Part 1 Prologue

3.5K 58 26
                                    

They say life is a destiny, life is full of mystery.. Well that's what my mom used to say to me when I was young, now I am living alone, getting a partime job while studying at my dream university.. I left my hometown to study and pursue my dream as a professional photographer, but when this girl came into my life, everything has change"

Limario's pov:

*nagmadali akong pumunta sa bus station dahil baka ma late pa ako, 8 am na ako nagising dahil sa sobrang pagod sa trabaho at 9 am ang klase ko, hindi ako kailanman na markahan bilang late kahit na working student ako, ginagawa ko to lahat para sa mga magulang ko na naghirap para mapaaral din ako sa magandang paaralan, buti nalang naka sakay ako agad ng bus, pinili kong umupo sa pinaka likurang bahagi ng bus, dahil mag rereview din ako sa mga lessons ko, naglagay ako ng earphones at nagpatutog ng mga paborito kong kanta, pero mas nanaig yung mga boses ng mga babaeng nasa unahan ko, pagtingin ko kinukunan na pala ako ng litrato*

Girl 1: kuya? Tingin ka naman dito please! Ang gwapo mo!!

*sabay kuha ng litrato, napangiti ako sa inasta niya kahit di na bago sakin ang nangyayari ngayon, halos mag lumpasay pa sa kilig tong isang to*

Girl 2: alam mo ba kaya ko pinilit si dad na mag bus ako at di na magpahatid sa driver namin , dahil nagbabaka sakali akong makasabay ko siya? Ayiiee! Girl! Nagkaka totoo yung himala!

*halos marindi ako sa sigaw niya at di ko namalayan na nakarating na pala ako sa skwelahan, nagmadali akong bumaba at halos lakad takbo yung ginawa ko, pagdating ko sa room, hindi pa naman nagsisimula ang klase, nilapitan ko ang isa sa pinaka matalik kong kaibigan na si Rosé, yep, babae ang bestfriend ko, mayaman siya at ang pamilya niya ang may pinaka malaking share sa kompanyang pinagtrabaho an ng tatay ko. Nagkakilala lang kami nung tumirik ang sasakyan niya sa gitna ng kalsada, at tinulungan ko siyang ayusin ito*

Flashback:

Rosé's Pov:
Damn!! Ba't pa kasi hindi ako nagpahatid sa driver ko ! Tumirik pa tong sasakyan na to.. *napaka dilim ng paligid kasi sira yung poste sa magkabilang dulo at dito pa talaga ako nasiraan, naisip kong tumawag nalang sana ng on call mechanics para dalhin sa shop tong kotse na to at mag taxi nalang ako pauwi, medyo umaambon na rin kasi at madami pa akong gagawin na homeworks, pero hindi nakisama yung cellphone ko at naubusan pa ako ng baterya, kung minalas ka nga naman pati power bank naiwan din, pero may naaninag akong matangkad na tao papunta sa akin, kinabahan ako kasi ang dilim ng paligid , bigla siyang lumapit sakin at napa atras ako at handa na sanang tumakbo pero ngumiti siya at sabay sabing "kailangan mo ng tulong?" naaaninag ko ang parte ng mukha niya at masasabi kong napaka gwapo ng lalakeng nasa harap ko ngayon. Tumango lang ako tinitigan siya habang chinicheck yung sasakyan ko.. "may tools ka bang dala?" tanong niya sakin na naka ngiti parin.. My ghad! Ang puti ng ngipin niya at napaka pantay , kitang kita ko ang kalahating parte ng mukha niya dahil narin sa lakas ng ilaw galing sa sasakyan ko, hindi naman bago sakin maka kita ng mga gwapo dahil karamihan sa mga anak ng ka sosyo ni daddy sa negosyo may mga itsura din, pero itong isang to ibang iba, yung pisngi niya napaka kinis, parang balat ng babae, yung buong mukha niya halos di ko siya mai kumpara sa ibang mga lalake at di ko namalayan na tapos niya na palang ayusin yung kotse ko .. "ayan ayos na, kumuha na ako ng tools sa likod ng sasakyan mo, hindi mo kasi ako masagot sagot kung nasan yun kaya inunahan nalang kita, busy ka yata sa kaka titig sakin, baka naman ma saulo mo na yung mukha ko? " peste! mahangin din pala tong isang to, sabi ko sa isip ko.. napa ayos ako ng tayo at nagpasalamat nalang kaysa patulan ko pa tong isang to " salamat, nga pala I'm rosé" pagpapa kilala ko sa kanya, sabay inilahad ko ang kamay ko, pero tinitigan niya lang ito at pinakita nag kamay niyang marumi, "I would like to take your hands, but look " sabi niya na may kasamang kindat pa, " uhm by the way, babayaran kita , nadisturbo pa kita e" kukuha na sana ako pera sa bag pero bigla siyang nagsalita " it's okay, di mo kailangan magbayad, regalo ko nalang yun sayo" aalis na sana siya pero pinigilan ko siya at binigay yung calling card ko, " bilis ah? Gusto mo na agad ako?" sabi niya na nakangiting loko, " don't get me wrong, kung gusto mong mag apply ng trabaho pwede kang tumawag diyan, para makabili ka man lang ng bagong maong" hindi naman sa sobrang luma na ng maong niya pero parang ganun na nga .. " mmm.. Okay sige .. Tingnan natin" nga pala I'm Limario," pagpapakilala niya sabay alis, natawa ako sa pangalang Limario di na naman bagay sa mukha niya . "

A lifetime ContractWhere stories live. Discover now