Prologue

23 3 0
                                    

Savannah Gabriella Isabelle Smith's POV

"Baby! Dahan-dahan lang baka madapa ka!" sabi ko sa anak ko na nakikipagtakbuhan sa mga kalaro nito na anak ng mga kaibigan ko. Nandito kaming lahat ngayon sa park at nagpapahangin.

Napangiti ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likuran. "Hayaan mo muna yung anak natin maglaro." dinig kong bulong nito malapit sa tainga ko and kissed me near my forehead. Namula naman ako sa ginawa nya hihi.

"Nako naglalambingan nanaman kayong dalawa dyan! Di ba kayo nagsasawa? HAHAHA" tawa ng isa kong kaibigan na babae. Lalo naman akong namula sa sinabi nito at dahil narin napatingin saamin ang buong barkada. Ang daldal talaga ng babae na yun tsk. Kaya bagay sila ng asawa nya e.

Naramdaman ko namang kumalas na saakin ang aking napakagwapong asawa hihi landi. Nakita kong inakbayan sya nung asawa ng maingay kong kaibigan at may binulong, nakita kong napangisi ang asawa ko. Tsk ano nanaman kayang kalokohan ang naisip ng dalawang yon? Hay nako.

"Bat naman ako magsasawa sa asawa ko? Ang ganda na nga mabait pa. Mapagmahal pa sa pamilya." nakangiting sagot nito sabay akbay saakin. Lalo naman akong namula dahil sa ginawa nya.

"Ang korni mo pre!" asar sakanya ng kaibigan sabay bato ng kung ano. Napatawa naman kami dahil hindi naman ganon ang asawa ko. Kilala itong cold at seryoso. Nakita kong napanguso ang asawa ko kaya nakangiti kong pinisil ang pisngi nito dahil sa sobrang cute. Saakin nya lang pinapakita ang ganyang side nya na yan.

Nagsilapit na silang lahat sa amin at ako naman ang tumawag sa mga anak namin. "Baby! Tawagin mo na ang mga kaibigan mo. Sabihin mong tawag na sila ng mga mommy nila, kakain na tayo at para narin makapagpahinga na kayo sabay uuwi na tayo!" sabi ko sa napakagwapo kong anak. Masungit naman itong tumango sakin at naglakad na papunta sa mga kalaro.

Manang mana talaga sa ugali ng daddy nya at magkamukhang magkamukha din sila. Napailing naman ako sa sariling naisip.

Maya maya lang ay nakita ko na silang papalapit sa amin. Kanya-kanya naman kaming punas ng mga kaibigan kong babae sa mga pawis ng anak naming.
Matapos naming kumaing lahat ay napagpasyahan muna naming magkwentuhan saglit. Kaya eto kami ngayon nagkukwentuhan hanggang sa nagsalita ang anak na babae ng kaibigan ko.

"Can you tell us po ba your love story? How you all end up being together po?" conyong sabi nito. Narinig naman naming nag-tsk ang anak kong masungit sabay sabing "Boring." Sinaman naman sya ng tingin nung batang babae.

Napatawa naman akong ng mahina kaya napatingin saakin ang mga bata. "Bakit po kayo napatawa?" sabi sakin nung anak na lalaki ng isa ko pang kaibigan.

"Naalala ko lang kung paano kaming lahat nagsimula." Sagot ko naman ditto. Napakunot naman ang kanilang mga noo maliban sa mga kaibigan ko na mga nakangiti.

"Magkakaaway po kayo?" tanong nung pamangkin ko. "Hindi lang magkakaaway. Super-duper mortal enemy pa." Natatawa na napapailing na sagot ng mommy nito.

"Pero bandang huli sakin parin pala ang bagsak mo." Nakangising sabi ni Kuya kaya nakatanggap naman sya ng isang malakas na batok sa asawa sabay sabing "Ang kapal ng mukha mo!" napatawa naman kami. Hindi parin talaga sila nagbabago hays.

"Pwede nyo po ba ikwento sa amin simula po simula?" sabi ng anak na lalaki nung isa ko pang kaibigan. Yung anak ko tahimik lang na nakikinig tsk. Manang mana talaga sa tatay.

Tumango ako. "Oo naman pero bago yan umuwi muna tayo sa bahay at dun narin kayo matulog. Sigurado ako na aabutin kayo ng gabi dahil sa haba ng ikukwento naming."

Tumango naman sila at isa isa nang nagpunta sa kani-kanilang sasakyan.

Nang makadating kami sa mansion ay umupo na kami sa sala.

"Ikaw na ang magkwento sakanila ng lahat Belle. Tutal sainyo nagsimula ang lahat" dinig kong sabi ng asawa ng kaibigan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Oo nga. Ikaw na Belle" one of my bestfriends who agreed. Napatingin naman ako sa sawa ko nan g hihingi ng tulong. At inirapan lang ako nito. Tsk. Sinamaan ko sya ng tingin. Humanda ka sakin mamaya. Sabi ko sa isip ko.

Napabuntong hininga nalang ako sabay sabing "All right then. Ala naman na kong magagawa. Nako pagtalaga ako napaos dito humanda kayo saaking lahat." sabay sama sakanila ng tingin. Nakita ko naman na parang natakot sila saakin kaya napangisi ako. Maliban nalang sa asawa ko tsk. Lagot talaga sakin to mamaya.

Eto na sisimulan ko na ang pagkukwento. Goodluck sa boses ko.

Tumikhim na ako. Nakita ko namang naging alerto ang mga bata sa pakikinig pati yung masungit kong anak. Napangiti naman ako sa reaksyon nila. They really want to know how we all end up being together despite that our own groups are mortal enemies.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Mahaba-habang kwentuhan din to.

"Nagsimula ang lahat dito sa mansion...." Nakangiti kong panimula at sinimulan na ang kwento kung paano kaming lahat nagsimulang sampu.

~~~~~~~~~~~~~

Enjoy reading:>

Our Love Story With The Badboys (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon