Chapter 3 ~ Abnormal Heart!

69 4 0
                                    

A/N: Guys, pagpasensyahan niyo na lang muna yung mga typos ha? Kagagawa lang e. Irereview ko na lang sa susunod na araw tapos ieedit. ^_^ Thanks.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SEHUN'S POV

Naka-isang POV na ko pero di ko pa napakilala sarili ko. ^_^ Peace.

Ako nga pala si Oh Sehun. Ang pinakabata sa EXO. Ako ang bunso kaya minsan, lahat ng gusto ko e binibigay nila. Alaga at pagmamahal nila bilang kapatid na rin. Kilala ako bilang isa sa Heartthrob. E gwapo nga e. GWAPO! So yun. Back to story na.

Bigla na lang umalis si Kris hyung. Pumunta siya ng canteen. Ang bilis niya naman maglakad. Nakarating agad siya.

(Malamang Sehun! Ang laki ng taong yan e. Malalaki ang bawat hakbang niyan! - author)

Tumahimik ka muna miss author ha? POV ko to e,

(Gusto mo alisin kita sa istoryang to? - author)

Hindi miss author. Joke ko lang yun. To naman di mabiro.

(Sige. Cute ka naman eh. - author)

So nung mahabol na namin siya, palabas na siya tapos hila-hila niya sa likod niya si Jam. Ano? Si Jam? Anong nangyari dun? Bakit basa siya?

" Hyungs! Anong nangyari dun?" Curious kong tanong sa kanila. Pero nagkibit-balikat lang silang lahat. Aaaarrgh! Bigla akong napasipa sa pader sa side ng canteen.

"Oh Sehun! Anong nangyayari sayo? Ha?" - Suho hyung.

"Ah wala hyung. May dumi lang kasi dito sa harap ng sapatos ko" Palusot ko. Ewan ko nga rin e kung bakit ko sinipa yung pader. May mali sa naramdaman ko nung nakita ko si Kris hyung at si Jam.

"Don't tell me maknae ... na NAGSESELOS ka?" - Baekhyun hyung.

"Uy binata na si maknae! Pa'burger! Ay palibre ng Bao zi! Hooo!" - Xiumin hyung. Nako! *Facepalm* Pagkain na naman nasa utak ni Xiumin hyung!

"Oo nga! Ireto ka namin gusto mo?" - D.O hyung. Nako isa pa to!

"Sexy naman siya e! Okay na siya Se---" *pok* - Kai hyung. "Kai naman! Kung anu-ano na naman pinagsasabi mo! May makarinig pa sa'tin e!" - Suho hyung.

"Tumahimik na nga kayo mga hyung! Kayo talaga. Hindi ako nagseselos a." Sabi ko. Iniwas ko yung tingin ko kasi feeling ko e ang init ng mukha ko.

"E ba't ka nagba'blush? Uyyyy! Selos nga! Yiiiiie!"- Lahat sila. Ang lakas ng mga bunganga!

Oh ayan na si Kris hyung!

"Oy pare! Ano nangyari kay Jam?" - Suho

"Bakit hila-hila mo rin siya kanina?" - Baek

"Sa'n mo siya dinala? Ha?" - Chen

"Bakit mo --" - Chanyeol

Di na pinatapos ni Kris hyung si Chanyeol at nagsalita na.

"Pwede ba! Ang ingay! At pwede isa-isa lang? Isa lang bunganga ko! Isa lang!" Sabi ni Kris hyung na naiinis. Sabay-sabay na tanong e.

"Ganito kasi. Nakita ko na naman si Jam na inaaway ni Alaicka. Yung babaeng yun talaga! Nabangga nga ata ni Jam si Alaicka e para pumunta sa upuan niya pero ayun nga. Nabangga niya kaya natapon sa kaniya yung juice. Tapos sinabihan na naman ng kung anu-ano." Sabi ni Kris hyung. Ah, kawawa naman si Jam.

"Ang bait mo naman hyung. Ang Cold Guy mukhang may pinopormahan a! At baka mamatay sa selos yang isa diyan." - Tao sabay tingin saken at ngiti na nakakaloko.

"Yiieeeee~!" - Silang lahat.

"Ano ba hyung. Sinabi nang hindi e!" Sabi ko nang naiinis. Pero bakit ganito ang puso ko? *dug dug dug dug * Abnormal!

Biglang nagsalita si Kris hyung na biglang nakapagpasikip ng dibdib ko.

"Maganda naman si Jam e. Kaya okay lang siguro kung pormahan ko."- sabi ni Kris hyung.

Hindi. Hindi ako papayag. Ako ang dapat sa kaniya. Halllaaaa! Ano ba itong sinasabi ko?! Mali! Erase!

JAM'S POV

Dumeretso na ko sa cr at nagpalit. Paglabas ko, bigla na lang akng pinagtitinginan ng mga tao.

"Huh? Si poor btch, gamit yung tshirt ni Kris ko?" - Girl 1

"Ang kapal naman niya para gamitin ang tshirt ni Kris!" - Girl 2

"Uy pare oh. Tignan mo. Yung mahirap na scholar, gamit niya yung tshirt ni Kris." - boy 1

"Oo nga! Ang kapal niya talaga!" - boy 2

Hay. Bakit ba big deal sa kanila itong tshirt na to? Kung may extra lang akong tshirt e di sana di ko ito suot ngayon. Tsaka bakit ba nila masyadong hinahangaan ang EXO? Tsk! Hindi naman sila gwapo e! Pasikat lang si ---

"Ouch!" May nabangga na naman ako! Hala!

"Ah sorry mi--- JAM?!" - Sehun. A h si Sehun pala. Oo kilala ko ang EXO. Classmate ko sila. Pati sa klase pasikat pa rin. Pero teka .. Bakit parang ang gwapo naman ata ni Sehun? Aish! Batukan niyo nga ako!

"Oh! Ba't para kang nakakita ng multo?" Sabi ko with matching irap. Kainis e. Para siyang nakakita ng multo. Grabe.

"Ah w-wala. Ah a-ano nga pala nangyaro sa'yo? At bakit mo suot yang tshirt ni Kris hyung?" - Sabi niya ng nauutal. Anong meron sa lalakeng to?

"Natapon yung juice ko sa damit ko. May nabunggo ako e." Sabi ko na lang.

"Ah dahil kay Alaicka na naman. Sinabi na pala samin ni Kris hyung kanina e. Pasensya na kung tinanong ko pa." - Sabi niya. E sinabi naman na pala ni Kris sa kanila e! Tsk! Nagtanong pa! Naku naman!

"Ah okay lang." I smiled awkwardly. Pinagtitinginan na naman kami e. Umalis ka na kasi Sehun! Mabubully na naman ako lalo nito e! Pahamak talaga!

Aalis na ko ng bigla niya akong hilain. Hawak niya kamay kooooo! Oh no! Si heart ko! Ba't ganito?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: How's the chapter? ;) Vote. Comment. Share.

~ohbubbleSehun

My Secret Lover (EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon