Paunang Salita:

34 1 0
                                    


Napaka-tahimik ng gabi. Napaka-lamig at napaka-tahimik ng paligid. Di mo aakalaing ang lugar na ito, ay siya ding mundo na puno ng buhay limang taon ng nakalilipas. Ang ilaw ng bilog na buwan na siyang nagbibigay liwanag sa buong paligid, makikitang ang paligid ay napupuno ng mga patay na puno't halaman, mga kalansay ng tao't hayop. Ito ang naging resulta ng isang malaking kalamidad, na di inasahan ninuman.


Ang pagsalakay ng mga di malamang nilalang mula sa kalawakan...


Ang katapusan ng daigdig at ng sangkatauhan.


Nagsimula ang lahat ng bigla na lamang napuno ng ilaw ang kalangitan. Halos ilang araw itong nakikita tuwing gabi saan man sa mundo. Naging malaking usap-usapan ito saan man, laman ng mga balita, diyaryo, at pati na rin ng mga social media sites. May mga natuwa, namangha, natakot, meron ding wala lang.


Ngunit nagkagulo ang lahat ng bigla na lamang mag lumakas pa ang kinang mga ilaw sa kalangitan, hanggang sa puntong nakikita na ito kahit tirik ang araw.


At sa di inaasahang pangyayari,ang mga di maintindihang ilaw ay bumaba sa lupa na tila mga bulalakaw. Sa paglapag nila, hatid ang pagsabog at pagka-matay ng karamihan. Tila isang traktor o si kamatayan mismo na uma-ani ng buhat mula sa mundo.


At doon, napagtanto ng lahat na nag-sisimula na ang pagtatapos.


Matapos ang mga pagsabog, usok, mga bangkay, at mga labi ng sibilisasyon ang natira. Halos tatlong-kapat ng sangkatauhan ang nawala sa pagbaba ng mga liwanag. Ngunit ang panandaliang katahimikan at pagdadalamhati ng mga natira, ay naantala ng unti-unting naglabas ng aura ang mga bumagsak na bato. Naglalabas ito ng kakaibang liwanag at init, hanggang sa sumabog ang mga ito at nagpalabas ng alon ng aura.


Ang lahat ay naapektuhan ng mga malilit na pagsabog. Ang mga hayop at halaman ay nag-mutate. Lumaki, tumalas ang mga ngipin, may mga nagkaroon ng kakaibang lakas, merong mga mga nagliyab o di kaya ang nagyelo. Mga di maipaliwanag na kaganapan, evolution kung maituturing pero isa itong malaking banta para sa sangkatauhan.


Ang mga taong nadaanan din ng mga alon ng aura mula sa mga pagsabog, ay nakaranas din ng mutation. Marami ang di kinaya at namatay, habang ang mga nakaligtas ay nagkaroon ng kakaibang lakas. May mga iilan nag nagkaroon ng di maipaliwanag na kakayahan, biyaya man o sumpa kung maituturing pero di na ito mababago pa.


Ito ang naging puno't dulo ng bagong panahon.


Ang katapusan na naging simula nang lahat.Ang laban ng sangkatauhan para manatiling buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Bagong EraWhere stories live. Discover now