga kung maging sa bahay ay tahimik at sobrang nakakapanghina pa.

Paano ako mag papahinga kong yung inaasahan kong kukukuhanan ng lakas ay kailangan din ako ngayon?

this life is sucky.






































Don't forget to vote, comments and share!

Line of Desire (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon