Prologue

180 3 1
                                    

Adelle dela Vega ulit....

“Mommy, dito na  po tayo titira?”

“Oo anak. Be a good boy okay? Para marami ma-gain na new friends.”

“Opo!”

Ako po si Dwight C. Hernandez, 5 years old bagong lipat kami rito sa Plum Village, dito na kasi magtatrabaho sina Mommy at Daddy. Excited na akong magkaroon ng bagong friends.. ^_^

A week later..

Wala pa rin akong new friends. Hay. Summer vacation pa naman din ang sarap maglaro. Nang biglang may sumigaw……

“Ibalik niyo sa akin yan!”

“Ayaw! Sa amin na ‘tong manika mo, ipapakain namin sa mga bangus diyan sa palaisdaan. Bwahahaha.”

“Isusumbong kita sa Papa ko.”

“Eh di isumbong mo dalem(sumbungera/sumbungero).”

Hindi nakatiis ang batang si Dwight, lumabas ito sa kanyang “hide-out/silong ng manga”.

“Damulag!ibalik mo yan!”

“Nisino na ikaw?”

Matangkad ako ng konti kumpara sa mga kaedad ko, hindi ako payat o matabang bata kumbaga tamang-tama lang. macho.. hehehe.

“Ako si Dwight.” Sapilitang kinuha ng batang si Dwight ang manika dun sa bully. Papalag pa sana si bully kaso inumbangan ni Dwight ng suntok. “Angal ka? Alis na kung hindi suntok talaga kita.”

“AAAHHHHH!!!” Siagw ng mga bully. Umiiyak pa rin si little girl sa sulok. Iniabot ko sa kanya ang manika niya. Si bubbles ng powerpuff girls.

“Heto oh.”

*singhot *singhot  “T-Thank you Kuya. *singhot .”

“Uy hindi ako Kuya 5 years old lang ako.” Sabay pakita ng limang maliliit na daliri.

“Eh bakit nitangkad mo?”

“Mana kay Daddy. Huwag na ikaw iyak pinalayas ko na mga damulag.”

(*^_^*)

Ngumiti na si little girl at nagblush pa. Ang kyut.

“Ako nga pala si Adelle M. dela Vega.”

“Dwight C. Hernandez.”

Nagkamayan sila.

“Ay eto oh bigay ko na sa iyo.” Inabutan ako ni little girl ng isang pirasong frutos, sampalok flavor…

“Salamat ha.”

R-R-RINGGGGGGG…….

Nagising si Dwight mula sa kanyang panaginip. Same dream again. Premonition ba iyon ng muling pagkikita nila ni Adelle? Hmmm…. Adelle. Ang kanyang long time crush na ngayon ay love na niya.. Napangiti siya nang maalala ang panaginip, that’s their very first encounter. Sa maniwala man kayo o hindi ‘yung balat ng frutos na bigay ni Adelle ay nasa pangangalaga pa rin ni Dwight. Totoo ‘yun pina-frame ko pa nga iyon dahil iyon ang unang binigay sa akin ni Adelle.  Adik no?

7 years ago lumipad kami papuntang Stockholm, Sweden at doon tumira. But now we’re going back to the Philippines for good. Excited na akong makita ang babaeng nilaan ng Diyos para sa akin. Hintayin mo ako Adelle!

PD Series BOOK 3 Silent Prayer (END)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon