Chapter 1- Introduction

69 2 1
                                    

Erika Marchesa Oliveros, yan ang pangalan ko. Tinaguring isa sa pinakamayaman at well known ang pangalan na Oliveros sa Pilipinas, ang Dad ko ay ang may ari ng Phoenix Gillete Comapany at ang Mom ko naman ay may ari ng Madonna Designer Brands.

Madaming tao ang gusto ng ganitong klaseng buhay, mayaman at maginhawang buhay. hindi mo na kailangan magpakahirap para makuha mo ang gusto mo no?

Well ibahin mo ang pamilya ko, hindi dahil mayaman kami ay pwede ka nang magpahinga at mag shopping araw araw, ang normal na araw ko ay magising, magayos at magreview at practice.

Review, Piano, Review, Piano.

Ang gusto ng pamilya ko ay maging isang doctor ako, at famous pianist sa buong mundo. 

Pero ang gusto ko lang naman ay maging isang writer eh, at sabayan mo na ng isang restaurant.

Pero sino ako para suwayin sila? binigay nila ang lahat ng kailangan ko at kung yun ang magpapasaya sakanila ay yun ang gagawin ko.














“Hoy baboy!tumayo ka nga diyan!”

Napatingin ako kay Earl nung sinabi niya iyon, “Hoy ka din, huwag mo tatawagin si Andrea ng ganon!” ang naiinis ko’ng sabi na kapatid ko,bago pa magsimula ang away namin dalawa ay hinarangan na ni Andrea si Earl.

“ Tama na yan, okay lang yun Erika sanay na ako. ” ang mahinhing sabi ni An, si Andrea ang kababatang kaibigan ko, sabi pa ng parents ko hindi mo kami mapaghihiwalay. at ang nakakainis ko’ng kapatid na parating nambubully ay si Earl.

Nangirap si Earl at umupo balik sa sofa, kanina pa kami naghihintay sa 3 pa naming kaibigan. pupunta kami sa mall para bumili ng mga gamit para sa upcoming project.

“My God Cassie!ang tagal mo naman maglakad!”

Napatingin kami sa ingay, at nakita namin si Cassie at Marga na nagaaway, hindi na nakakagulat yan. sila naman ang Moondragun na magkakapatid, parehong matalino at mayaman, unfortunetely hindi sila nagkakasundo.

“ Pwede ba Marga, tinatakbuhan mo ako eh. ”

“ Oh cmon Cassie, huwag ka nang magplay ng victim, its obvious naman you lost to me. ”

“ Tumahimik na nga kayo, asan na ba si Liam?” ang sabi ni Earl na parang inaantok na, sa pagsabi ni niyon ay sabay na pumasok si Liam.

Si Liam ang rebellious but handsome na student, mabait naman siya sa mga kaibigan niya bastat huwag mo siyang iinisin.

“ Sige bagalan mo pa, tara na nga asan na yung van?” tumayo si Earl at naglakad papuntang garahe, sumunod sila sakanya pero dumiretsyo ako kay Taffy.

“ Hey cutie, aalis kami ah, mabilis lang. magpakabait ka ah?” ang malambing ko’ng sabi sa pomeranian ko’ng aso. pagkatapos ko’ng kausapin ng parang baliw na tao si Taffy ay binitbit ko ang paborito ko’ng bag at pumunta na sa garahe.

“ Ay nako ang swerte mo, grabeng init dito kanina. ” ang sabi ni Marga sakin, tumabi ako sa harapan kasama si Earl na magdridrive. on a vacation ngayon yung mga kasambahay namin, deserve nila yun dahil parating malinis yung bahay.

“ So, saan tayo?” ang tanong ni Liam samin, “ Sa Cherry?merong National Bookstore don. ” Sagot ni Cassie, huminga ng malalim si Marga at humarap sa kapatid niya.

“ My God Cassie, sa Cherry lang?mas okay pa kung sinabi mo SM. pero para sakin gusto ko sa Ayala, o boys?” ang sabi ni Marga, tinaas ni Andrea ang kamay niya. “ Actually okay lang naman kahit sa Cherry lang, pero yung sa Ayala pwede naman din. ”

“ See?even An agrees, its settled, Ayala tayo pupunta. ”

“ Hay sige na nga, okay na ba yun Erika? ” tumingin sakin yung kapatid ko habang naghihintay ng sagot. 

“ Sure, paborito ko naman don eh. ” ang sagot ko sakanya.













“ Punta na tayo sa National?” ang tanong ni Liam, “ Huh?no way, stress later, fun first. may nakita akong mga designer na shops dito, alam mo ba Rika?” Hinawakan ni Marga ang kamay ko habang palayo kami sa grupo.

“ Pag mag 2 na magkita kita tayo sa National ah. ” Sabi ni Liam samin, hindi na tumingin pabalik si Marga at tuloyan nang hinila ako papalayo sa grupo. “ Well may alam ako, Gucci, Chanel, Louis- ”

“ May Louis Vitton dito?!” sigaw ni Marga, natawa ako sa reaction niya, Louis lover itong kaibigan ko. pareho kaming may gusto sa fashion. mostly Louis sakanya pero more on Chanel at Hermes ako, isama mo na din ang Gucci.

“ Nakita mi naman yung bago nilang release? yung Red Velvet Ice Cream design? my God Erika! bilisan natin baka ma out of stock na!” ang sabi niya sakin, “ Nasa 3rd floor yun eh, ” ang sagot ko sakanya, hinila niya ako papunta sa elevator.

“ Pwede mo din bilhin yung bagong design ng Gucci. ” sabi niya sakin habang papasok sa elevator.

“ Actually, may ipon ako para sa limited edition na bag sa Chanel, regalo ko para kay An para sa upcoming birthday niya. ”

“ Ay oo nga, even though she’s annoying she still supports me with my activities, not like my parents. ” biglang nalungkot si Marga sa pagbangit sa parents niya. ginagawa ni Marga ang lahat ng kaya niya para maging proud ang parents niya pero sabi niya saakin na they don’t appreciate her.

“ They’re just busy Marges, they love you but they don’t have time to show that. lahat ng ginagawa nila para sayo. ” ang sabi ko sakanya, ngumiti siya sakin at pinakita ang maganda niyang ngiti.

“ Kaya sayo ako eh, tara na nga. ” Ang nakangiting sabi ni Marga at sabay kaming lumabas ng elevator.











                                ***

Hilo hilo sa inyo, first story ko po ito at sana suportahan niyo ako, don’t be shy to leave comments o kaya critics kasi makakapagimprove yun sa story ko at baka maging close pa tayo, sorry kung may mga typos din.
kita niyo naman na kasama si Marga at Cassie dito nyahahahaha Kadenang Ginto fan here. everything in this story is purely just my imagination.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Number One:Book 1Where stories live. Discover now