One shot lang to, sana magustuhan nyo ^_^
Sa tuwing nakikita kita,
Lumalakas ang tibok ng puso ko.
Kapag nag-uusap tayo,
Di ako makatingin sayo ng diretso
Hindi ako pala-kwento,
Kapag kasama kita.
Kinikilig ako sa tuwing hinahawakan mo pisngi ko.
Feeling ko, ako ang girlfriend mo
Kapag humihiga ka sa balikat ko .
Nasasaktan ako kapag naiisip
Kong, may mahal kang iba.
Pero kahit nasasaktan ako,
Kakayanin ko.
Sabihan mo mang manhid ako,
Wala akong pakialam.
Ganyan ang pagmamahal ko sayo.