Chapter 11

57.1K 1K 134
                                    


Enjoy reading!

Warning: SPG!

NANATILI ako nang ilang minuto sa likod ng mansion bago ko napagpasyahan na umuwi na. Sinilip ko muna kung may mga tao pa ba sa harap at napaatras ako dahil meron pang iilan na naroon.

Wala naman akong ibang alam na daan dito palabas ng gate kung hindi sa harap lang mismo ng mansion. Ngunit kailangan ko ng umalis rito. Ayoko ng tumagal pa pagkatapos nang nangyari kanina.

Huminga muna ako nang malalim bago ako naglakad. Ramdam ko ang titig ng mga tao na naroon ngunit hindi ko na lang pinansin. Nakayuko ako habang mabilis ang lakad palabas ng gate. Ngunit pagkaapak ng mga paa ko sa labas ng gate ay may biglang humigit sa akin at sisigaw pa sana ako nang makita ko ang mukha ni Harley.

"Baby." Mahina niyang sabi.

"H-harley." Gulat kong sabi.

Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa itim niyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front at nagtataka ako dahil wala si Manong Rey. Siya ba ang magda-drive?

"Nasaan si Manong Rey?" Tanong ko nang pumasok na siya sa driver seat.

"He needs here. Ako na muna ang magda-drive." Turan niya at pinaandar ang sasakyan.

Hindi na rin ako nagtanong pa kung saan kami pupunta dahil sa tinatahak na daan ay alam kong sa condo niya kami pupunta. Buong byahe ay hindi rin siya nagsalita at nakatutok lang sa dinadaanan namin. Galit ba siya dahil sa ginawa ni Red? Pero dapat ako ang magalit sa amin dahil sa ginawa niya kay Red. Dahil doon ay naging usap usapan ako ng mga taong naroon.

Pagdating namin sa condo niya ay nauna siyang pumasok at sumunod ako. Agad niyang hinubad ang suot niyang tuxedo at niluwagan ang kanyang necktie na suot. At pagkaraan ay humarap siya sa 'kin.

"I'm sorry." Iyon lang ang sinabi niya.

"Pagod na ako. Gusto ko na magpahinga." Mahina kong sabi habang hindi nakatingin sa kanya.

"Pwede ba tayo mag-usap muna?" Tanong niya.

"Bukas na lang siguro, Harley. Gusto ko na umuwi." Turan ko.

"Ayokong matulog tayo nang hindi nagkakaayos, Jane. Ayoko ng ganito. Alam kong galit ka sa 'kin. Please, baby, sabihin mo ang gusto mong sabihin sa 'kin." Pagmakakaawa niya. Tumingin ako sa kanya.

"Hindi ko akalain na magagawa mo 'yon sa kaibigan mo, Harley. Dahil sa ginawa mo ay hindi ko alam kung paano pa ako lalabas at haharap sa mga tao na nakakakita sa nangyari kagabi." Galit kong sabi. Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit umatras ako.

"I'm sorry. Hindi ko kayang makita na hinahawakan ka ng iba. I'm possessive when it comes to you, Jane. Natatakot ako na baka maagaw ka ng iba sa 'kin. Ayokong mangyari 'yon." Aniya at humakbang muli papalapit sa akin.

"Wala ng magagawa ang sorry mo, Harley. Marami ang nakakita ng nangyari at alam kong pinag-uusapan na ako. Hindi ko alam kung paano ako lalabas at haharap sa mga tao. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong na ibabato nila sa akin. Naiinis ako dahil hindi ko kayang protektahan ang sarili ko." Saad ko at hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa 'kin at hinalikan ako sa noo.

"Sorry, I'm sorry. Damn. Don't cry, please. Hindi na mauulit. Ako na ang bahala sa nangyari kanina. I will protect you, promise." Marahan niyang sabi habang yakap pa rin ako. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi.

Ang akala kong saglit lang na halik ay lumalim at pinipilit ko siyang itinutulak palayo sa akin ngunit patuloy lang siya sa paghalik.

Ibang iba ang halik na iginagawad niya sa akin ngayon. Alam ko ang halik na ito at alam ko kung saan 'to patungo. At hindi dapat umabot sa iniisip ko. Sinusubukan kong itulak siya papalayo sa akin ngunit mas lalo lang dumiin ang pagkakahalik niya sa 'kin

OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta [PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon