Chapter 5 Bad Trip

92 3 1
                                    

Chapter 5 BadTrip

A/N: Salamat kay Miss Heidi Kellen sa pagpapahiram ng iyong laptop utang ko sa iyo ang UD na ito, wahahahaha….. Mamatz talaga. Well everyone i-promote ko na rin yung gawa ni Miss Heidi na My Beautiful Mess… eto na talaga Enjoy this UD. READ, COMMENT, VOTE, AND BE A FAN.

Irvette on the right side…..

“Welcome!”

Dwight’s POV

Bad trip.. Bad trip.. Bad trip..

Bakit sa harapan ko pa? Bakit! Ouch author, puwede namang yung cottage kung saan naroon ako eh sana nasa likod na lang nila bakit sa harapan ko pa?! ano ‘to? Face to face? Sawsawero ako ganun? Mud naman author uy hear my complaints ako dapat anf gumagawa nun kay Adelle at hindi ‘yung bagitong instructor na yan! Kasi naman dear author pahapyaw lang mgamoments ko eh si Duff since Book 1 may moment na sa mhal kong Adelle. Daya.

Gusto mo si Duff na lang gawin kong leading man ni Adelle?

Si author hindi na mabiro oh. Hehehehe sige aayusin ko na ang POV ko.

Good.

Ayan tuloy pati ang author dinamay ko sa inis ko. Haist. Bakit kasi may papunas-punaspang nalalaman puwede namang tinuro niya na lang kung saan yung dumi at si Adelle na lang ang nagpunas, hindi eh baliktad joe. Tama kayo selos ako. Doon sa mga others na ganito ang hitsura (0_0), kasama ako doon. Bad trip talaga nawalan tuloy ako ng ganamg mag meryenda.

Walk-out ang drama ko.

Nagpunta ako sa haunted gazebo (Book 1 remember?) at doon ko binuhos ang ka-badtripan ko sa buhay

“Bwiset!” sabay sipa sa mga bato.

“KAINIS! AKO DAPAT ‘YUN AKO DAPAT!”

Psst… Dwight!

“Ano?!”

Ngek wala palang tao, minumulto nab a ako? Relax muna kailangan maging alert.

Psst… Dwight!

Ayan na naman. S#!t! haunted talaga ang lugar na ‘to.

Dwight gagi, inner self mo ‘to, ang adagio mo naman.

“Huh? Don’t screw with me!”

Ay ang kulit, ako ikaw at ikaw ako inner self nga di ba? Paulit-ulit unli?

“Argh!” naihilamos ko nga mga kamay ko sa aking mukha. “I think I’m insane.”

Tingin niyo rin noh? Sino ba naman ang may matinong pag-iisip ang makikipag-sagutan sa hangin? Ako lang si Dwight ang ganun kaya it’s more fun to be with Dwight than Duff, Adelle.

“(sighs) What should I do to make you fall for me too?” Pagkausap ko sa aking sarili.

Dwight guwapo ka, mayaman, mabait, maunawain at higit sa lahat ikaw ang first kiss ni Adelle! Kahit sa cheeks lang.

“Oo nga noh? Now I know inner self nga kita.”

(Minsan nakakahawa lang ang pagka-slow ni Adelle. –setsunamidori)

Kailangan ko nang kumilos habang maaga, hindi ‘yung puro si Duff ang bida, dapat ako rin. Ako ang bida extra lang siya. Bwahahahaha! Kailangan simulan ko ng suyuin si Adelle.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Adelle’s POV

Uwian na pero ‘di pa rin mawala ang ngiti ko sa  labi. Pa’no ba naman kasi punasan ba naman ng crush mo ang bibig mo, tsaka bigyan ka ng uber sa uber sweet smile pagkatapos? Hindi ba wagi?

“Nakakatakot si Adelle today, parang anytime pupuwedeng mangagat.” Puna ni Marge.

“May rabies pa naman yan.” Ika ni Rayne.

“Inggit lang kayo.”

“Wuu!!! Hanep nakasama lang si Sir Duff eh.” Kantiyaw ni Zena.

“Hihihi ta~mah. Ang saya ng araw ko.”

“May fafa na parating.” Biglang sabi ni Jasse.

Si Dwight.

True guwapo rin naman ito tsaka cute gaya ko. Kaya nga best friends kami eh.

Mostly ang magkakamukha, sila pa ang nagkakatuluyan.

Saan galling ‘yun? Never mind.

“Hi D.”

“Hello neighbor. Sabay na tayong umuwi?”

“Sige bah. Tara na girls.”

“Nope.” --- Diyosales

“Huh?”

“You go ahead iba-iba kasi ang lakad natin today eh.” Sagot ni Karylle.

“Mag-enjoy kayo! Dwight ingatan mo si Adelle!” Bilin naman ni Sharlie.

Naks kina-career na ni Sharlie ang pagiging mother figure sa kanila. Parang pinabibigay na nila ako ah.

Dwight’s POV

Oo naman iingatan ko siya, she’s my life after all. Oh ha, cheesy.

First step HHWW. I did it flawlessly.

“Takot kang mawala?”

Geh! Adik ‘tong si Adelle oo. Hindi ko na lang pinansin.

“Oo nga pala kakabalik mo lang galling ibang bansa siguro takot kang mawala noh? Hehehehe.”

Ayt. Ang galling gumawa ng conclusion ni neighbor.

Second step. Akbay.

Inakbayan ko nga. Hmmmm… Bango ni Adelle. Hihihihi.

“Nilalamig ka? Abnormal ka naman Dwight ang init-init kaya.”

Nagsalita ang hindi abnormal. Hindi ko napigilang tumawa.

“Ang slow mo talaga kahit kalian. Hahaha.” Sabay pisil sa ilong ni Adelle.

“Aray!”

“Yuck Adelle ang oily ng ilong mo, puwede ng pagprituhan ng itlog oh.”

“Tse! Punasan ko na nga.”

Teka parang pamilyar ‘yung panyo. “Iyo ba yan?”

“Ito? Hindi kay Sir Duff ito binigay niya sa akin *singhot *singhot ang bango nga eh parang siya lang din. Amuyin mo rin oh.”

Asa! Lakas man-bad trip ni karibal, buong maghapon ay. Naku bitter na kung bitter.

“Okay ka lang D?”

“Wala ‘to. Sakay na tayo?”

Ayun hanggang sa pag-uwi bad trip ako. Kainis na amerikanong hilaw, ay Briton pala. Kainis na britong hilaw. Amph!

PD Series BOOK 3 Silent Prayer (END)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon