Chapter 1

95 3 2
                                    

"Chie!"

Umalingawngaw ang sigaw ni Claire nang makita ang kaibigang si Richgale. Nasa tapat ito ng isang coffeeshop sa loob ng mall.

At kausap nito ang mortal na kaaway ng mga magkakaibigan – si Maxine Devereaux.

"Shit," mura ni Claire at agad na inilabas ang cellphone. Tinawagan niya ang kanilang dalawa pang kaibigan – sina Angel at Yuna - na kasama nilang naglibot sa mall.

"Claire?" sagot ni Yuna.

"Si Maxine nandito sa mall! Inaaway si Chie!"

"Ha? Saan? Pupuntahan namin kayo ni Angel!" tarantang sagot ni Yuna.

"Dito sa tapat ng favorite nating coffeeshop! Bilis!" binaba ni Claire ang telepono at tumakbo papalapit kay Richgale.

Nang mapalapit si Claire ay narinig niya ang pinag-aawayan ng dalawa.

"Totoo naman, diba? Lesbian ka naman talaga, eh," pang-asar ni Maxine.

Si Maxine ay matagal nang kaaway ng apat na magkakaibigan. Madalas sila nitong insultuhin simula pa noong Grade School.

Madalas niyang asarin si Richgale na "tomboy" o "lesbian" dahil sa boyish nitong kilos at pananamit. Si Yuna naman ay madalas asaring "lampa" dahil madalas itong madapa dahil sa kalabuan ng mata. Si Angel naman ay madalas tawaging "spoiled brat" at "malandi" dahil sa pagiging fashionista nito. Si Claire naman ay madalas asarin na "weird" dahil sa sobrang moody nito at sa sobrang pagiging creative.

Nagkuyom ng ng kamay si Richgale. Sasagot na sana si Richgale ng biglang dumating sina Angel, Claire at Yuna.

"Mas okay ng maging lesbian at pumatol sa babae kaysa naman sa pagkakalat ng sakit na AIDS, 'no!" sabat ni Angel, at hinarap si Maxine.

Ngumiti ng masama si Maxine. "So di niyo itinatangging lesbian siya?" Humakbang papalapit si Maxine sa apat. "Kawawa naman. Nagsama-sama lang kayo dahil pare-parehas kayong ampon! Mga hindi minahal ng magulang kaya ipinatapon na lang!"

Napatigil ang apat na magkakaibigan. Totoo ang sinabi nito. Lahat sila ay ampon lang ng kanilang pamilya at lahat sila bukod kay Richgale ay hindi tanggap.

Si Angel ay nanggaling sa isang mayamang pamilya at tanging ang kanyang ama lang ang tanggap siya. Ang kapatid nitong si Samantha at ang kanyang ina ay palagi siyang pinag-tutulungan tuwing wala ang kanyang ama. Si Claire naman ay verbally-abused. Araw-araw siyang sinusumbatan ng kanyang mga magulang at kapatid na si Andrew. Lagi sa kanyang ipinapamukha na siya ay isa lamang ampon at hindi tunay na parte ng pamilya. Si Yuna naman ay hindi inaabuso at pinagtutulungan ngunit kailanman ay hindi ipinaramdam sa kanya na minahal siya ng mga umampon at kapatid niya. Hindi siya binibigyan ng pansin kahit anong gawin niya. Sa kanilang apat ay si Richgale lang ang buong-pusong minahal ng pamilya. Itinuturing nila itong parang tunay na anak.

Lumaki lalo ang ngiti ni Maxine ng makita ang epekto ng mga salitang binitiwan. Tumawa ito. "Anong masasabi niyo ngayon? Totoo hindi ba? Masakit bang malaman ang katotohanan? Anyway, buh-bye!" Tumalikod ito at umalis.

Ang apat na magkakaibigan ay natigilan sa galit.

Nabuhay ang lahat ng nararamdaman ni Richgale nang uminit ang mga nakakuyom niyang kamay. Tinignan niya ito at nakitang umuusok ito. Nanlaki ang kanyang mata at naghanap agad siya ng tubig. Swerte namang may fountain at doon agad siya tumakbo. Nilublob niya ang kamay niya at nawala ang usok. Pero sumakit ito.

"Aaaaah!" maluha-luha niyang sigaw. Natigilan siya ng biglang pumutok ang mga ilaw. "Ay, buhayang kambing!"

Isa-isa itong sumabog at nag-laglagan ang bubog sa sahig.

Nang tignan niya ang tatlo niyang kaibigan ay nakita niya si Yuna na humahaba ang mga kuko sa kamay at nagkaroon ng matutulis na pangil ang bibig nito. Nang mapansin ito ni Yuna ay nagulat ito at mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig.

Nagulat si Richgale sa nangyayari. Napaisip siya, Anong nangyayari dito?

FANTASMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon