CJ at the right side! :D
Author's POV
"Haaaaaaaaay, Ano kayang gagawin ko dito sa park?" Tanong ni Rhianne sa sarili nya.
Naglalakad si Rhianne nang may nabunggo syang lalaki.
"Sh*t. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
"Sorry po, sorry po tala-"
"IKAW?!"
Sabay silang napasigaw sa sobrang gulat.
"A-anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni CJ kay rhianne.
"Aba! Bakit? Masama? Ikaw na ba may-ari nitong park ngayon?"
"ASNSGNSADGSIANGADGSANHGOSA."
"Ano?"
"Wala! Sa susunod nga tumingin ka na sa dinadaanan mo."
"Pasensya naman HO. May iniisip HO kasi ako."
"Ano naman iniisip mo? Kung gano ako ka-gwapo? Rhianne naman. May gusto ka pala sakin, di mo sinasabi."
"HOOOOOOOOOOOOOOOOY! NAPAKA-KAPAL TALAGA NG MUKHA MO KAHIT KELAN! ARRRG. AKO MAGKA-KAGUSTO SAYO? E LAGI MO NGA AKONG BINUBWISIT! HAY BUHAY. NGAYON NA NGA LANG TAYO ULIT NAGKITA MAMBU-BWISIT KA PA!!!!"
"Hahahaha. Chill. Ang cute mo talaga pag galit." Nag-smirk si CJ.
Parang nabato naman si Rhianne sa kinatatayuan nya. A-ano daw? C-cute ako?
"Naniwala ka naman? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA. XD" Tawa ng tawa si CJ dahil nakita nyang nag-blush si Rhianne.
"Argh!" Tinapakan ni Rhianne ang paa ni CJ.
"Araaaaay! What was that for?!"
"For pissing me off."
"Hahaha. Ang bilis mo talaga magalit kahit kelan. ;)"
"M-may pa k-kindat kindat ka pa, mukha ka namang kirat! HAHAHAHAHAHAHHA." Si Rhianne naman ang tumawa.
Pinagtinginan sila ng tao dahil nasa gitna sila ng park nagba-bangayan.
"A-ah, E-ehh. S-sorry po ito po kasing lalaking t-" Naputol ang sinabi ni rhianne dahil bigla nagsalita si CJ.
"Pag pasensyahan nyo na po ang misis ko. Magkaka-baby na po kasi kami e. Kaya ganito sya ka sungit, alam nyo naman po ang mga buntis. Ganyan talaga. Sorry po ulit. "
Binigyan naman ni Rhianne si CJ ng, -HOY-MOKONG-ANONG-PINAGSASABI-MO-LOOK- at hinila lang sya ni CJ.
"Tara na nga honey, umuwi na tayo."
Sinakay ni CJ si Rhianne sa kotse nya at nagpa-andar na.
"HOY! CJ! IBABA MO KO!"
"Honey, wag ka nga sumigaw. Makaka-sama sa baby natin yan."
"HOY! ANONG BABY BABY ANG SINASABI MO DYAN! KAHIT KELAN DI AKO MAGPAPAGALAW SAYO NO! TYKA WAG MO NGA AKONG TAWAGING HONEY! NAKAKASUKA."
"Hahahahahahahaha." Tumawa lang si CJ
"Anong tinatawa-tawa mo?! Tyka san tayo pupunta? Ibaba mo nga ako! Uuwi nako! Baka kung ano gawin mo sakin ano!"
"Tss. Wala lang, magpapahangin lang. Tyka, wag ka nga muna magbunganga dyan, ihahatid din kita sa inyo. AT WALA AKONG GAGAWIN SAYONG MASAMA. Di kita type no. Tss."
"Hay ewan, teka san ba tayo pupunta ha?!"
"Sa seaside."
"Eh bat mo ko dadalhin don?!!"