Chapter 2

21 1 0
                                    

"Arrrrggghhh!" inis na sigaw ni Angel habang nakakuyom ang mga kamay.

Napagdesisyunan ng barkada na lumabas na ng mall at umuwi na dahil lahat sila ay wala na sa mood na magkaroon pa ng kasiyahan. Kasalukuyan silang naglalakad papuntang parking lot ng mall. Sa kabila ng pagwawala ni Angel, si Richgale ay nananatiling tahimik habang naglalakad. Nagtataka pa din ito sa mga nakita at nangyari. Ganoon din si Yuna.

"Ano bang ginawa natin sa kanya, ha? Siya naman nagsisimula ng lahat, ah! Buwisiiit!" Patuloy na pagdadabog ni Angel. Nasa loob na sila ng parking lot ng mall at patungo sa kotse ni Angel nang biglang kumidlat na ikinagulat ng apat. Nakita nilang malakas ang hangin at ulan sa labas. Maya't-maya ay may kidlat na nagdadala ng tunog at sandaling nagbibigay ng liwanag sa paligid.

Nangunot ng noo sa Claire. "Bakit ang lakas ng ulan? Wala namang bagyo, tsaka ang taas ng sikat ng araw kanina...."

"Siguro dahil sa-" pagsisimula ni Yuna pero pinutol ito ni Richgale.

"Dude, sa susunod na yang scientific explanation mo," putol ni Richgale. Alam niyang magsisimula na naman ito ng eksplanasyon sa mga nangyayari. Si Yuna ang nerd ng barkada at sa kanya madalas nanghihingi ng tulong ang tatlo.

Nnahimik si Yuna at inayos ang salamin sa mata nang bigla itong madapa. Mabilis niyang nahawakan si Richgale na ikinagulat nito.

"Ay tanga," gulat na sambit ni Richgale at mabilis na naitayo si Yuna. Dahilan para matawa ang barkada.

Yuna sent an apologetic smile. "Sorry."

Lumapit si Claire kay Yuna at inakbayan ito pagkatapos ay ginulo ang buhok nito "Comedian talaga."

Tumatawa pa rin ang apat ng makarating sa kotse. Lumabas ang driver at pinagbuksan sila ng pinto. "Uuwi na po ba, ma'am?"

Angel rolled her eyes. "No, of course not. We'll drop them off first at their houses before going home." Sambit nito at pumasok sa loob ng kotse.

Hindi na nagulat ang barkada sa inasal ng kaibigan. Lumalabas ang tough side nito pag nakakaharap o napag-uusapan ang pamilya. Pinapakita lang nito ang masiyahing side ng pagkatao kapag kasama ang mga kaibigan

Pumasok na ng kotse sina Claire, Yuna at Richgale.

"Saan po?" Tanong ng driver. Bagong hire ito ng pamilya kaya't hindi nito alam ang daan papunta sa bahay ng tatlo.

"Marcos Highway, kuya," sagot ni Richgale at sumandal sa upuan. Naglagay ito ng earphones at ipinasok ang kamay sa bulsa ng jacket. Si Richgale Montero o "Chie" sa barkada, ay ang pinaka-"cool" at sporty sa barkada. At dahil sa liit ng pasensya ay madalas na mapaaway, na dahilan para madalas itong mapag-sabihang tomboy. Isa pang dahilan ay ang pananamit nito. Sa ngayon ay may suot itong fitted black t-shirt na may black na jacket. Ripped jeans at black na converse shoes ang suot nitong pambaba.

"Tumigil na ang ulan...." pag-oobserba ni Maury Claire Perez sa tabi ng bintana. "Araw na ulit, oh." 

Si Claire ang pinaka-artistic at creative sa barkada. Napaka-adventurous nito sa maraming bagay at sobrang kulit. Pero lahat ay lalayo dito once na magalit na ito. Natagurian itong "weird" dahil sa sobra nitong pagiging expressive. Naging outlet nito ang mga art na ginagawa at pananamit sa paglabas ng emosyon. May suot itong white t-shirt na may splatters ng iba't-ibang kulay. May "FUN" ditong nakasulat sa harap. Ang mga kuko nito ay may nail art na rainbow na ngpapakita ng masayahin nitong personality.

"Weird," pag-sang-ayon ni Angel. Si Angel Jem Matthews ay ang tinaguriang "leader" dahil siya ang bossy sa barkada. Masungit at wala itong pakialam pag kaharap ang ina at kapatid ngunit nagiging maamo at mabait pagdating sa ama at kaibigan. Nasabihan itong "spoiled brat" dahil sa paborito ng ama at isang daddy's girl. "Malandi" dahil sa pagiging fashionista nito. May suot itong checkered polo na may belt sa beywang at skinny jeans. Ankle boots naman to complete the "cowboy" look.

Si Yuna ay nanatiling tahimik. Siya ang pinakatahimik sa barkada. Naglabas ito ng libro mula sa bag, nag-ayos ng salamin, at nagsimulang magbasa. Si Yuna Kurusawa ang pinaka-tahimik at bunso sa apat. Naaasar itong "lampa" dahil madalas itong madapa dahil sa palaging may dalang libro at nagbabasa. Dahilan para maging nerd ng grupo. Ito din ang pinakasimple sa kanila, simpleng blue t-shirt, jeans at sapatos ang suot nito.

Pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan ay nakarating na sila sa Marcos Highway. Nagsimulang magturo ng direksyon si Angel dahil nakatulog si Richgale. Maya-maya'y tumigil na ang sasakyan sa bahay ni Richgale.

Sinimulan itong gisingin ni Claire. "Huy. Gising na, Chie!" inalog nito ang balikat ni Richgale.

Nagbukas ng nata si Richgale at nag-inat. "Oo na, ito na, lalabas na..." Lumabas na ng kotse si Richgale pero bago ito makapasok ng bahay ay nagsalita ito. "Hoy! Pakibigay na lang ang galit ko sa mga magagaling niyong magulang!" Kumaway ito ng nakatalikod at pumasok sa loob ng bahay.

Sumigaw si Claire. "Makakarating!"

Nagtawanan ang tatlo sa kotse.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakauwi na sina Claire, Yuna at Angel.

They sighed ang prepared for a living nightmare.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FANTASMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon