Rosés Pov:
Napayuko nalang ako sa sinabi ng mga bagong ka klase namin, buti nalang at sinaway kaagad ni Miss A ang mga yun.
"ayos ka lang?,masyado atang malalim yang iniisip mo? wag ka na mag alala dun sa mga yun, di naman kita pababayaan e" ani ni Limario at napalingon naman ako sa sinabi niya. "Ok lang ako, tiyaka naka bawi ka naman sa recitation, napa taob mo " pagpupuri ko sa kanya. "sabi nga nila diba, pag nasa katuwiran ipaglaban MWAH" hindi ko mapigilang matawa sa ginawa niya nag mukha siyang bading sa loob ng 1 segundo 😂 . Pinigilan kong matawa at naglakad nalang palabas ng classroom, sumunod naman siya kaagad sa akin at nung mismong papalabas na sana ako ng pinto ng classroom para akong bumangga ng pader , nung mai angat ko ang ulo ko, nakita ko na naman yung lalake, ano nga ulit pangalan nito? Napahawak ako sa noo ko habang dinadamdam ang sakit, pero natigilan ako nung bigla niyang hinimas ang noo ko at hinipan, napa atras ako sa ginawa niya at inalalayan naman ako ni Limario para hindi ko siya maapakan " sup bro! Ingat ka Rosé, may lakad kayo?" ani nito na parang wala lang sa kanya ang ginawa niya, pero parang bakit ang lambot ng kamay niya nung dumapo sa noo ko? >.< " wala naman, pauwi na kami" simpleng sagot ni Limario dito at hinila na ako palabas ng classroom, "t-teka, dahan dahan naman! " pagsaway ko kay Limario sa sobrang bilis nito maglakad. "sandali! Sabay na kayo sa akin! Andyan na yung kotse ko sa labas!" hinabol kami ulit nung lalake at hingal na hingal ito sa pagtakbo. Pero parang walang narinig si Limario at di ko namalayan nasa tapat na pala ako ng kotse ko " sakay na!" ani ulit ni Limario at sinenyasan ang driver ko na magmaneho na. "ikaw? Di ka sasabay? Gabi na?" pag aaya ko sa kanya pero di man lang siya kumibo. "s-sabi ko nga di ka sasabay, tara na kuya," ani ko naman sa driver.Limario's Pov:
Dali dali kong hinila si Rosé papunta sa sasakyan niya, ewan ko ba at hindi parin ako komportable sa isang yun para ipagkatiwala ang bestfriend ko na ilang ko palang nakilala ang taong yun, pina una ko ng umalis si Rosé at sinigurado kong naka alis na sila ng campus bago ako umuwi. Sakto namang humarap ako sa gawi kung saan rinig na rinig ko ang paghabol ng hininga nung lalakeng gustong sumabay kay Rosé umuwi, pag lingon ko sa gawi niya dali dali naman siyang pumreno na akala mo nakakita ng multo. "bro? Ba't ba ang bilis niyong maglakad? Sabi ko naman sayo sa~" hindi ko siya pinatapos mag salita dahil naiinis narin ako "may gusto ka ba sa bestfriend ko? Sabihin mo lang ng hindi ka magmukhang aso sa kaka habol" ani ko sa kanya at bigla naman siyang natigilan " w~wala, gusto ko lang makipag kaibigan, tyaka wala namang masama dun diba?" tinitigan ko siya at unti unti naman niyang inilalayo ang tingin niya sa akin, nung bigla siyang tumingin ulit sakin nahuli niya parin akong tinititigan siya, kaya umiwas ulit ito ng tingin na parang batang inagawan ng candy. " oh? Baka naman ako ang crush mo? Umayos ka" ani ko sa kanya at mukha naman hindi niya inasahan ang sinabi kong pang aasar sa kanya " lumalaki na yung butas ng ilong mo" pag aasar ko ulit. " Di tayo talo! Anak ka ng kapit bahay niyo! Mas gwapo parin ako sayo!" pag aasik niya at nang gigilaiti na. " look, ayokong mamasamain mo tong sasabihin ko ha? Pero kasi iniingatan ko lang yung bestfriend ko, babae parin siya, at higit sa lahat ilang araw ka palang namin nakilala " ani ko sa kanya at nakita ko naman ang pagbago ng expression nito, malayong malayo sa makulit at masayahing tao. " eh, kasi diba? Pano niyo ako makikilala kung di niyo ako bibigyan ng pagkakataon na kilalanin?, iniiwasan niyo lang ako lagi, naiintindihan ko naman e, nag iingat ka lang, pero seryoso talaga to bro, bigyan niyo ko ng chance na makilala niyo pa ng lubosan" nakita ko ang sinsiridad sa mga mata niya sa mga salitang binitawan niya, "pero bakit sa amin? Bakit sa akin? Hindi ako mayaman, wala kang makukuha sa akin, mayaman ka naman, for sure mas maraming gustong makipag kaibigan sayo, andaming babaeng maghahabol sayo, kasi sayo na din nanggaling diba? May itsura ka, mayaman ka, ba't mo pinagsisiksikan ang sarili mo sa amin? Sabagay, mayaman si Rosé , magkapantay kayo, parehong mundo, mukhang ako ata ang hadlang" dirediretso kong sabi . " Hindi lang naman si Rosé yung gusto maging kaibigan, ikaw din nama~" hindi niya natapos ang sinabi niya ng may bigla kaing narinig na putok mula sa kabilang side ng isang kotse nakaparada, nabigla naman ako nung hinila niya ako agad sa likod ng isa pang kotse "a~anong nangyayari?" ani ko nung makita ko ang pinaka seryosong mukha niya at tila hindi niya ako naririnig " wag kang aalis sa likod ko, pag sinabi kong dapa, dumapa ka" ani niya na kumuha ng isang maliit na bote mula sa sapatos niya at tinapon ito sa kotseng nakaparada na kusang bumuo ng usok " dapa!" singhal niya sakin at dumapa naman ako sabay sa kanya nakita ko sa ilalim ng kotse may mga lalakeng naglalakad sa usok na tila, hindi tinatablan ang mga ito, "sino sila? Anong nangyayari? Umalis na tayo dito, ayokong mamatay! May pangarap pa ako para kina nanay at tatay!" ani ko naman sa kanya dahil hindi ko na talaga naiintindihan ang sitwasyon . Halos naman lumayo ang kaluluwa ko sa katawan ko ng maramdaman ko ang sarili ko na may kumuha sa kwelyo ko at inangat lang ako basta basta. " B~bro!" tawag ko kay Jameson at bigla namang itong napatayo at hinarap ang lalake, pero sa kasamaang palad ang dami nila! Mukhang katapusan ko na talaga! T.T "bitawan mo siya" parang pumantig ang tenga ko nung marinig ko ang napaka kalmado niyang boses at nakapamulsa lang siya habang heto ako hirap na hirap sa kwelyo ko " ibaba niyo muna ako manong! Hindi ako tatakbo pramiss! Ang dami dami niyo! Anong laban ko?" pag aasik ko sa lakakeng naka tuxedo, bumaling naman ang tingin niya sa akin at bigla ay binitawan niya ako dahilan para muntik na akong sumubsob sa semento. "may galit ka nga sakin kuya! Ang sakeett!!" asar na sabi ko at diretsong tumakbo sa likod ni Jameson. "ano bang ginagawa mo ? Ba't ka ba ganyan makipag salita sa kanila? Nakita mo ngang muntik na ako mamatay tapos ikaw parang modelo lang kung makatayo? Anong title ng k drama na to? Pag aasik ko pero dinig na dinig ko ang dagungdong ng pintig ng puso ko sa sobrang kaba " hindi ka mamamatay" ani ni Jameson sa napaka simpleng tono parin , nakita kong naghahanda ng mga pamatpat yung mga lalake, yung iba may dalang martilyo, yung iba naman hinahanda ang kamao, habang si Jameson naka tayo parin na parang estatwa ni Rizal. "Bro, ano ba? Makikipag kaibigan na ako, kami ni Rosé, pero kung joke lang to, pwede niyo akong sabihan ng HAPPY APRIL FOOLS kahit June na ngayon! " papalapit na ang mga lalake at nakita kong umakto ng sasapakin ng martilyo ang ulo si Jameson kaya dumapa ako at pumikit " LORD! PATAWAD! PAGKA'T AKO'Y MAKASALANAN ! MAKASALANANG NILALANG🎶" inulit ulit ko ang kanta hanggang sa nawala na ang ingay ng paligid , dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nakit kong nakatayo parin si Rizal este si Jameson pero halos lumuwa ang mata ko nung makita ko ang mga lalake kanina na nakahandusay at walang malay! " Aahhhhhhhh!!!! andaming patay!!!! T__T anong ginawa mo? Ba't ka nakatayo lang diyan? p~panong? " tumingin ako ulit sa gawi niya at nakita ko ang malapad niyang ngiti "anong tinira mo ha? Gago ka ba? Pagkatapos mong patayin yung mga taong to? Ngingiti ka lang ng ganyan? tao ka ba ha? Alien? Assassin? Pirata? " sabay hiningal ako sa pinagsasabi ko at sa wakas nagsalita naman siya " kalimutan mo na itong nangyari, hindi sila patay, pero malapit narin, kung tinuluyan ka nila," ani niya at biglang naglakad papalayo "HOOYY! tangina! Hintayin mo kong abnoy ka! Pano kung may pulis? Makukulong ka! Makukulong tayo! Ayokong makulong bro! " pag aalala ko pero sumunod narin ako sa gawi niya " teka? Nag promise ka diba? Makikipag kaibigan ka na sakin? Kayo ni Rosé? Wala ng bawi an yun ah? Promise is promise!" yun ang huli niyang sinabi bago siya sumakay ng kotse niya, naiwan naman akong tulala at di makapaniwala sa nangyari, naalala ko naman na andito pa pala ako sa skwelahan namin at yung mga lalakeng nawalan ng malay, kaya nataranta ako at mabilis pa sa alas kwartong tumakbo pa labas ng campus para umuwi.
YOU ARE READING
A lifetime Contract
Romancenames, characters , events and etc. are all created from the writers imagination. Credits to the owner of pictures (@pangkangaroo) (first pic edit for Lisa and 3rd pic edit for Jisoo) that have been used for the story cover. This story is created fo...