RememberingMyFirstRealKissKo

18 0 0
                                    

Title: Remembering My First Real Kiss - 30th. The Shared Bliss.

Post by: -xiArA- on October 30, 2010, 11:35:00 am

    May first kiss na ba kayo? AKO? HINDI KO ALAM!

    Pero, considered bang first kiss kahit 'NAKALIMUTAN' mo na?

    Well, siguro nga. First kiss ko na siya. But for me, he's not my first REAL kiss! Kasi hindi ko siya KILALA!

    Remembering My First Real Kiss

    (C) -xiArA-

   

    Part I

    Practicing My First Real Kiss (http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,187754.msg4900387.html#msg4900387)

    7/28/11

   

    I

    Seven Years After Leaving.

    "Ladies and gentlemen, we have arrived to our destination, Ninoy Aquino International Airport, Manila,” the head stewardess said as she spoke. “For those of you visiting, mabuhay! We hope you enjoy your stay. For those of you returning to the Philippines, welcome home."

    Napangiti ako sa narinig ko. Finally, nakarating na rin ako. After seven years na hindi ako nakauwi dito kahit bakasyon! Finally, malaya na akong balikan yung babaeng pinakamamahal ko! :) Marami akong pinagsisihan sa pitong taon na nahiwalay ako sa kanya, unang-una duon ay ang hindi pagko-communicate sa kanya. Marami kasing nangyari sa California na ako mismo, hindi ko inasahang mangyayari. Araw-araw akong stress, walang araw na nakapagrelax ako. Well, meron naman pero yun yung mga gabing iniisip kong malapit ko na rin siyang makita ulit. Siya ang motivation ko para magsipag lalo sa pag-aaral, siya na ang buhay ko eh. May magagawa pa ba ako dun? ;)

    "Welcome home, Sir." Sabi ni Mang Jose habang nakangiti sa pagsalubong sakin.

    "Mang Jose! Namiss ko kayo!" Nagulat siya ng yakapin ko siya.

    "Sir, sabi po ni Senator pasensya na daw at hindi niya kayo nasundo ngayon." Tumango lang ako, tanggap ko naman na yun. Lango na sa trabaho yung tatay ko. Tsk. Oo, senator na nga si Daddy. Lakas niya no? ;D

    "Manong, pwede ba tayong dumaan saglit kila Mars? Natatandaan niyo po ba yung way papunta sa kanila?" Mukhang nagulat si Mang Jose, nagtataka.

    "Sir... Hindi niyo pa po ba alam---" Nagring bigla yung phone ko.

    "Saglit lang, Mang Jose. Tumatawag si Papa." Sabi ko habang nakatingin sa phone.

    "Hello, Dad? Bat ka pa tumawag dito sa international kong number?" Aksayado talaga sa pera tong tatay ko. Tsk.

    "Hayaan mo na, anak. Kasama ko na ang Mommy mo, dumiretso ka na raw dito sa bahay. Bilisan mo, wag ka ng pumunta pa sa ibang lugar." ANO BA YAN!

    "Eh Dad, sasadya muna ako kila M---" Pinutol niya naman yung sasabihin ko.

    "Ano ka ba? Pagbigyan mo naman ang Mommy mo at umuwi ka na agad dito. May iaanounce kami sa'yo." Napakamot na lang ako sa batok ko.

    "Sige na, sige na. Papunta na ako dyan sa bahay." Naiimagine kong nakangiti si Daddy ngayon dahil natalo niya na naman ako.

    Hindi ko napansing nailagay na pala ni Mang Jose yung mga gamit ko sa trunk ng kotse namin. Pinagbuksan niya na ako ng pinto ng kotse, pumasok na ako.

    BUMMER. Excited pa naman akong makita siya! Paniguradong mahaba-habang eksplinasyon ang sasabihin ko sa kanya. Baka nga may boyfriend ng iba yun. Wag naman sana, sabi niya aantayin niya ako eh. :-\

compilations ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon