Author's POV
"Haaaaaaaaaaaaay. Natapos din ang trabaho. *KLUK* Nagugutom ako. D:" Sabi ni Rhianne sa sarili.
"AY! AYUN! Fishball. *O*" Pumunta si rhianne sa nagtitinda ng fishball at bumili.
"Manong, pabili nga ho. 10 pcs. Ahihihi." Binigay na ng tindero ang fishball kay rhianne, at habang kumakain si rhianne. May kotseng pumarada sa harapan nya. Napakunot ang noo nya dahil alam nya kung kaninong kotse ito.
"Uy. Rhianne. :D"
"Tch. Ano naman ginagawa mo dito? Ha? CJ?!"
"Wala. Bakit, pagmamay-ari mo na ba tong lugar na toh' ngayon?"
"Tch."
"Nga pala. Sumama ka saken, may pupuntahan tayo. :D"
"O-OY TEKA!"
Di na naka-laban si Rhianne dahil sinakay na sya ni CJ sa kotse at nagsimula magmaneho.
"OY KINI-KIDNAPP MO NANAMAN AKO!"
"HOY HINDI NOH. Kakain lang tayo!"
"Ahh. Ganun ba? *O*"
"Oo. Kesa yung kumakain ka ng mga street foods, di mo naman alam kung malinis o hindi."
"ABER. MASARAP NAMAN. CHOOSY MO. BADING."
"Manahimik ka nalang dyan."
(AFTER 20 MINUTES)
"Oy. Andito na tayo."
"Waaaaaaaah." Nanlaki ang mata ni Rhianne sa nakita nya. Isang fancy restaurant.
"Bunganga mo, baka pasukan ng langaw."
"Tch. Kakain tayo dito? *u*"
"Di. MagC-CR lang." Pangbabara ni CJ. At hinampas naman sya ni Rhianne sa braso. "Aray. Hahaha. Syempre, kakain. Ikaw naman."
"Tch."
"Humanap ka ng ng table, o-order nako. Ano gusto mo?"
"Uhhhhh. Tutal, di pa naman ako masyadong gutom. Siguro, porkchop, ramen, fried chicken, beef steak, shrimp-"
"O. TAMA NA."
"Teka, wala pang dessert. D:"
"O_O Osige, ano gusto mo?"
"Caramelized Plantain and Brie, chocolate cake, choco mousse, strawberry cheese cake, mango shake, Hefestus Gourmet tapos Cupcake. Yun lang. Hehe. :'D Tapos Orange juice nalang sa drinks. Diet ako e. :')"
"Ehem. (Kunwari Ubo) Halata nga. -_-'"
"O dali na, order na."
"ABA? -__- Oho, ito na seniorita." Tinawag na ni CJ ang waiter at umorder.
(AFTER 10 MINUTES)
"Ayan na order mo." Sabi ni CJ kay Rhianne.
"Wala kang inorder para sayo?" Tanong naman ni Rhianne.