CHAPTER: 01 THE START

0 0 0
                                    

XIANTAL's PoV

Pakiramdam ko ay tinatamad ako ngayong pumasok. Kanina pa ako gising ngunig ayaw parin bumangon ng katawan ko.

Si Lexi lang ang kasama ko dito sa bahay. Wala na akong mom and dad, they died in car accident that's why si kuya Darius Lash na ang tumatayong ama at ina sa akin.

Nasa Japan si kuya Lash ngayon, dahil doon naiwan nina mommy at daddy ang business nila. Tutal, si kuya pa lang ang tapos sa pag-aaral ay siya muna ang uma-asikaso dito.

"Xiantal! Hindi ka pa ba gumigising? May exam tayo ngayon, mal-late na tayo." Nadinig kong sambit ni Lexi sa labas ng kwarto ko.

Pinayagan siyang magsarili ng kaniyang mga magulang para sanayin niya ang sarili niya ng hindi umaasa sa kaniyang mga magulang.

We have our own business, it's just a Coffee shop. Kami ang parehong may gusto niyon, doon kami kumukuha ng pang baon at sa lahat ng kailangan namin.

Sa una ay hindi madali, dahil bago pa lamang. Noong tumagal-tagal ang coffee shop namin ay pumapatok naman ito. Nahihirapan lang kaming pagsabayin ang pag-aaral at ang coffee shop.

"Yeah, maliligo lang ako sandali!" Hiyaw ko mula sa higaan ko. Ginawa ko na ang daily routine ko. Hindi na din ako pumasok dahil sobrang tinatamad talaga ako.

"Bakit naman tanghali ka na nagising teh?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

'Hindi naman ako tinanghali ng gising, tinatamad lang talaga ako katawan kong bumangon.'

Iyon ang nais kong sabihin sa kaniya ngunit huwag na lamang.

"Ah wala, nag review lang ako para sa exam natin. Mahirap pag bumagsak tayo, last year na natin 'to."

"Well, kung sa bagay.. Ayaw ko din namang bumagsak ka. Tara, bilisan na natin baka ma late pa tayo."

Kinuha ko ang headset ko, at isinuksok ko ito sa cellphone ko. Tahimik lamang akong nakikinig sa paborito kong kanta.

[Now playing: Kanta ng single by ShelaMaris]

Ako nalang ba ang naghihintay
Ng may dumating saking buhay
Lahat sila pamilya o barkada
Nagtatanong kailan

Ang sabi nila hindi masyado akong pihikan
Pero di naman ayoko lang ng madalian
Di rin naman kailangan pang mambola
Basta magpakatotoo lang

"Hoy, naririnig mo ba ako?!" Sigaw ni Lexi sa akin.

"Oo naman Ashrein Lexi Deux. Hindi ako bingi noh!" Pagsisinungaling ko. Sa katunayan, wala akong narinig sa kahit ano.

Love is so StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon