Chapter 1
" Malapit na kayong magsialisan dito sa University, Congratulations class you made it!" Masayang nagsigawan ang bawat isa dahil sa sinabi ni Ma'am.
Exam na lang ang kulang at paniguradong tapos na talaga. Graduate na kami.
"Sana naman ay nagenjoy kayo sa journey nang inyong pag-aaral. Madami sana kayong natutunan na maiapply nyo sa totoong hamon ng buhay"
Mukhang huli na naibalita ni ma'am, nag-aaral pa lang ako ay humaharap na'ko sa hamon ng buhay.
" And of course guys, tomorrow is your final exam. You need to settle your bill. You cannot take your exam if you're not fully paid " Napapikit na lang ako.
Mukhang pahirapan nanaman ito sa paghingi kila Mama at Papa. Magmumukha nanaman akong pulubi at nagmamakaawa.
" Nandito ka pala, Rue" Halata sa mukha nya ang gulat. Kakatok pa lang sana ako sa pintuan ng bahay nila nang bigla na lang bumukas ang pinto.
" Ate tignan mo binilihan ako nila Mama ng iphone pro max!" Magiliw na ipinapakita sa akin ni Amara ang phone na hawak nito. Nagpicture pa nga kami.
" Post ko ito sa social media ate ha?"
" Sige 'wag mo ako kalimutan i-tag" Masaya ako na kahit pa paano ay kasundo ko siya kahit na hindi ko siya tunay na kapatid, maging ang asawa ni Mama.
" Ma final na po kasi namin bukas, ako na lang ang hindi nakakabayad" Nakita ko ang pag-iiba nang expresyon ng kanyang mukha habang nagkakamot pa ng ulo.
" Hindi din daw pwedeng magexam kung hindi fully paid"
" Nako pasensya, Rue gipit din kami ngayon try mo na lang sa papa mo" Gipit pero may bagong biling phone para sa anak ng asawa nya.
" Oh na riyan ka pala, Rue halika pumasok ka dito hija— ikaw naman Sonya bakit hindi mo pinapasok iyang anak mo"
" Hindi na po Tito Mario" Nagmano ako saglit bago nagpaalam sa kanila.
Hindi man sabihin ni Mama na ayaw nya sa akin ay ramdam ko ito. Kanina pa lang na nag-uusap kami ay si Tito Mario pa talaga ang nag-alok sa akin na pumasok sa kanilang bahay.
Ako pa din ba ang sinisisi nya dahil nasira ang kanyang buhay?
Kailangan ko ba talaga bayaran yung kasalanan na hindi ko naman ginusto? dahil kung may choice lang ako.
Hinding-hindi ko gugustuhing mabuhay pa sa mundong ito, it's so damn hard.
Ang hirap maiwan ng Ina. Hindi ko alam sino ang sasandalan ko.
" Sa mama ko ikaw manghingi, ako na nga nagbayad nung huli. Sa akin ka nanaman manghihingi ngayon, namimihasa ka nak!" Ilang taon na akong nakakarinig ng gan'to pero hindi pa din pala ako sanay.
Gusto kong umiyak. "Pero wala na daw po kasi syang pera. Exam na po kasi namin bukas, hindi ako makakaexam kung hindi pa ako nagbayad. Kahit babayaran ko na lang po"
Paano nangyaring anak ako at responsibilidad nila ako pero kailangan kong magbayad dahil kailangan ko?
"Hay nako, sa susunod pilitin mo yang magaling mong ina" Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Tumingin pa siya sa kanyang likod bago iniabot sa akin ang kumpletong pambayad. Niyakap nya din ako ng yakapin ko siya.
" I do understand, Pa" I knew that he loved me but couldn't show it in a good way.
Nakakapagod ang araw na ito. Ayaw ko pa umuwi dahil alam kong mas malungkot doon.
Napagdesisyunan kong tumungo sa lagi kong pinupuntahan.
BINABASA MO ANG
Line of Desire (ON GOING)
RomansaAng hirap ng buhay, puro problema ang dala. Kailangan kumayod ng tatlo o higit pa para lang mabuhay. pero paano kung ang pinaka madaling paraan lang ay akitin ang mayaman mong boss? Papayag ka ba? o tatalikuran ang instant money para sa konsensya?