Enjoy reading!
ABALA ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa maleta. Bukas na ang flight namin pauwi ng Pilipinas at hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa ilang taon kong nanatili rito sa America ay makakauwi na rin ako sa San Miguel.
Halos kalahating oras din ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Kaonti lang din ang dala kong damit dahil isang linggo lang kami roon. Nang isinarado ko na ang maleta ay agad kong inilagay iyon sa isang sulok.
Sa wakas ay tapos ko na ayusin ang mga dadalhin ko. Puwede na akong makapag-pahinga. Napangiti ako sa naisip ko. Pumunta ako sa kama at umupo roon ngunit nagulat ako nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Kc.
"Jane!" Sigaw niya. Kumunot ang noo ko dahil sa pagsigaw niya na para bang nagulat. Umupo siya sa tabi ko.
"Bakit ka sumisigaw?" Takang tanong ko.
"Alam mo na ba ang balita sa San Miguel?" Tanong niya. Hindi naman ako nakikibalita na roon. At ayaw ko ng malaman kung ano man ang kaganapan doon.
"Hindi na ako nakikibalita roon." Simpleng sagot ko. Bumuntong hininga siya.
"Alam mo bang governor ulit ng San Miguel si Harley? Uuwi ka roon tapos walang ka man lang balita roon." Diretso niyang sabi. Ano naman ngayon kung nanalo siya? Anong gagawin ko? Magpa-party? Puntahan siya? Wala na akong pakialam sa kaniya.
"O, ano naman ngayon kung nanalo siya?" Seryoso kong sagot. Ngumuso lang si Kc sa 'kin.
"Wala kang care?" Tanong niya at ngumiti nang nakakaloko. Umiling lang ako. Wala talaga akong pake sa kaniya. Ang layo ko na. Malayo nga ba?
May mga sinabi pa sa akin si Kc tungkol kay Harley pero hindi ko na pinakinggan pa. Ayaw kong marinig ang tungkol sa kaniya.
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag-ayos na ng sarili. Umaga ang flight namin pauwi ng Pilipinas.
"Hindi ka pa rin ba tapos, Jane?" Naiinip na sabi ni Kc. Sasama rin siya sa pag-uwi sa San Miguel.
"Sandali na lang 'to." Sagot ko at naglagay ng lipstick sa labi. At pagkatapos ay kinuha ko na ang maliit kong bag at hinila ang maleta ko palabas ng kwarto.
"Ako na riyan." Sabi niya at kinuha sa akin ang hila kong maleta.
"Thank you." Sabi ko at sabay kaming bumaba nh hagdan.
Paglabas namin ng bahay ay naroon na ang sasakyan na maghahatid sa amin sa airport. Naroon na rin si Ma'am Eva at Trixie sa loob at hinihintay ako.
"Ang tagal mo, Jane. Baka mahuli tayo sa flight." Reklamo ni Ma'am Eva. Nang makasakay na kami ay agad nang umandar ang sasakyan patungong airport.
Makalipas ang mahabang oras na flight ay lumapag ang sinasakyan naming eroplano sa airport ng Pilipinas. Naunang tumayo si Trixie at kinuha ang mga gamit namin sa na nakalagay lang sa taas. At dahil nasa unahan kami banda ay nauna kaming lumabas ng eroplano. Ilang taon din ang lumipas.
Naunang naglakad si Trixie at Kc dahil kukuhanin pa nila ang ibang mga gamit. Habang kami ni Ma'am Eva ay naglakad na.
Ilang sandali lang ay dumating na rin si Trixie at Kc at hila-hila ang mga maleta. Agad kong kinuha ang maleta ko kay Trixie dahil marami din siyang dala.
"Jane!" Sigaw ni mama nang makita ako. Agad akong napangiti. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako.
"Kumusta ka po rito, ma?" Tanong ko pagkatapos niya akong yakapin.
"Okay lang. Masaya." Nakangiti niyang sabi at halata naman sa mukha niya.
"Nako, tara na sa sasakyan at mainit dito sa labas." Singit ni Ma'am Eva at namumula na ang pisngi dahil sa init. Agad naman akong natawa at nauna siyang pumunta sa naka paradang sasakyan kung saan bumaba kanina si mama. Agad naman kaming tinulungan ng driver upang ilagay ang mga gamit sa likod ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 1: Harley Callanta [PUBLISHED UNDER IMMAC]
RomanceHarley Callanta is one of the youngest governor in San Miguel. At the age of 25, he is already a governor. He followed the footsteps of his father who was also a former governor of San Miguel. Kaya bilang isang governor ng kanilang lalawigan ay dapa...