NAKATINGIN ako sa bintana nang mapagtanto kong unti-unti nang pumapatak ang ulan. Narito na naman ang buhos ng dala niyang emosyon. Sa bawat patak ng ulan, ilang milyong emosyon ang katumbas nito. Rain is special and mysterious. Ano nga bang dala nito sa mga tao?
Masaya ang lahat kapag umuulan. Maaaring bumagyo kapag lumakas ang buhos ng ulan at may kasamang malakas na ihip ng hangin. Masayang nagdidiwang ang lahat. Dahil ba suspended ang klase? Siguro nga.
Habang pinagmamasdan ko ang pagpatak ng ulan, bigla na lang akong nalulungkot at naiinis. Others said that they love rain because it brings them into peace. Sapat na para makatakas sa mundo at problema.
But, rain in summer? Masyado namang nakikisawsaw ang ulan sa ganda ng init.
Katulad na lang ng lalaking dumating sa buhay ko. Bigla na lang siyang sumulpot sa mundong ginagalawan ko nang walang paalam. Everything is unexpected.
Katulad ng ulan, bigla-bigla na lang dumarating ng hindi inaasahan.
Ulan. Bakit ba sa tingin ko sobrang misteryoso mo?
Summer but it's raining all of a sudden. Dahil sa ulan, nabasa ako pero dumating ang lalaking sumalba sa malungkot kong mundo. Mahika nga ba ang dala mo?
Summer. Noong taong 2016, biglang umulan at napagtanto ko rin na may gusto ako kay Jayce—ang nag-iisang best friend ko. Isang taon ko na siyang hinahangaan. Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa kaniya. Litong-lito na nga ako sa nararamdaman ko. Sometimes, he's so childish and immature. Sinasapak niya ako kapag sinapak ko siya. Ganoon naman talaga, hindi ba? Kapag tinamaan ka, hindi mo maipaliwanag.
"Ang init-init talaga rito sa Pinas," reklamo ni Jayce na katabi ko ngayon sa sofa. Agad niyang kinuha ang electric fan at itinutok ito sa kaniya. "Umuulan na naman pero Abril pa lang. Ang taas pa rin ng sikat ng araw." Muli akong napatingin sa labas.
Oo nga. Tirik na tirik pa rin ang araw.
"Ginagamit mo na naman ang ulan para palihim mong maitutok ang electric fan sa iyo." I raised the tone of my voice while grabbing my folding fan. Agad ko itong pinaypay sa aking buong katawan. I looked at him and he doesn't care at all. His attention is only on television.
Napalingon ako sa aming T.V. at nakita kong hinalikan na ni Dos si Gab. For the third time, the ending is kissing scene, again. Pangatlong pelikula na namin ito ni Jayce ngayong maghapon at puro kissing scene ang katapusan.
"Ang cringe naman. Kissing scene ang naging katapusan," inis kong wika kay Jayce.
"Ang bitter mo na naman. Ayos lang na naghalikan sila sa katapusan," Jayce replied. He seems so satisfied with the ending.
"Puro kissing scene ang ending na napapanood natin kanina pa," reklamo ko sa kaniya.
"Anong gusto mo? Kasal kaya iyon. Ang sama naman kung hindi hahalikan ng lalaki ang babae sa isang kasal." He seems proud to say those words to me. Talagang pinipilit ni Jayce ang gusto niya.
BINABASA MO ANG
A Summer to Remember (One-shot)
Short StoryBest friend. Falling in love with her best friend, cliché right? Avy doesn't care because it's really happening in reality. Sometimes, the line between best friends and lovers get a little blurry. The sun will come down and the rain will fall. And t...