Chapter 10

7.8K 151 2
                                    

FRANCINE'S POV

A-anong.........Ilang minuto akong natulala. Unti unti niyang nilayo ang mukha niya sakin at kita ko ang pagngisi niya. Di ako makapaniwala sa ginawa nya. H-hinalikan nya ako! Sa labi! Tumawa siya kaya natauhan ako bigla.

"Hahahahahaha! Nakakatawa talaga ang mukha mo! Hahahaha!"

"Ikawww!!!"mariin akong pumikit dahil hindi ko mapigilang magalit. Ang lakas ng loob niyang halikan ako! Sinira niya ang pangako ko sa sarili ko. Ang unang halik ko ay dapat magaganap sa simbahan pero dahil sa letcheng lalaking yun.......naku! Papatayin ko na talaga siya. Kumuha ako ng pamalo sa tabi ng kama ko. Buti laging may baston sa kwarto ko.   Talagang sinusubukan mo ako ha? 

"U-uy! Para saan yan?!"sabi nya. Hindi ko sya pinansin. Nakatingin lang ako sa kanya. Kita sa mukha niya ang takot at paglunok niya.

"Alam mo dahil sa ginawa mo may parusa ka."mahinahong sabi ko. Nakita ko naman syang pinagpapawisan. 

"Any last words?"nakangiting sabi ko. Ngiting demonyo. Bwahahaha! 

"M-mukang seryoso ka sa sinabi mo ah. Hehehe"

"Talaga. Tinutupad ko ang mga sinasabi ko."sabi ko habang tinitingnan ang baston na hawak ko. Tumingin ako ng mabilis sa kanya. 

"HAYUP KA!!!!!!!"sabi ko. Hanggang sa pinaghahampas at pinagbabatukan ko sya. Nararapat sayo yan!

"Anong karapatan mong halikan ako?!! Manyak ka! Bastos ka! Lintek ka!!!"sunod sunod na sabi ko.

"Tama na! Masakit! Aray!"daing niya sa mga hampas ko. Pinaghahampas ko siya sa braso at tagilira.

"Alam mo bang sinira mo ang pangako ko sa sarili ko?! Ha?!"

"Aray! Sorry na! Ano ba!"sabi niya saka mabilis na hinawakan ang baston at ang kabilang braso ko.

"Kung anong pangako na yun,sorry. Ang sakit kaya ng sampal mo kaya hinalikan kita para tumigil ka."sabi pa niya. Hindi parin maalis ang inis ko sa kanya.

"Umuwi ka na nga. Baka masira ko pa ang pagmumukha mo!"sigaw ko. Inayos niya ang damit niya at lumabas naman sya sa kwarto ko. Narinig ko ang pagpapaalam niya kay Inay.

"Argh!!! Anong naisip nun at hinalikan ako?? Baliw talaga!"pumasok sa kwarto ko si Inay at lumapit sakin.

"Anak,ano bang nangyari sa inyo? Nagising ako dahil naririnig kitang nasigaw."sabi ni Inay. Umupo ako sa kama.

"Naiinis ako kay Ralph. Hays! Baliw talaga yun!"

"Bakit? May nangyari ba?"napatingin naman ako kay Inay.

"Inay! Anong ngini-ngiti nyo dyan?"sabi ko. Nakangiti kasi siya sakin. Parang nang-aasar.

"Ikaw talaga oh! Bakit ka namumula,anak?"

"Eh?"pumunta ako sa kabinet ko na may salamin at tiningnan ang sarili. Hala! Bakit ang pula ng mukha ko?!

"Mukhang may nangyari na maganda,anak."biro sakin ni Inay.

"Inay naman!"tumawa lang siya at lumabas ng kwarto. Aish! Nakakainis!

RALPH'S POV

"Aray! Dahan dahan lang,insan."sabi ko habang ginagamot ni Andrea ang mga pasa sa katawan ko. Grabe! Ang dami kong pasa. Ang sakit talaga nung mambugbog. Tinuktukan ako ni Andrea sa noo.

"Ikaw naman kase. Kung hindi mo sya hinalikan, hindi yan mangyayare sayo. Kasalanan mo rin."sabi niya.

Pagkadating ko sa bahay, nakaramdam ako ng sakit ng katawan. Nung naligo ako,nakita kong may mga pasa ako kaya saktong dumating si Andrea ay pinagamot ko sa kanya ang mga pasa ko at kinuwento ko sa kanya ang nangyari.

"Di ko nga alam kung bakit ko yun nagawa. Ka ingay ingay nya kase. Ayaw tumahimik! Atsaka yung sampalin ako ng tatlong beses. Hindi tuloy ako makakapasok sa trabaho. Gawa nito. "Sabi ko.

"Hahahaha! Napakasadista talaga ni Francine. Buti nga sayo at napala mo yan."sabi niya. Inismiran ko lang siya at sinamaan ng tingin.

"Hindi lang sadista! Bungangera pa!"tumawa naman siya sa sinabi ko. Nagbihis na ako ng damit matapos akong gamutin ni insan. Hays! Hindi ko mapigilang mapadaing sa sakit. Ang tigas pa naman ng baston na pinanghampas sakin.

"Matanong lang kita,Ralph. Kaibigan mo lang ba talaga si Francine?"napatingin ako bigla kay Andrea na abala sa paglagay ng mga ginamit niya sa kahon.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Kagabi kasi. Kita ko sa mukha mo kung paano ka nagalit nung makita mong may kasama si Francine na ibang lalaki. Kita ko kung paano kumiyom ang kamay mo. "Paliwanag sa akin ni ate. Natahimik ako bigla. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis nung makita ko siyang may kausap na lalaki. Pero mas tumindi yung inis ko nung bastusin niya si Francine. Nandilim ang paningin ko nun.

Halos isang buwan kalhati na rin kaming magkakilala ni Francine. Isang buwan at kalhati na rin kaming nagbabangayan,nag aaway, at nagkukulitan. Pero sa mga buwsn at araw na iyon,unti unti ko siyang nakikilala. Napangiti ako bigla. 

"Mukang inlove ka kay Francine. Kita ko kung paano ka natulala kay Francine nung dumating sya sa party. Atsaka panay ang sulyap mo sa kanya. Ikaw ha."sabi niya saka ako tinapik sa balikat.

"Kung sabagay,maganda si Francine. Simple lang. Kahit may pagkasadista at mabait sya."sabi pa niya. Inaamin ko na maganda siya. Atsaka mabuti siyang anak sa kanyang ina.

Tama si Ate. Kita ko kay Francine kung gaano sya kabait. Sobrang matulungin nya sa tindahan ng Inay nya. Sobrang mapagmahal sya sa pamilya nya. Kahit dalawa lang sila sa bahay. At isa sa nagustuhan ko sa kanya ay matapang siyang babae.

"Tell me, Ralph. May nararamdaman ka ba kay Francine?"nagulat naman ako sa sinabi niya. Napaisip ako.

"Ewan ko. Sa tuwing nakakasama ko sya masaya ako. Para ang sarap nyang asarin lagi kahit na sobrang bungangera sya. Sobrang sipag nya rin. Kita ko kung paano sya magpursigi na magtinda para tulungan ang magulang nya."Tumingin ako kay Andrea. Ngumiti sya sa akin. 

"Hindi ko pa masasabi kung ano itong nararamdaman ko. Hindi ako sigurado. Atsaka humahanga ako sa kanya."

"Pero........sa tagal niyo nang magkakilala at magkasama. May nararamdaman ka ba sa kanya?"ngumiti ako sa kanya.

"Kapag ba nakaramdam ako ng inis o selos.........gusto o mahal ko na ba siya?"tanong ko.

"Ewan ko lang. Pero yun ang nagiging basehan ng tao para malaman niyang mahal niya ang isang tao. O di kaya kapag gusto ang isang tao."

Sumandal ako sa sofa at tumingin sa itaas. Hindi ko alam. Pero nung hinalikan ko siya,nakaramdam ako ng kakaiba. Parang kinuryente ako ng lumapat ang labi ko sa labi niya. Bumilis rin bigla ang puso ko.

"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko,Andrea."

The tindera is the president's wife|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon