Pcto:
Rosé's Pov:
Naka uwi na ako sa bahay at di matanggal sa isip ko ang inasta ni Limario at kung bakit ayaw na ayaw niya maging kaibigan si Jameson, I mean parang harmless naman yung tao, kaya napag desisyonan kong tawagan ang bestfriend ko "Uhm? Busy ka? " sabay sabi ko nung sinagot niya na ang tawag. "hindi naman, kakauwi ko lang.." sagot naman nito sa kabilang linya, "kakauwi mo lang? Eh diba kanina pa ako umuwi? Dapat kanina ka pa dumating sa dorm niyo" hindi siya sumagot at narinig ko ang pag buntong hininga niya "may problema ba? Lili?" pag tawag ko sa pangalan niya " w-wala, matutulog ka na ba? Baka mapuyat ka? Anong oras narin" ani nito na parang minamadaling matapos ang pag uusap namin, "wala tayong pasok bukas, kaya pwede akong magpuyat, unless kung ayaw mo na akong kausap?" pagtatampo ko kunwari sa bestfriend ko "oo nga pala, sabado bukas, ano ? Gala? " pag aaya niya sakin at parang bumuhay naman ang dugo ko sa imbitasyon niya, "sige ba! Themepark?" ani ko sa kanya bilang pag sang ayon , " hindi, sa may City hall gusto mo?" bumalik yung sigla ko sa biro niyang walang kwenta, pero dahil excited ako, napatawa nalang ako sa biro niya, "sige na, good night! See you tomorrow! " ani ko pero parang may narinig akong ibang boses sa kabilang linya bago ko pinatay ang tawag, may bisita kaya siya? Alas dose ng gabi? Ano bang nangyayari sa lalakeng yun? Binalewala ko nalang at napag desisyonang matulog nalang.Limario's Pov:
Hindi ko masabi kay Rosé ang tungkol dun sa nangyari sa skwelahan, masyado akong kinabahan at talagang di parin makapaniwala sa nangyari, nung binaba niya ang tawag bigla namang may kumalabog sa kusina, kaya dirediretso akong pumunta kahit na wala akong pang ibaba, pero laking gulat ko nung makita ko kung sino ang nasa harap ko "a-anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok? AHHHHHHH!!!!!!! dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto at nag bihis ng pang ibaba , juskoooo! Nakita niya! T.T pano ba kasi yun nakapasok? Ano bang problema ng babaeng yun? Nung saktong humarap na ako halos naman malagutan ako ng hininga ng makitang nasa harap ko ulit siya "A-ANO BA!!! sino ka ba? Trespassing yang ginagawa mo! Amputek! Ka babae mong tao! Ang lakas lakas ng loob mong pumasok sa bahay ng lalake at hindi mo pa kilala!" singhal ko sa kanya pero wala man lang akong makitang expression sa mukha niya "ano ba? Tatayo ka lang diyan?" tanong ko ulit " anong gusto mong gawin ko?" balik tanong niya sakin na para bang balewala lang sa kanya ang ginawa niyang pag pasok sa ibang bahay "kanina nasa skwelahan ako, may mga weirdong tao na gustong tapusin na ang buhay ko! Tapos ngayon? Andito ka naman na hindi ko kilala at bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan saan! " pag aasik ko ulit sa kanya " mga lalake? Anong mga itsura?" ngayon ay nakita ko ang pag babago ng expression niya, may halong galit at pag aalala, napansin ko din ang kulay ng mata niya at maging ang hugis nito, hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya " anong mga itsura ng mga yun?" tanong niya ulit " sexy yet pretty" ani ko sa kanya sa pagtitig ko sa katawan niya " ano???? " singhal niya, " ang ibig kong sabihin, matangkad sila! Naka itim! Malalaki ang katawan! Mga pangit! " ani ko kanya , nakita ko naman ang pag kunot ng noo niya at kinuha ang telephono niya papalabas ng kwarto ko, sinundan ko siya sa may sala at tila may tinatawagan siya, pagkatapos niyang kausapin ang nasa kabilang linya tumingin siya gawi ko at lumapit sa tenga ko " sexy" ani niya sakin at lumayo saka tiningnan ang ibaba ko, halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba sa sinabi niya pero hindi ako nakasagot dahil parang wala lang sa kanya ang ginawa niya at simpleng lumabas sa pinto ng bahay ko at naiwan akong naka nga nga. Bumalik lang ako sa katinuan nung may nakita akong bagay sa sahig, kinuha ko ang bagay na yun at may panyong nakalagay na letter J, mukhang sa kanya ang panyo na to, kinuha ko iyon at nilagay sa bulsa at dali dali akong bumalik sa kwarto.Kinabukasan
Rosé's Pov:
Masaya akong pumunta sa tinutuloyang bahay ni Limario, hindi na ako nagpa alam sa kanya na ako ang susundo sa kanya sa bahay nila, nakita ko siyang palabas ng bahay at bihis na bihis , ang gwapo ng bestfriend ko, kumaway ako sa kanya mula sa labas at nakita kong nagulat siya, pero ngumiti rin nung makilalang ako ang naghihintay sa kanya, wala naman siguro siyang inaasahang ibang pumupunta sa bahay niya? Lalo na at nasa malayo ang nanay at tatay niya, eh ako lang naman tong bestfriend niya, "Gwapo natin ah?" ani ko sa kanya nung makita ko na siyang papalapit, "syempre , eh ikaw ang date ko e" ani niya habang sinusuot ang sombrero, "hindi ka nagpahatid sa driver niyo? Nag drive ka na namang mag isa? Aiishh! " pag mamaktol niya na naman, " sorry na, pero day off ngayon ni manong, tiyaka, time natin to para mag bonding," ani ko sa kanya pasakay sa kotse at pinagbuksan niya naman ako ng pinto, "may sampung driver kayo sa bahay niyo, lahat sila day off?" sagot niya habang umikot sa kanilang side para mag drive " hindi, pero lahat sila pinasabay ko kay daddy sa business trip niya , matagal tagal rin siyang mawawala, tyaka yung isang driver na close ko may sakit yung asawa kaya kailangang umuwi, " edi , ako muna personal driver mo, sabihin mo sa driver nitong sasakyan niyo i extend niya day off niya hanggang sa susunod na linggo! Ayos lang!" ani nito habang sinisimulang mag maneho, "haha, sira! pero pwede rin! Pinaka gwapo kong driver!" ani ko naman sa kanya, ngumiti ito ng napaka lapad halatang nagustohan niya ang sinabi ko, " sus! Gustong gusto mo yung mga compliment e! " sinundot ko ang tagiliran nito at pasimple naman itong lumingon sa gawi ko, " of course!!" ^__^
YOU ARE READING
A lifetime Contract
Romancenames, characters , events and etc. are all created from the writers imagination. Credits to the owner of pictures (@pangkangaroo) (first pic edit for Lisa and 3rd pic edit for Jisoo) that have been used for the story cover. This story is created fo...