Chapter 23 ~ Explanations

17 1 0
                                    

Sehun's POV

They planned to go to the mall. Sinadya pa nilang iparinig kay Jam kanina sa classroom para daw malaman nila kung anong irereact niya.

Pero parang magaling siya sa pagtatago ng emosyon. Blangko ang mukha niya ng umalis siya sa classroom.

And with that, they canceled their appointment.

"Miss ko na siyang talaga."

Naiyak na naman si Claire. Tunay nga siyang kaibigan ni Jam. Hindi man lang niya kayang bitawan ang mga salitang 'yan.

Every hour of the day, yan lang ang sinasabi niya.

Pag napakasaya niya, biglang magbabago ang aura niya. Magiging malungkot. Tapos biglang tutulo ang mga luha niya.

Kaya pati kami, gano'n din. Tila mayroon kaming telepathy na pag nagpakita ng ekspresyon ang isa, alam na nila kung ano ang dahilan no'n.

Yun ay dahil wala si Jam sa aming kasiyahan. Hindi pa rin kami sanay na wala siya kahit na ilang linggo na ang lumipas.

Nakabaon pa rin sa puso't isipan namin ang pag-asa na babalik sa dati.

Oo, malakas ang kapit namin sa pag-asang yo'n. Alam niyo kung bakit?

Kakuntsaba lang naman namin ang nanay niya na sobrang alalang-alala sa kalagayan ng kaniya.

Kaya kung tatanungin niyo kami, handang-handa kaming patawarin siya sakaling bumalik na siya.

Nang umalis siya, napag-isipan kong sundan siya. Baka mamaya, nakahilata na naman siya dyan sa daan.

Nakakapagod siyang sundan. Gano'n na lamang ba ang kaniyang mararamdaman kaya hindi niya alintana ang sakit ng kaniyang paa sa paglalakad?

Hanggang sa naupo na nga siya sa bench dito sa garden. Ang tahimik ng lugar. Ganito nga ba kaya ang gusto niya?

Ilang minuto lang, bumagsak ang malakas na ulan. Hinintay ko siyang tumayo pero hindi naman siya tumayo.

Nasisiraan na ba siya ng bait?! Kakagaling niya sa sakit tapos magpapaulan naman siya ngayon?!

Kaya naman hindi na rin ako umalis. Pinagmasdan ko lang siya. Humahagulgol siya. Wala akong pakialam kung basang-basa na ko. Basta ang importante sa ngayon ay si Jam.

Gusto ko siyang lapitan. Pero teka lang. Hindi pa 'ko handa. Tsaka na lang.

At sa wakas ay natayo na siya. Alam kong hindi pa to uuwi. Kaya naman tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya sa likod. Ito na lang ang kaya kong gawin.

"P-please, let's stay like this for more minutes."

Pagmamakaawa ko sa kaniya. At dahil sa hindi siya sumagot at gumalaw, humagulgol na ko.

Gusto kong maramdaman niyang ang sakit ng nararamdaman ko.

Gusto kong iparamdam na hindi lang siya ang nasasaktan.

"Ipinagtabuyan ko na kayo halos, Sehun. Bakit nagagawa niyo pa rin akong pansinin? Isipin? At mahalin?"

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

"K-kase mahal na mahal ka namin, Jam. Mahal na mahal kita."

At sa pagkasabi ko no'n, mas lalo siyang naiyak.

Kahit na ang lakas ng ulan, hindi kami natitinag.

"Sehun natatakot ako."

"Please, don't. We're still ready to forget this nightmare, Jam. Just please, come back." Sabi ko.

Natigil ang kaniyang pag-iyak. Iniharap ko siya sa'kin.

Walang duda. Mahal na mahal ko talaga itong babaeng 'to. Kahit anong gawin mo, napakaganda niya pa rin.

I leaned closer to her. We're now just an inch away to each other. I already can feel her breath. I just wanna kiss her.

It was near, but someone interrupted us.

"Grabe! Ilugar niyo po." sabi ni Chen habang pinayungan kami ni Jam.

Napatungo lang si Jam at hindi na naman makatingin sa'min ng diretso.

Tinignan ko si Chen. Naintindihan naman ata niya ang gusto kong sabihin.

Hinawakan niya sa kamay si Jam at -- INTERTWINED pa.

Medyo malayo na sila.

"Oy Chen! Akin lang ang kamay na 'yan!"

Tumawa siya ng malakas at mas hinila pa si Jam.

Natawa na lang ako at humabol ma rin sa kanila. Alam ko na kung saan 'to pupunta.

*~•~*

Hindi sila makapagsalita. Tila dinaramdam pa ang moment na nandito si Jam. Pinagmamasdan.

Si Jam naman, tahimik lang din. Kita mong takot.

Nabibingi ako sa katahimikan kaya ako na ang mismong bumasag.

"A-ah. So magtitinginan lang po tayo?" tanong ko sa kanilang lahat.

Napatingin silang lahat sa'kin, pwera lang kay Jam na hindi pa din gumagalaw.

"J-jam, baka may gusto kang sabihin." sabi ko sa kaniya.

Tinignan lang niya ako. Hinawakan ko ang isang kamay niya. I gave her an assuring look.

"U-um. G-gusto ko l-lang sanang m-magsorry sa inasal ko n-nitong n-nakaraang mga araw."

Tumulo ang luha niya kasabay ng pagtulo ng luha ni Claire.

Si Chen naman, niyakap pa 'ko. Ang bading!

"'Tol, ang bading. Tanggalin mo nga!" bulong ko sa kaniya.

"Sorry, pare. Nakakatouch kasi." bulong niya pabalik.

"Nabigla lang kasi ako sa pag-amin nila. H-hindi ko inasahan na may gano'n pala. Pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan natin. At ayoko namang masira yo'n dahil lang sa nararamdaman nilang yo'n. Hindi ko intensyon na lumayo sa inyo at saktan kayo dahil do'n. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. Lalo na't ang pagkakaibigan natin ang nakasalalay dito."

Page-explain niya.

Hindi ko alam kung bakit ganito siya katibay sa kabila ng mga problemang pinagdadaanan niya. All through out, she's thinking always the way to solve those. Kahit makaiyak yan ng timba-timbang luha, matatag pa rin siya. Nakakatayo pa rin siya sa sarili niyang mga paa.

Yan ang nagustuhan kong lalo sa kaniya. Dahilan para ipaglaban ko siya.

Umiiyak na siya matapos niyang sabihin yo'n. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Kaya walang sabi-sabi akong yumakap sa kaniya.

Umayos silang lahat.

"Ahem.. ahem.." pagi-interrupt nila.

"Baka pwede rin payakap no?" sabi ni Claire na natawa na rin sa wakas.

Kumalas sa pagkakayakap si Jam at niyakap ng napakahigpit si Claire.

Humagulgol silang pareho. Namiss talaga nila ang isa't isa. Sa lagay na 'yan oh! Sus! Daig pa ang magboyfriend/girlfriend sa sobrang higpit ng yakapan.

"Group hug naman! Pinipili lang ata ang gustong yakapin eh!" Pagrereklamo ni Chanyeol.

Walang nagawa ang dalawa at kumalas sa yakap nila at magtawanan.

At sa huli, nagyakapan kaming lahat..

Thanks God. We already have her back. <3

My Secret Lover (EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon