Chapter 1: Welcome to Smith University

18 0 0
                                    

Belle's POV

"Lady Isabelle, gumising na po kayo. Pinapatawag na po kayo ng inyong Lolo." naalimpungatan ako ng maramdaman kong may yumuyugyog saakin at ginagambala ang aking mahimbing na pagtulog. Unti unti naman akong dumilat at nang Makita ko ang isang maid sa loob ng kwarto ko ay agad ko syang binato ng kung anong madampot ko sa bedside table ko.

Nanlalaki ang mata ko syang sinigawan. "Sinong may sabi sayong pumasok ka dito sa kwarto ko?! Hindi mo ba alam na ayaw na ayaw kong may pumapasok dito sa kwarto ko bukod kay Lolo at kay Yaya Mel?!" nakita ko naman ang mga takot sa mga mata nya. Tsk. Ang lakas lakas ng loob pumasok sa kwarto ko duwag naman pala.

"P-pinapatawag na po kasi kayo ng Lolo nyo." nanginginig na sambit nito. Inirapan ko nalang sya at tuluyan ng bumangon. Nang makita ko na hindi parin sya lumalabas ng kwarto ko at sinamaan ko muna sya ng tingin bago ulit sinigawan bago ako pumasok sa CR.

"What are you still doing in my room?! Leave and don't ever come back to this mansion! You're fired! I. don't. wanna. see. your. face. ever. again." malamig na banta ko dito. Nakita ko pa itong tumakbo papalabas habang umiiyak at tuluyan na akong pumasok sa CR. Tsk. Kahit umiyak pa sya ng dugo sa harap ko hinding hindi ako maaawa sakanya.

Harsh right? But I don't care. Nawalan na ako ng pakialam sa ibang tao magmula nung iniwan nya ako. Dahil sa ginawa nya, para narin syang nawalan ng pakialam saakin. Sya ang dahilan ng lahat kung bakit ako naging ganito. The first man who broke my heart. Dahil sakanya nakalimutan ko na ang salitang pagmamahal.

Pagtapos kong maligo ay lumabas na ako ng CR at nagbihis. Bumaba na agad ako sa dining area at umupo sa paborito kong upuan. Tsk. First day of school pa naman pala ngayon. Narinig kong tumikhim si Lolo.

"Balita ko may pinalayas ka nanaman daw na bagong kasambahay?" naiiling na tanong nito saakin pagkaupo ko. Hindi na bago sakanya na halos araw-araw ay may pinalalayas akong kasambahay dahil sa mga pagkakamali nila. Inirapan ko sya.

"Kasalanan nya din naman kase pumasok sya sa kwarto ko." walang emosyon kong sagot dito. Gulat naman syang napatingin saakin. Alam nya kase na hindi ako nagpapapasok ng kung sino sino sa kwarto ko.

"Ano pumasok sya sa kwarto mo?!" Gulat parin nitong tanong. Tinanguan ko nalang sya. "Ano namang ginawa mo nang makita mo sya sa kwarto mo?" Kalmado na nitong tanong saakin.

Tingnan ko sya saglit at bumalik sa pagkain bago sumagot. "Binato ko sakanya yung alarm clock ko. Yun yung una kong nadampot e." Simpleng sagot ko dito at nagkibit balikat nalang. Napailing naman sya sa sagot ko.

"Sinabi ko sakanya na katukin ka lang. Nagkulang ata ako ng paalala sakanya." Naiiling na sambit nito.

Matapos kong kumain ay tumayo na ko at nagpaalam sakanya. "Pasok na ko." Maikli kong paalam saka pumunta na sa itim kong sports car. Hindi ko na sya hinintay na makasagot at nagtuloy tuloy na.

Bastos alam ko pero nasanay narin ako pati sya simula nung iwan ako ng unang lalaking minahal ko sa buong buhay ko.

Nang makarating ako sa school na pag-aari ng pamilya namin ay pinarada ko na ang sports car ko sa parking lot ng school.

Pagkaparada ko ay bumaba na ko at pumasok na ng school. Pagkapasok ko palang ay lahat na ng mata ay nakatingin sakin. Ang iba ay binabati ako pero di ko pinapasin o kaya naman ay tinitingnan ko lang sila ng walang ekspresyon sa mukha.

Wala akong kaibigan dito sa school na ito dahil lahat sila ay takot saakin. Ang iba'y papalapit palang ngunit nakakatanggap na agad sila ng masama kong tingin kaya bandang huli ay di na sila lumalapit. Ang iba naman ay takot sa nakapalibot na aura saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Love Story With The Badboys (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon