Chapter 2

8 0 0
                                    

Nakatayo sa harapan nila tahimik at nakatingin lang saakin. Pinapakinggan at tinitignan bawat pagbuka ng bibig ko.

"u-umm Im Hiiro Takahashi" pagpakilala ko sa kanila sa harapan nila

"Take your seat Takahashi, and the we start our class in 15minutes" umalis na si Mr. Kabayashi sa table nya at lumabas

"Yo" sabay tapik sa braso ko.

"Akiyama Izumi" sabay pagalok nya ng kamay saakin.

Hinawakan ko ito at nakipag kamay sa kanya.

"Ako ang Class President class 3 sana maging popular ka saakin" sabay bitaw sa kamay ko at ipinatong ang braso sa likod ng upuan ko.

"Ako naman si Yuuki Saito" pagbabow nito saakin.

"Ako ang Vice President ng Class 3 pwede kitang tulungan at sa mga notes na meron ako" pag ngiti nito saakin.

"Yo!" tinapik niya ng malakas ang likod ko.

Nandee? pagtingin ko sa kanya ang daldal nya.

"Ako nga pala si Haru Takamoto" pagkamot nito sa hulo dahil sa kadaldalan niya.



"Gusto mong sumabay mag Lunch?" pagtanong ng Class president na si Akiyama Izumi.

"Hai Ms. Akiyama" pagsang ayon ko sa kanila. 

"So galing ka palang Tokyo?" pagtatanong saakin ni Izumi.

"Hai" pagsangayon ko.

"Bakit ka lumipat dito?" pagtatanong niya ulit. "mas maganda sa tokyo magaral,magagandang facilities ng eskwelehan"

"Dito kami tumira ng mga lolo ko at naging desisyon din ni tita" pagsagot ko.

"Pangarap kong makapagaral sa Tokyo" paguunat niya habang sinasabi  ito.

Maulan nun at nandun lang ako sa harap ng bintana kung san nagkita kami ni Misaki pero di ko siya nakita sa klase kanina.

"u-umm" rinig ko ang pagbukas ng pinto ng room.

"Misaki" pagharap ko sa kanya. "May kukunin ka ba rito sa room?" pagtatanong ko sa kanya

"Hindi pala kita nakita sa klase kanina s-sabi mo class 3 ka?" pagtatanong ko.

"Hai" pagsagot niya. "Wala kang dalang payong?" tanong nito saakin.

"Hai umm" pagtalikod ko.

"Hiiroo-kun" nagulat siya nung nakita niya nandun si Misaki.

Lumayo siya ng konti kay Misaki at hinila ako palabas ng room.

"hey yuuki-chan" tumigil kami sa pagtakbo nung naroon na kami sa pintuan palabas ng eskwelahan

"Hai?" tanong nito saakin at hingal na hingal dahil sa pagtakbo namin.

"Sino ba talaga si Mei Misaki?" pagtatanong ko.

Gulat siya ng marinig niya ang pangalan na yun.

"Huwag na huwag mong sasabihin ang pangalan na yan sa Class 3!!" pagsigaw niya saakin at sabay humangin ng malakas.

Sabay may nakita akong papalapit na malaking sanga ng puno sa kanya.

Hinila ko siya palayo at sabay pagbasag ng pintuan at nakatusok ang sanga ng puno kung saan nakatayo si Yuuki kanina.

Gulat kaming dalawa sa nangyari at tinignan ako ng madiin ni Yuuki parang binabantaan niya ako kanina.

Ano nga bang meron kay Mei? Bakit nagkakaganun sila at bakit nangyari iyon...


Forever or End? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon