jiyeon's
"ano, tara na?.." tamad akong tumango. Nag-paalam na kami kay kuya, tawang tawa naman ang gago. Ang hirap talaga maging kuya si Youngho, nakaka-ubos ng pasensya.
Naka-suot si Jeonghan ng simpleng polo at pants lang pero potek, bakit ang lakas ng dating niya? Hay naku, ano ba toh? Ako naman, simpleng long sleeved blouse at ripped jeans lang. Effortless kasi maganda naman ako.
Syempre, joke lang yun. Ang kapal ng mukha ko.
Sumakay na kami ng kotse ni Jeonghan. Kita ko naman na malawak siyang naka-ngiti. Pasimple kong inumpog ang ulo ko sa bintana ng kotse. Ayoko talagang gumala ngayon kasi tinatamad ako.
"Bakit mo ba naisipang gumala kasama ko?.." inis na tanong ko sa kaniya. Hindi naman kasi kami ganon ka-close eh. Nakakapanibago lang.
"wala lang, gusto ko lang" simpleng sagot niya.
"tsk, bakit nga ako ang kasama mo? ang dami dami mo kayang kaibigan.."
Natawa lang siya. "kapag kasama kita, nakakalimutan kong may problema ako.." sakto namang may bumusinang truck kaya hindi ko masydong narinig yung sinabi niya.
"ano? nabibingi na ata ako.." tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya.
"wala yon, basta! mag-enjoy ka na lang.." tinapik niya ang balikat ko. Hinayaan ko na lang siya at hindi na nakipagtalo pa. Medyo matagal yung byahe kaya nakatulog ako.
Nagising ako sa mahinang pag-tapik ni Jeonghan sa balikat ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin ang mukha niya. Putangina, ang gwapo niya pala?
"andito na tayo, baka naman pwede ka ng lumabas sa kotse.." inirapan ko na lang siya at tinulak siya ng mahina para mailayo ang mukha niya sa mukha ko.
Lumabas na kami sa kotse niya. Nakita kong nasa isang resort kami. Teka nga? Magswi-swimming ba kami? Hinatak niya ako papasok sa loob ng resort. Agad na mang may nag-assist sa amin.
"Teka nga, nagpa-reserve ka na ba?.." tanong ko sa kaniya. Tumango lang ito at naglakad na. Aba! Boyscout ba 'tong si Jeonghan? Handang handa eh.
Agad kaming sinamahan nung isang staff ng resort, hinatid niya kami sa isang room. "thankyou." sabi ni Jeonghan sa babae, si ate girl naman halatang kinilig. Hala hala, ganon ba talaga ka-gwapo 'tong hambog na 'toh?
Pumasok na kami ni Jeonghan, may dalawang kama sa room at isang kusina, sala at CR. "teka nga, dito tayo matutulog?.."
Aba! Hindi ako prepared 'noh! Ni wala nga akong dalang pang-swimming. Hala, ano ba yan! Hindi nakakaganda ang pagiging di prepared.
"hindi 'noh, isang araw lang tayo dito, hindi pwedeng magpa-gabi, ayaw ni kuya mo.." umupo si Jeonghan sa may kama. Ako naman, umupo na din.
"wala akong pang-swimming hoy.." tinignan ko naman siya. Mukhang chill na chill lang siya. Potek, ako stress na stress dito habang siya parang wala lang.
"bumili na lang tayo.." sabi niya. Tumayo siya sa kama at binuksan yung kurtina, sa labas kitang kita yung buong resort. Ang ganda naman, parang ako lang.
BINABASA MO ANG
cheater \ 2jeong
Rastgelejiyeon: hoy yoon jeonghan! bakit mo kahalikan yung girlfriend ng kuya ko, may relasyon ba kayong dalawa?! twiceteen epistolary: 02 yoon jeonghan x yoo jeongyeon 2019 uwulanes - - - - - - -