*yawwn*
Hayy. Ang sarap talaga matulog. Hmm. Wala namang pasok ngayon kaya matutulog ulit ako. Maaga pa naman eh. ^____^
"Hoy!"
hmm..
"HOY!"
ano ba!
"HOY PIA! BUMANGON KA NA!!!"
aish! ano ba yan! nananaginip pa ako eh! bwisit! >.<
Di ko na lang sya pinansin. At nagtalukbong na lang ako ng kumot.
"PIA ANO BA! BUMANGON KA NA NGA!!" sigaw nya sakin na may kasamang pag hila sa kumot ko
"Lumabas ka nga ng kwarto ko. Aga-aga pa eh. Wala namang pasok. Labas dun! Chufi!" Sigaw kosa kanya tapos talukobong ulit ng kumot
"Hah! Baka nakakalimutan mo po na Sunday ngayon at kailangan nating pumunta kila Mama para magsimba. Bumangon ka na dyan!" Sigaw nya nay may kasama pang hila ulit sa kumot ko
"Eh Ikaw na lang pumunta! Tinatamad ako. Sabihin mo na lang may ginagawa ako. Basta magpalusot ka na lang." tapos nagtalukbong ulit ako
Ayy. Ang bastos ko ata. Si author talaga. -_____-
Ako pala si Sophia Issabelle Garcia-Sandoval. 18 yrs. old. 3rd year Fine Arts student sa Westridge University. MAGANDA, MAYAMAN, SEXY pero Di gaanong matalino. Hmm. Average lang ata yung utak ko. Haha! And yup. Hindi kayo nagkakamali. Kasal na ako. Odiba! Ang bilis lang. 18 pa lang ako kasal na ako sa lalaking kausap or should I say kasigawan ko kanina. Actually 5 months palang kaming kasal. Eh kasi naman etong mga magulang namin. Masyadong takot mawala ang mga ari arian. Kaya ayan. Ipinakasal kami. Samin daw kasi yun ipapamana. Nakakairita nga eh. Sa lahat ng lalaki eh Eto pang mortal enemy ko. Alam naman nilang Asar ako sakanya dahil lagi nya akong inaasar pero tinuloy parin nila yung Marriage. Eto namang si Ewan eh pumayag. Wala na daw syang magagawa. Fixed daw eh. -__________-
"Pia hindi ka talaga babangon dyan?" tanong nya sakin
Sya naman si Earl Patrick Sandoval. 19 yrs. old. 3rd year Architecture student sa parehong university din. Gwapo (Wee? Gwapo daw? Che!), Matalino (Ah. Eto totoo), Mayabang (SOBRA!) Pilyo (NAKUPOOO!), Mayaman, Captain ng Basketball team. Hmm. Ano pa ba? :// Ah! KISSING MONSTER din pala sya. >.< Di naman nya ako stalker para alamin lahat ng tungkol sa kanya. ASAWA nya lang naman ako (AN: Asawa daw oh! Haha!) Ayawan na. May paepal kasi. Di naman kasali. Ending na nga. dejoke! ^____^
Bigla na lang akong may naramdamang humiga sa kama ko. T-teka....Don't tell me? O______O
"H-hoy Earl! U-umalis ka nga! Ang sabi ko ako lang yung hindi pupunta diba?! Kulit ng lahi?! Alis! Chufi!" UGH! KAINIIIIIS!
"Tsk! Brutal naman neto! Parang pahiga lang eh" tapos kinuha nya pa yung isang unan ko. ABA'T!
"At bakit ka naman hihiga dito sa kama ko aber?" May sarili naman syang kama. Ba't di sya dun humiga. Diba? tsk tsk.
"Natural matutulog. Kaya kung ayaw mong matulog bumaba ka na lang. Inaantok pa ako." sagot nya sakin sabay talikod
"Pwede ba Earl! Umalis ka dito sa kama ko. Mamaya malagyan pa to ng virus mo. Atsaka bakit ba di ka pa umaalis? Diba sabi mo pupunta ka kila mama?"
"Diba sabi mo di ka pupunta? Edi di na rin ako pupunta." sabi nya sakin habang nakatalikod parin
Eh? Bakit naman? Napaisip tuloy ako.
HALA! O___O
Baka naman ano .......... alam nyo na............ yung...
"Haha! Wag ka magisip ng kung ano ano dyan. Ayoko lang pumunta dahil kahit anong palusot ang gawin ko sakanila di parin sila maniniwala. Yun pang mga yon. Panigurado uulanin lang ako ng tanong nun" still nakatalikod parin sya. Di ko alam kung kalahi ba toh nila Edward Cullen at nagagawang mabasa ang iniisip ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Kissing Monster.
Teen FictionAng sabi nya sakin dati kami hanggang huli. Na mamahalin nya ako FOREVER. Eh anakngputingtupa! Biro nya lang pala yun. Oh diba. Ang galing. Umasa ako. Para kasi sakin hindi biro yun eh. Tapos sakanya ganun lang? Langyang pagibig yan!