Slipped ( one shot )

5 0 0
                                    

"shena may nakita ako." pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room ayan na agad bubungad sakin.

it's been 2 days bago tayo nagkausap then after non, wala na akong natanggap na kahit anong message mula sayo.

"good news ba yan ha??" i asked. kinukulit ko sya pero she looked away, so obviously i smell something wrong pero ngumiti pa din ako sakanya.

"hmm? bad news siguro hahahahaha" I sat on her desk hudyat para ikwento nya na.

"confirm shena.." kumunot noo ko nang marinig iyon. nagmamaang-maangan pa ako na hindi ko kilala sino yung tinutukoy nya, niloloko ko nanaman sarili ko fuck.

"hindi nya magagawa sa'kin yun ano ba hahahahahahaha.." even my laugh halatang napakapeke na. nilabas nya ang phone nya at mabilis na nagscroll. bigla akong kinabahan kasi may hinala na ako eh.

*scroll*

*scroll*

*scroll*

*scroll*

*scroll*

"this.." sabay pakita ng screenshots. she looked at me na para bang naghihintay ng kung anong magiging reaction ko.

nung una hindi ako makapaniwala kase that man loves me more than i know. pero nung nabasa ko lahat, all of my hopes? biglang naglaho. that moment gusto ko nalang biglang bitawan sya.

lumipas yung dalawang subjects namin pero heto ako nakatingin sa kawalan, pilit pinupunasan at nagpipigil ng luha. buong araw iniisip ko "why did he cheat on me?" na kesyo "am i not enough?" na kung saan ba ako nagkulang, na sana sinabi nalang nya para mapuno ko, baka sakali.. baka sakaling magkaayos kami kapag napunan ko yung kulang..

"shena.." angeline shouted. naglalakad ako ngayon sa corridor nang marinig ko tawag nya. actually she's not alone, she's with macerl and mira.

i smiled at them, "oh nandyan pala kayo.." i looked at angeline, then nagstart na maglakad papalapit sakanila.

"shena sabay kana!" kumunot noo ko nang sinabi nila yan.

"pft akala mo naman talaga" i laughed so loud. seriously? halata namang kinakaawaan nila ako.

"pero sige ba! tara na?" yaya ko sakanila.

heto pinakamadali para saakin sa ngayon, ang magpanggap. magkunwari na okay lang. tumawa na parang wala talaga sakin yun. magkunwari na wala akong pake sakanya, na hindi sya nageexist sa paningin ko.

"gising na nak, papasok ka pa diba?" niyugyog ako ni papa para magising. minulat ko ang mga namamagang mata ko at kinusot "susunod na po..." tamad akong tumayo dahil na rin ang bigat ng pakiramdam ko. parang ayokong pumasok kasi alam ko yung fact na makikita ko sya... makikita nya akong hindi okay. pero ano pa nga ba? wala namang pake yun aysus

huminto na ang tricycle hudyat na nandito na kami sa harap ng school, inabot ko ang barya at bumaba na.

dahan-dahan akong naglalakad ng biglang "hoy ang bagal mo para kang matanda" tinawanan nanaman nya ako. it's marielle, isa sa mga kaibigan ko.

"okay kana ba?" i rolled my eyes at tinignan sya, "malamang, lalake lang yan gaga" binatukan ko sya tsaka na tumakbo. she's furious, "pasalamat ka naalala kong broken ka!!!!" natawa nalang ako at nagtungo na sa room.

i saw him.. nasa gilid sya ng pintuan ng room kasa-kasama nya mga barkada nya. halata namang may pinagkkwentuhan sila. my heart beats triple than the usual. napahinto ako sa paglalakad nang makita ko syang masaya.. naisip ko yung ngiti nya hindi ko na mabigay yan noong kami pa sa sobrang gulo ng sitwasyon kaya ng mawala sya sakin ayoko na magpakaselfish pa. ayoko ng ipagkait sakanya yung sayang hindi nya naranasan sakin.

hindi ko alam kung magpapatuloy ako papunta sa pinto o magsstand by sa cr. napahinga ako ng malalim. napakagat sa ibabang labi, heto nanaman ako.. bakit di ko kaya magawang mapagod sa sitwasyon namin?

napatingin ako sa relo ko nang mapagtanto kong parating na nyan teacher ko. napatingin ako sa salamin na nasa harap ko, i smiled "kaya mo shena." dali-dali akong naglakad, at... nandun pa rin sya

"excuse me" nag-iwas ako ng tingin. narinig ko tawanan ng mga kaibigan nya. napayuko nalang ako sa hiya, gusto ko nalang lamunin bigla ng lupa.

"saan ka ba mabilis babae ka!" narinig ko nalang si marielle na nagsasalita. rason para mawala atensyon nila sakin.

ilang buwan na din ang lumipas at ggraduate na kami!!! bali-balita na nililigawan nya na talaga. i walk slowly dahil na rin sa hangin na humahampas. ginala ko ang mga mata ko nang nahagip sya nito...

he's alone, mag-isa syang nakaupo sa bench. i missed this boy, yung mata nyang lagi akong iniirapan, yung noo nyang laging nakakunot, labi nya na madalas nyang binabasa, yung kamay nya na laging hinahanap ang akin, yung amoy nya, yung galaw nya, miss ko na sya mismo pero wala naman akong magagawa kundi tignan nalang sya sa malayo at isipin lahat ng ginawa nya sakin, isipin mga alaalang ginawa namin pareho, kasi sa puntong 'to, balikan nalang ang mga yun ang kaya ko pero hindi ang ibalik ang tao mismo.

hindi ko namalayang malapit na pala ako sakanya, "nandito ka din pala.." ngumiti sya saakin at napatingin ulit sa malayo. "b-bakit ka mag-isa?" nasa harap nya na ako ngayon. "i'm waiting for her. ikaw? what brings you here?" then he looked at me nang umupo ako. "she's so lucky" sambit ko. hindi ko na nasagot yung tanong nya, ako mismo nagulat sa sinabi ko. "she's so lucky to have a man like you", ulit ko. "ako dapat yan eh. ako dapat hinihintay mo, ako dapat yung swerte kaso..." i look directly into his eyes, "she came" dagdag ko. honestly, garalgal na boses ko at pinipilit ko nalang na tuwid ang pagsasalita ko. this boy knows that i am a strong girl, kaya hindi ako pwedeng umiyak sa harap nya. hindi sya umimik kaya nagpatuloy nalang ako, "i lost myself in the process then i lost you.." napayuko ako. "hindi ko alam.." maagap nyang sagot. "sorry kung naging ganito tayo. sorry kung hindi pa kita ma-let go hanggang ngayon.." hinawakan ko yung kamay nya, this will be the last time i'll hold him this way, the last time i'll be close to him because after this i'll be gone, after this nangako ako sa sarili ko na gi-give up na ako sakanya. "i loved you more than i should. i loved you more than you deserve. but you.. y-you hurt me m-more than i deserve. ang daya mo eh.." i laugh between sobs. "napaka daya mo. nagpromise ka sakin na walang iwanan, na tayo hanggang dulo. ang hirap rin kaya.. ang hirap na tuparin yung promise na yun na ako nalang mag isa. i want to hurt you so bad.." fake smile flashed on my face. "but i cant, kasi uulit-ulitin ko lang sabihin na mahal kita wala na. tanga nanaman ako, martir nanaman ako." kumunot noo nya habang nakikinig, "shena..." pero sinantabi ko yung pagtawag nya sakin. "isipin mo dati i cant stand seeing you from afar pero ngayon kahit malayo okay na ako, kahit malayo basta makita lang kita. isipin mo yun nakuntento ako dun." i pat his shoulder. "kahit ikakawasak ko.. ikalulungkot ko basta ikaaayos mo.. ikasasaya mo magpaparaya ako." tumayo na ako't nilingon sya ulit. hiniling ko 'tong araw na to. yung araw na makikinig lang sya sa confessions ko.

dati lagi akong tinatanong ng mga kaibigan ko kung "paano kapag bumalik nalang sya para sa closure?" at wala akong maisagot sa kanila kasi ang totoo hindi ko alam paano kita titignan ulit na naglalakad ng hindi na papalapit pero papalayo nanaman. ngayon, nasabi ko na sayo mga gusto kong sabihin.

"sorry if i let you slipped.." masakit? yes but i managed to walk away. ito yung pinakamadaling sabihin yet pinakamahirap gawin sa pagmamahal. akala natin ang love puro saya lang, pero hindi natin alam na kakambal nya ang pain. and sometimes in order to grow, we need to let go the person we love the most.

Slipped ( one shot )Where stories live. Discover now