12| narration

133 11 3
                                    

Jiyeon

Masaya ako. Sobrang nagcra-crave ako sa belgian waffles at iced coffee ngayon kaya tuwang tuwa ako ng bilhan ako ni Jeonghan ng mga 'toh. Naeexcite naman ako sa mga pwede ko pang gawin kay Jeonghan. Paniguradong susunod sa akin 'yon.

"bakit ka dinalhan ni jeonghan ng mga ganyan?.." naupo sa tabi ko si Nayeon. "don't tell me, boyfriend mo siya.." nasamid naman ako sa sinabi ni Nayeon. Bwiset, kadiri.

"baka alipin.." bulong ko. Pasalamat si Jeonghan, loyal ako sa mga pangako ko. Hindi ko sasabihin kahit kanino yung sikreto niya.

"ano?." tanong niya.

umiling lang ako  "wala yon, tsaka di ko sya boyfriend noh?  kadiri. may atrasto lang talaga siya sa akin kaya niya ako binilhan ng mga ganito.." tumango naman siya. Dumating na yung teacher namin at nag-turo na. Syempre, di ako nakinig.

Medyo late na nagpa-dismiss yung teacher namin kaya nagmamadali kami ngayon ni Nayeon na pumunta sa canteen. Paniguradong ang dami nanamang tao niyan. Bakit ba kasi ang hilig ng teacher namin na mag-extend, alam naman niyang lunch sunod sa subject niya.

"nakaka-urat kasi yong si ma'am, gutom na gutom na ako..' reklamo ko habang hinihili ako ni Nayeon papunta sa canteen. As expected, ang daming tao.

"shet, mukhang wala na tayong mauupuan.." naka-simangot na sabi ni Nayeon. Potek na yan, gutom na ako. Inilibot lang namin ang tingin namin pero wala pa rin kaming makitang uupuan. Puno na yung canteen. Ang haba din ng pila kaya mukhang imposibleng maka-kain kami.

"paano yan? paano tayo makakakain?.." mygoodness, suko na ako sa buhay ko.

"tara na nga, uwian na lang tayo kumain.." malungkot na sabi ni Nayeon. Aalis na sana kami ng may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito at nagulat ako ng makita si Seungcheol at Jeonghan na nakatayo sa harap namin. May hawak silang tray ng pagkain.

"problema niyo?.."tanong ko. Ngumiti si Seungcheol sa amin.

"mukhang di pa kayo nakaka-order eh, so nag-order na kami para sa inyo.." kumindat pa siya. lah? pakboy. "tara dito, may naka-reserve na tables para sa inyo.." sinundan namin sila. Inilapag nila yung tray ng makarating kami.

"kumain na kayo.." nakangiting sabi ni Jeonghan pero halatang pilit yung mga ngiti niya. Hater talaga 'toh.

"salamat ah!" ngumiti si Nayeon. Nag-paalam na rin silang dalawa. Tinignan ko yung pagkaing in-order nila. Kay Nayeon ay beef steak na may kasama pang fries. Sa akin naman ay Sisig na may kasama pang kanin.

"paano niya nalamang sisig ang favorite ko?.." takang tanong ko. Mukhang hindi naman narinig ni Nayeon dahil busy siya sa pag-lamon. Hinayaan ko na lang at kumain na lang din ako. Nag-ring ang cellphone ko at nakitang nag-chat si Jeonghan.

Jeonghan: ayan ah! goodboy ako diba?!?!

Jeonghan: binilhan ko pa kayo ng lunch ni Nayeon

Jeonghan:  diba? ang galing ko? kaya dapat ikaw din ah?! itikom mo yang bibig mo.

Jeonghan: hehe😊😊😊

Napangiti na lang ako. Abnormal talaga 'toh.

cheater \ 2jeongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon