CHAPTER 02: COURTING HER

0 0 0
                                    

KEIN'S PoV

Isang matamis na ngiti ang kusang gumuhit sa aking mga labi. She's very nice, she's sweet--- What the hell am I thinking?!

Bumangon na ako mula sa malambot kong kama. Lumapit ako sa aking walk-in closet. I can't remove this freaking smile on my face. What the hell is going on?!

Nang matapos na akong maligo at mag ayos-- akala niyo babae lang nag-aayos? Aba! Mga lalaki din noh! Anong akala niyo sa gwapong tulad ko? Hindi nag-e- exist sa earth?

Nagsabi na ako sa mga kasambahay namin na papasok na ako. Ibinilin ko na din ng mabuti itong bahay. Simula ng bata pa ako, laging wala ang mom ko dito dahil sa business ni Lolo na ipinamana sa kaniya.

Ang hirap maging mayaman, hayst! -,-
Madaming gustong yumaman, pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pang maging mahirap

Nang marating ko ang parking lot ng school, ay agad akong bumaba. Kinuha ko na ang gamit ko pati ang Jersey na susuotin ko ngayon.

"Tanghali ka na, Kein!" Bulyaw ni Frost sa akin. He's one of my basketball team mate. May itsura din tong tukmol na 'to, pero siyempre hindi ako papayag kaya.. Mas gwapo pa din ako.

Masanay na kayo, dahil gwapo naman talaga ako. Hahahahaha! *evil laugh*

"Siraulo! Ang aga pa Frost!" Pasigaw ko ding tugon.

"Hoy, Kein! Ang mga gwapong tulad ko hindi sinisigawan, isinasayaw 'yan!" Malakas din ang hangin ng isang 'to.

Hindi kami magkaibigan ng Ugok na 'to, dahil ayaw niya ng kaibigan. Sadyang gwapo lang ako kaya maraming kumakausap sa'kin.

"Mamatay kang nananaginip, Frost!" Singhal ko sa kaniya bago ako umalis.

"Kanina ka pa hinahanap ni Sir. Hindi ka nanaman on time." Ano namang pakialam ko? Ang mga pogi dapaglt ang hinihintay, at hindi pinaghihintay.

Dumiretso ako sa Gymnasium para puntahan ang ibang team mates, ngunit madadaanan muna ang locker room.

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti ng lihim, ang ganda talaga ni Xiantal. Lalo na kagabi, sobrang saya ko dahil pumayag siyang ligawan ko siya. Mabait naman siya, mahinhin at higit sa lahat, walang arte. "Sana all, hindi maarte." I whispered.

[Flashback]

"May gusto ka pa bang kainin, Xiantal? Gusto mo bang mag take out?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Nah, ayaw ko na. Salamat nga pala sa dinner, Kein pero para saan ang lahat ng 'to?" Tanong niya at sandaling pinasadahan ng tingin ang paligid.

"Gusto sana kitang tanungin kung maaari ba akong umakyat ng ligaw sa'yo?" Kinakabahang wika ko. Napansin ko ding namumula ang mukha niya kaya lihim akong napa ngiti sa aking isip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love is so StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon